Christine's POV
Kakatapos lang ng first demo ko. Salamat sa Dios at hindi nagloko ang mga bata. Nakipag cooperate naman sila at maganda ang kinalalabasan.
Samantala, si Jenny e madalang ko nalang makausap dahil inis na inis siya kay Mr. Garcia, at umiiwas daw ito dahil nahihiya na rin."Christine!"
Napapikit ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
Siya nanaman, ano ba 'yan!"Po?"
"Sabay na tayong kumain?" Aya ni Mr. Garcia.
Napakamot ako sa aking ulo.
"Hindi po ako maglu-lunch, sir. May tatapusin pa ho kasi ako."
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot saka na ako lumakad.Sa totoo lang, araw-araw ay wala siyang mintis sa pag-aya sa aking kumain. Kung minsan naman ay aalukin niya ako na isabay na ako pauwi, madalas din ang pangungulit niya sa akin.
Kahit gustong gusto ko na lagi siyang makasama, iniisip ko rin ang iisipin ng mga taong nakapaligid sa amin. Lalo na si Ma'am Mia na may gusto pala kay Mr. Garcia.
--sa aking paglalakad, tahasan akong hinatak sa braso si Mr. Garcia, napadpad kami sa tagong bahagi ng eskwelahan.
"Hanggang kailan ka ba magiging un fair?" Inis niyang tanong sa akin.
"Un fair?" Ulit ko.
"Ako?""Oo. You are always avoiding me, why?" Sa tono ng kaniyang pagsasalita, para siyang desperadong desperado sa isang bagay.
"Hindi kita iniiwasan, ginagawa ko lang kung ano ang tama...---"
Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sunggaban ng halik.
Nanatiling mulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya maitulak, hindi ko din alam kung saan sumusunod ang sarili ko.Hinagkan niya ang aking pisngi, marahan ang kaniyang halik. Hindi ko na alam, nadala na ako.
Napapikit ako at napakapit sa kaniyang polo at gumanti na rin ng halik.He even hold my nape to deepen the kiss. Ilang sandali lamang ay siya na rin ang pumutol sa halikang iyon.
Hindi ko tuloy maingat ang aking ulo at hindi ko rin kaya na harapin siya, nahihiya ako."So tama 'yung ginawa natin?"
Dahan dahan kong inangat ang naka tungo kong ulo.
Isang 'nagtatakang' ekspresyon ang ibinato ko sa kaniya."Ang sabi mo, ginagawa mo lang kung ano ang tama? You kissed me back, it only means na...--"
"No." Mabilis kong tutol, I tried to escape pero kinulong niya ako sa dalawa niyang braso.
"You liked it. And I know, you love me too."
Hindi ako nakasagot. Oo, mahal ko na siya. Ang tanga ko, kung sino pa itong taong sobrang komplikado ang buhay pagdating sa akin siya pa ang minahal ko.
"You love me." Ulit niya.
"Christine." He called me out.
"You love me, right?" Mahinahon at sobrang nakakalambot ng puso ang tono ng kaniyang boses.Kailangan ko na bang sagutin iyon? Baka lalo lang siyang matrigger na kulitin ako kapag sinabi ko na oo. Natatakot ako, natatakot ako na baka sobrang hulog na hulog na ako sa kaniya tapos biglang wrong timing pala ang nararamdaman namin.
"I love you. Please, do not hide what you feel."
Naalala ko bigla si kuya. Everything is ok, selfish na kung selfish pero ano nga palang pake ko kay Ma'am Mia? Hindi ko kailangang mag sacrifice para sa kaniya dahil hamak na co-teacher ko lamang siya.
Pero si kuya...
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...