Kabanata 11

1.8K 34 44
                                    

2 chapter for this day. Wala lang. :---(
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Dalawang buwan na ang nakalipas. Nakapag enroll na ako't lahat lahat, hindi ko parin nakikita si Mr. Garcia.

Mula noong araw kasi na nagkausap kami sa chat, hindi na naulit pa iyon. Ang buong akala ko nga ay magiging close kami, pero hindi.

"Uy, friend! Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Jenny sa akin.

"Magpapa enroll muna ako." Wala sa sarili kong sabi sa kaniya.

"Gaga, nagpa enroll ka na. Sino bang sinisipat mo diyan?"

"Ah, wala wala. Gutom na pala ako, tara na." Sabi ko at ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng school.

Kumain kami sa may food court at as usual, libre niya.

"Excited na ako, next two months magiging student teacher na tayo!" Sabi ni Jenny.

"Gusto ko ng matapos 'tong school year na 'to. Gustong gusto ko ng mag graduate."

"Excited ka masyado, enjoy-in mo muna 'yang pagiging college mo 'no. Baka magsisi ka kapag nagtatrabaho ka na."

Napabuga naman ako ng malalim na hininga.
"Alam mo na 'yun kung bakit gustong gusto ko ng makapag trabaho."

"Oo na po, bakit kasi hindi mo nalang tawagan 'yang mama mo at isumbong ang kuya mo." Suhestiyon niya.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ni kuya, ang tanging alam lang niya ay sinasaktan ako nito at maging ang kay Charlotte.

"Hindi 'yun ganun kadali. Saka isa pa, isang beses na lamang umuwi si kuya sa isang linggo. Kaya ok na kami sa bahay."

Sa kalagitnaan ng aming kwentuhan, nagvibrate naman itong cell phone ko.

"Sino 'yan?" Tanong ni Jenny.

"Si kuya, pinapauwi na ako." Sagot ko saka na binitbit ang sling bag ko.

"Sige na, kita kits nalang sa pasukan." Paalam ni Jenny saka pa kumaway sa akin.

Nginitian ko nalamang siya at lumisan na.
Pagdating ko naman sa bahay e 'yun din ang pagsalubong sa akin ni kuya.

"Madalang na nga lang ako umuwi sa bahay 'di pa kita dadatnan kaagad." Malambing nitong sambit.

Samantalang ako, sinagot ko siya ng pagkalamig lamig.
"Nag enroll ako."

"Ganun ba? Kumain ka na ba? Ako kasi kumain na sa labas kasama ng mga katrabaho ko bago umuwi."

Tumango na lamang ako.
"Si Charlotte pala?" Pag-iiba ko.

"Nasa labas, naglalaro."

"Ha? Teka lang kuya lalabas ako. Tanghaling tapat dapat hindi mo siya pinayagang lumabas."
Akmang lalabas na ako sa bahay nang biglang dumating ang batang makulit. At may dala pa itong ice cream.

"Oh, saan mo galing 'yan? Pag ikaw inubo sinasabi ko sa'yo." Sabi ko at kinapa ang kaniyang likod.

"Tingnan mo, pawis na pawis ka na. Ubusin mo na 'yang ice cream mo, at saka ka maligo." Sabi ko naman.

"Paamoy nga ng bunso namin." Inamoy ni kuya ang buhok nito saka pa umarte na parang naka amoy ng mabaho.

"Amoy araw ka na bunso."

"Kahit na amoy araw ako, masarap parin 'tong ice cream." Sabi naman ni Charlotte saka pa dinidila dilaan ang hawak niyang ice cream.

"Binigyan mo ba ng pambili 'to kuya? Hindi ba sabi ko huwag siyang madalas bibigyan ng pera? Mamaya maspoiled 'to."

"Hindi po ate, 'yung kuya doon na nagpapagawa ng bahay 'yung nanlibre ng ice cream sa amin."

"Sino nanaman 'yun? At bakit naman kayo bibigyan ng ice cream?" Usisa ko.

"Ice cream lang iniimbestigahan mo pa, paliguan mo na 'yang si Charlotte. Tapos na rin naman siya sa ice cream niya." Sabi ni kuya.

Hinawakan ko na ang balikat ni Charlotte.
"Tara na, maligo ka na?"

-- -- -- -- -- --

*kriiiiing*
Madaling madali ako na halos madapa na ako sa hallway para lang makahabol sa first subject ko.

Pagkabukas ko ng pintuan, hingal na hingal akong napanganga.
Watdapak! Si Prof palang ang nasa class room.

"Good morning, sir. Uh, nasaan po ang mga kaklase ko?" Tanong ko saka na umupo sa isang vacant sit.

Lol, lahat naman vacant e. What I mean is sa gitna ng mga vacant sits.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa'yo ng ganiyan? Nasaan ang mga kaklase mo?"

"H-hindi ko po alam e. Akala ko nga po late na ako." Sagot ko.

"Late ka nga, mas late nga lang ang mga kaklase mo. Haay, first day na first day ganito ang ipinapakita ninyo sa akin." Sabi niya at umupo sa teacher's table.

"By the way, I am Valentine Tic. But, call me Sir Tictoc nalang. I am more well-known with that nickname." Naka ngiti nitong saad.
"And I am your P.E teacher."

"Eh sir, bakit po Tictoc?" Out of curiousity kong tanong. Ang weird kasi hahaha!

"Because, I am a human clock."

Moment of silence. Okay? I don't get it. Definitely not.

"Kidding, I used to distract my students during exam using the 'ticktock ticktock' sound to test their concentration." Nakangiti parin nitong pahayag.

Napa "Ahhh." na lamang ako at tumango tango.

Tumingin siya sa relo niya at bumuntong hininga.
"Last 5 minutes, first day na first day may bibisita sa guidance councilor." Sabi nito habang naglalakad lakad sa harapan.

Doon sa 5 minutes na iyon, paisa-isa sa mga kaklase ko ay dumarating. Ako ang kinakabahan para sa kanila e.

"Times up!"

Maging ang mga bagong dating kong kaklase ay nagulat sa sigaw ni Sir Tictoc. Err-- hindi ko feel name niya.
I prefer Sir Val nalang para medyo mabango sa pandinig.

May papasok pa sana sa class room nang sitahin niya ito.

"Oops, Sir at Madam kindly wait for me outside the room after my class." Nakangiti nitong sambit sa mga kaklase ko but full of sarcasm.

"B-bakit po sir?" Tanong ng mga ito.

"The two of you and ang mga susunod na papasok sa klase ko sa oras na ito, ay mag uusap after my class." Talaga namang hindi nawawala ang ngiti nito.

Walang nagawa 'yung iba kundi lumabas sa room.

Tinaas niya ang hintuturo niya at nagsimulang bilangin kami isa-isa.
"So! One, two, three, four, five, hmm. 19, okay, 19 over 30. So 11 pala ang dadalaw kay Miss Camille mamaya."

Si Miss Camille ang guidance councilor at ang director at the same time ng school.

Nagbulungan naman ang mga kaklase ko at mukhang alam na nila ang mga mangyayari sa mga late.
Sa presinto --este sa guidance ang bagsak nila.

Nako, mukhang kailangan kong magising ng maaga tuwing lunes at biyernes nang dahil sa P.E teacher na 'to.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon