Kabanata 14

1.5K 24 12
                                    

Tulad ng sinabi ni Mr. Garcia, hinintay ko ito sa labas ng school.

"Uy christine, hindi ka sasabay?" Si sir Val pala.

"Hindi po sir, may lalakarin po ako."

"Sige, ingat ka at mauuna na ako." Sabi nito at kinawayan pa ako.

Mga limang minuto na akong nakatayo sa harapan nang school nang may tumigil na asul na sasakyan sa harapan ko.

Bumaba ang bintana nito at tumambad si Mr. Garcia.

"Doon sa kanto mo nalang ako puntahan, baka may makakita sa atin at iba ang isipin. Hintayin kita doon." Sabi niya at pinaharurot na ang kaniyang sasakyan.

"Haaay, pinaglakad pa ako ng bwisit." Asar kong sabi habang naglalakad patungo sa kanto.

Pagdating ko doon ay kaagad na akong sumakay sa sasakyan niya.
Walang umimik kahit minsan sa aming dalawa.

Maya-maya'y pinark niya ang sasakyan sa isang restaurant.
Magdedate ba kami? Hahaha charot.

Hindi man lang niya ako pinagbuksan ng sasakyan, nagtuloy tuloy siya sa loob ng restaurant.

Habang hinihintay namin ang pagkaing inorder niya, doon na niya naisipang magsalita.
Psh, may dila pala itong kasama ko.

"You're going to be a student teacher for the next 2 or 3 months right?"

"3 months po." Pagtatama ko.

"Yah right, by the way I suggest kung sa Southville High School ka nalang magpatransfer?"

Napatikwas naman ako ng kilay.
"Ano po bang meron dun?" Tanong ko.

"Students of course?" Pilosopong sagot nito.

"Alam ko po, ang ibig kong sabihin bakit doon pa e may mas malapit naman. Kung saan ako nag high school." Sabi ko naman.

Nagpause siya for about 5 seconds, at biglang nagsalita.

"Ah, doon kasi ako nagtuturo kapag umaga. As I observed, matitino at tahimik ang mga bata doon. Saka para sure na pumasa ka kapag final demo mo na." Sabi nito.

Napaisip ako bigla.
"Tintulungan niyo po ba akong makapag tapos sir?" Tanong ko.

Again, 5 seconds pause nanaman siya.

"Uh, y-yes. Why not, d-diba? Naawa kasi ako sa'yo nang ikwento mo sa akin how battered you are sa kuya mo. That is why, yes. Tutulungan kita."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Talaga po sir? Walang bawian 'yan ah, sabi niyo po 'yan. Dapat makapag graduate ako with flying colors."

"Oo naman. Basta you have to help yourself too. Know your obligations."

Agaran naman akong tumango.
Haaay, ang saya ko. Ngayon, hindi nalang ako ang susuporta sa sarili ko, may mabait na prof na akong tutulong sa akin upang makamit ang pangarap ko.

"I like you when you're smiling." Naka ngiting saad ni Mr. Garcia.

"Here's your order sir."

Hindi ko siya gaanong narinig dahil sa sobrang tuwa at idagdag mo pa na biglang dumating ang waiter dala-dala ang order niya.

"Po?" Tanong ko.

"Keep smiling, sabi ko." Malamig niyang sagot. Tinapunan naman niya ng tingin 'yung waiter.
"Give me the bill right now."

"Ok, sir."

Akmang susubo na siya ng pagkain nang pigilan ko ito.

"What the hell." Tila mukhang naasar pa ito sa ginawa ko.

"Magdasal po muna bago kumain." Sabi ko.

Tumango naman siya at binitawan ang kaniyang mga kubyertos.
Pinikit ko na ang aking mga mata at nagsimula ng magdasal.

"Lord, thank you for this abundant blessings that you gave. Bless the food we eat and the person whom I am with for he stands as an instrument for me to be motivated as well. Give us..--"

"Here's your bill, sir."

Napatigil ako sa pagdarasal nang may magsalita.
'yung waiter pala.

"Are you stupid? Can't you see we're praying? Don't you know the word respect?" Halos sigawan na ni Mr. Garcia 'yung waiter.

"Sir, ok lang po. Mukhang hindi naman niya alam." Pagpapakalma ko.

"No, he is very unethical." Masamang saad nito.

"No, sir. It's ok. --ok na kuya, balik ka na sa trabaho mo." Naka ngiti kong sabi doon sa waiter.

"Why did you do that? He deserved to be treated like that, dapat nga pinatawag pa ang manager para ako mismo ang magtuturo sa kaniya paano patakbuhin ang ugali ng mga empleyado niya."

Huminga ako ng malalim and I manage to smile.

"Sir, kung mambabastos ka ng isang waiter okaya naman ay mamamahiya ka sa napaka raming tao ikaw pa ang magmumukhang masama. Hindi naman niya alam na nagdadasal tayo dahil ginagawa niya ang trabaho niya. Tingnan mo siya kung paano siya ka- stress, kakarampot lang ang kinikita niya pero mas pagod pa siya sa'yo." Amano ko.

Nakita ko namang kumalma na siya.

"Whatever, let's eat." Sabi nito at nag-umpisa ng kumain.

Tinapos na namin ang pagkain, binuksan niya ang wallet niya at kumuha ng pera doon saka nito inilapag sa table.

Bago pa niya naisara ang wallet niya, may pumukaw sa aking mga mat. Letrato ng babae.

"Sino siya?" Tanong ko.

Kaagad niyang itiniklop ang pitaka niya at binulsa.
"You don't have to know who she is." Malamig nitong sambit.

Sus, para nagtatanong lang. Hindi naman ako interesado kung sino 'yun. Hmp.

Again wala nanamang imikan sa sasakyan, sungit kasi e.
Hinatid na lamang niya ako sa kanto malapit sa amin.

Isa pa, ayokong magpahatid ng naka kotse hanggang sa amin, baka kung anong isipin ng mga kapitbahay at isumbong pa ako sa kuya.

"Salamat po sa treat, sir. And advance thank you na rin po sa pagtulong ninyo sa akin." Nakangiti at puno ng sinseridad kong sabi.

"No problem, you can count me on anytime."

Inalis ko na ang pagkakaseat belt ko at akmang lalabas na ng kotse nang magsalita ito ulit.

"So, let's consider this as our first date?"

Literal na nanigas ako sa kinauupuan ko nang sabihin niya iyon.

"First date?" Wala sa sarili kong naiusal ang dalawang salita na iyon.

"Uh, nevermind. That sounds awkward. Go, umuwi kana." Sabi nito.

Wala ng sabi akong lumabas ng kotse saka naglakad pauwi ng bahay.
Hanggang sa bahay e iniisip ko iyon.

"Ganun ba talaga kapag teacher na lalake? Pagkatapos makipagsabay kumain, date na kagad 'yun?" Wala nanaman ako sa sarili habang nagsasalita.

"Ate, bakit ka po ginabi? Gutom na ako." Salubong ni Charlotte sa akin.

"Pero sino kaya 'yung babaeng nasa wallet niya?" Tanong kong muli sa aking sarili.

"Ate!!!! Gutom ma ako!!!"

Nagising lang ako sa katotohanan nang sigawan ako ng batang 'to.

"Teka lang bunso ha." Sabi ko saka ko inilabas ang cell phone ko.

To: Mr. Jason Garcia

'Hi sir, good eve! Ang saya ko kasi nadagdagan lakas ng loob ko para makapag tapos. Ahm, thank you ulit sa treat sir! Sa uulitin.'

Naka ngiti pa akong isinend 'yon nang mabasa ko nanaman ang "Failed to send."

Napanganga ako sa aking nakita.
"Haaay, bakit ba nakakalimutan kong wala pala akong load."

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon