Kabanata 41

1K 22 12
                                    

Hi guys, I'm sorry for being inactive. My father died last April 28, so I've been so busy during my Father's wake. I'm very very sorry for not updating, I know I have my responsibilities here in wattpad but what can I do? I have to take good care of my mom for she was indispensable that day. So yeah, enjoy the update.

---------------------------------

Christine's POV

Napaka bilis ng araw na nagdaan. Lunes nanaman at next week na ang first demo ko. Kinakabahan ako baka kasi pagtripan lang ako ng mga estudanyante at hindi sila makipag-cooperate sa akin.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Mr. Garcia sa akin.

Umayos ako ng upo at umiling.
"Wala, sir. Sumakit lang mata ko." Sabi ko at pinagpatuloy na ang aking ginagawa.

Pansamantala kasi akong natulala habang chine-check ang gawa ng mga bata.
Sa gitna naman ng ginagawa ko, siya naman ang pag-agaw niya sa mga papel na nakatambad sa aking harapan.

"Magpahinga ka na muna, ako na lamang ang tatapos nito." Aniya ng may ngiti sa labi.

Tumango na lamang ako at hindi na siya kinontra pa.

"Sana lagi ka na lang um-oo sa mga gusto ko 'no?" Sabi niya na nakangiti parin, hinawakan din niya ang aking kamay.

Kung pwede lang na laging oo ang sagot ko sa'yo, bakit hindi?
Gustong gusto kong isagot sa kaniya ito.

"Masyado ka na yatang nagiging mabait sa kaniya?" Miss Mia came in.

Mabilis kong binawi ang aking kamay at tumayo.
"Ma'am."

"What again?" Si Mr. Garcia na itinuon na ang pansin sa mga papel na nakaharap sa kaniya.

Kanina pa kasi pabalik balik si Miss Mia sa faculty at panay din ang hingi niya ng tulong kay Mr. Garcia.

"I'm here because babawiin ko lang naman ang dating akin. Charot!" Sabi nito at tumawa pa.
"Since hindi na ako busy, baka pwede  ng ako na ang maging cooperating teacher ni Christine." Dagdag niya.

"Ok, iyon lang naman pala." Sagot ni Mr. Garcia saka na ipinokus ang tingin sa mga papel.

"Tara na, miss Christine?"

Tumayo na ako at sumunod kay Ma'am Mia.
Sa aming paglalakad, nagsalita siya.

"Do you like him?" Tanong niya.

"Ma'am?"

"May gusto ka ba kay Jay?" Tanong niyang muli.

Hindi ako kaagad nakasagot. Gusto ko na ba siya? Oo na ba? Kung oo, hindi ko naman pwedeng aminin kay Ma'am Mia iyon dahil hindi 'yun pwede.

"Estudyante parin po niya ako, kaya hindi po maaari ang iniisip niyo." Sagot ko.

"I'm expecting a 'no'. Pero, tama ka naman, mukhang 'no' na rin naman ang sagot mo. That's a relief for me." Sabi niya at tumigil sa paglalakad.

"It's a relief for me because, I like Jay to be honest." Pagpapatuloy niya at saka na naglakad muli na may ngiti pa sa kaniyang labi.

Gusto niya si Mr. Garcia, sa palagay ko talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkamabutihan ni Mr. Garcia.

Look, sa lahat ng taong makakadaupang palad ko, 'yung taong me gusto pa sa kaniya. Edi malaking ekis na ako.

"Miss Christine, halika na."

Humabol ako sa kaniyang paglalakad. Haay, ewan ko ba. Unti-unti ng nagiging komplekado ang lagay namin ni Mr. Garcia.

Pagkatapos ng klase, hindi na ako nagtagal pa sa loob ng eskwelahan.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon