"Ano ba, Qen!" Patuloy parin ako sa pagpupumiglas.
Mahigpit ang hawak niya sa aking braso ngunit kaagad din niya itong pinakawalan nang humandusay siya sa sahig.
"What's happening to you, Macquenrie?!"
Hindi ako makapaniwala, of all people na pwedeng tumulong sa akin, si Mr. Garcia pa.
"Huwag kang makealam dito, Jay. Wala kang alam..--"
"I know everything, ikaw ang walang alam. Ni hindi mo nga alam na si Christine ang babaeng tinutukoy ko sa'yo na gusto ko at mahal ko." Sabi ni Mr. Garcia habang nakatitig sa akin.
Nang marinig naman iyon lahat ni Qen ang sinabi ng kaniyang pinsan, siya naman itong tumitig din sa akin. Napatikhim ako at iniiwas ang tingin sa kanilang dalawa.
Nahihiya ako, feeling ko napaka landi ko sa mga mata ng taong nakakasaksi sa mga nangyayari sa amin ngayon.Naramdaman ko ang marahang hila sa akin ni Mr. Garcia papunta sa kaniyang sasakyan.
Tumingin muna ako sa kaniya, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya."Sige na, sakay na." Malumanay niyang sabi at hinawakan pa ang aking balikat at ulo upang iyuko ako papasok sa sasakyan.
Samantala, si Qen ay naiwang nakaupo parin doon, mula sa side mirror kita ko ang pagtanaw niya sa sasakyan kung saan lulan kami.
"Are you ok?" Tanong nito sa akin.
"H-ha? Oo." Sagot ko naman.
Hindi na noon siya nagsalita pagkatapos, ako naman ay pahaplos haplos sa aking braso dahil sa hapdi na aking nararamdaman.
Siguro'y nasugatan ako sa mga kuko ni Qen noong hawak niya ang aking braso."You are not ok." Sabi ni Mr. Garcia at biglang inilihis ang landas na tinatahak namin.
"Hindi... hindi, ok na ako. Iuwi mo na lamang ako dahil walang kasama sa bahay si Charlotte." Sabi ko.
Hindi naman niya pinansin ang aking sasabihin, bagkus binunot niya ang kaniyang cell phone, pagkatapos ng iilang kalikot, itinutok na niya ito sa kaniyang tainga.
"Hello, Val? Yes, I have an emergency to say... yes, shut up... please take care of Charlotte, something came up at hindi makakauwi kaagad ang ate niya."
Gulat na gulat ako nang marinig ko lahat ng sinabi niya.
"Naku, ayos na ako...--"
"Shut up." Putol niya sa akin.
Kaya hanggang sa condo niya tahimik ako. Naka upo ako sa sofa at siya naman ay nililinisan niya ang aking maliliit na sugat.
Maliit lang naman iyon, sa tutuusin wala na dapat siyang ipag-alala dito."Sa susunod, matuto kang lumaban. Wala kang mapapala sa kakapiglas mo at kakabulyaw, mapapagod ka lang." Sabi niya habang nilalagyan ng bandage ang sugat ko.
"Huwag mo laging pinapakita na mahina ka, na kayan-kayanin ka lang nila." Sabi nito at tinapos na ng huling bandage sa aking braso.
Magpapaalam na sana ako nang may maalala ako.
"Hindi ba't may lakad ka ngayon kasama ni Ma'am Mia?" Tanong ko.
Tumango naman siya, iyong tango na parang hindi siya nag aalala na baka magalit ito sa kaniya dahil sa hindi niya pagsipot.
"Aalis na ako, nang makahabol ka pa sa kaniya...---"
"Hayaan mo siya, mas mahalaga ka kesa sa kaniya."
Simple words but it gaves shiver on me. Geez, ba't ganiyan ka?
"Kanina pa appointment ko sa kaniya, pero mas pinili kong sundan ka. Ang tanga ko mang pakinggan pero araw-araw ganun ang ginagawa ko...--"
This time ako naman ang pumutol sa kaniya.
"Araw-araw? E nung isang araw nga kasama mo si Jenny." Ayokong magtunog selos ako pero hindi ko magawa.Huminga siya ng malalim at sumandal, pareho na kaming nakaharap ngayon sa T.V niya.
"Inaamin ko, sinubukan kong i-date si Jenny para makalimutan ka pero walang epekto 'yun. Kaya um-oo din ako sa imbitasyon ni Mia sa akin dahil eager talaga ako na makalimutan ka. Kasi, naisip ko na parang un fair ang lagay ko. Ako nahihirapan ako nang dahil sa'yo pero ikaw mukhang wala na akong kwenta sa'yo." Sabi nito.
Kung alam mo lang gaano ako nahihirapan sa sitwasyon natin, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tuwing magkikita tayo.
"P-pero... bakit si Jenny pa? Bakit kaibigan ko pa?" Tanong ko.
Humarap siya sa akin, para bang sinasabi ng kaniyang mga mata e: "Huwag kang magagalit sa akin kapag may sinabi ako."
"To be honest..."
The he paused a bit. Ako naman ay naghihintay lang sa kaniyang sasabihin."I met Jenny five years ago, naka one night stand ko siya, sa bar." Amin niya.
Nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib. Nauna pala ang kaibigan ko kesa sa akin. Ganun ba talaga kaliit ang mundo? Of all people, kaibigan ko pa?
"I was devastated back then, because my wife died. Alam kong hindi ko pa naikwento si Joana sa'yo." Sabi nito at inilabas niya ang susi niya na may "JJ" na keychain.
"Regalo sa akin ito ni Joana from our 100 days being in a relationship. I was 20 years old noong ikinasal kami, sadly she had a heart failure. And then, she left me... after Joana was cremated, that night Qen was so eager to make me feel better. Ayun, he set me with a girl and it was Jenny pala."
Pero... aaaah! Naguguluhan ako, bakit hindi man lang ako sinabihan Jenny tungkol doon?
"B-bakit hinayaan mo na mahulog ka sa akin? Alam mo naman palang kaibigan ko ang naka one night stand mo?" Tanong ko.
"Nalaman ko lamang iyon kamakailan lang." Sagot niya.
"Hindi ko kasi siya ganoon nakita gawa ng sinapian na ako ng espirito ng alak noon. But, I still remember the red dress she was wearing and the strawberry perfume that been stuck in my smelling sense for five years. Naaalala mo ba noong may program sa school? That's the exact day that I found out na siya pala ang kasama ko noong gabing 'yun."
Bakit parang may tumatakbo sa isip ko? Bakit naiisip ko na baka ako iyon? Na baka...
Naka pulang bestida din naman ako noon at pareho kami ng pabango ni Jenny. Aaah!"I tried to hit her once again, pero nag iba na siya. Ibang iba siya five years ago."
"By any chance... December 24 ba iyon? Kung kasama mo si Qen noon, may a-ano... may nakasiping din ba siya?" Mahina kong tanong, sa totoo lang naiilang ako kapag pinag uusapan ang ganiyang bagay.
"Yes, tandang tanda ko 'yun, bisperas ng pasko. Tungkol naman sa kay Qen, sabi niya, oo."
Nanlamig ako sa aking inuupuan, ibig sabihin... si Qen ang kasama ko noong gabing iyon. Ibig sabihin...
"But it's already done, we have nothing to do with it, all I want and love now is you." Sabi niya at hinawakan ang aking kamay.
Nang hawakan niya ang aking mga kamay, heto nanaman ang mga rason na sumasagabal sa amin. The problems between us are now invading my brain.
"Pero kasi...--""Ayan ka nanaman, wala pa nga kumukontra ka na." Sabi niya at pinipisil pisil pa ang aking palad.
"Tell me kung anong bumabagabag sa'yo, although wala pang tayo, I want you to be honest tungkol sa nararamdaman mo... sa akin." Sabi nito.Sasabihin ko ba ang tungkol sa pang te-threatened sa akin ni Ma'am Mia? Natatakot ako na baka lalong lumala ang problema.
"Ang kuya mo nanaman ba? Hindi ba't sabi ko tutulungan kita?"
Umiling ako.
"Hindi ang kuya..."Huminto ako saglit at mataman siyang tinitigan.
"Si Ma'am Mia."
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...