Kabanata 22

1.2K 29 10
                                    

Kalbaryo ko nanaman ang pagcocommute, lagi na lamang kasi akong nasasakto kapag isisigaw na ni manong 'yung linya niyang:

"Isa nalang aalis na!"

Haaay, ano pa bang choice ko diba? Sumabit nanaman ako.
Mas gusto ko na ang sumabit at mausukan kesa sa mangalay ang binti ko.

Pagdating ko naman sa eskwelahan ay si ma'am Mia lang ang binati ko kahit na andoon sa faculty si Mr. Garcia.
Gusto ko lang bakit ba.

Buong araw kong iniiwasan si Mr. Garcia, pati si Jessica ay hindi ko gaanong kinakausap.
Ayokong maging mas malapit kami ng propesor ko.

"Christine, diyan ka muna sa faculty. May meeting lang kami ng mga co-teachers ko para sa zonal meet this month." Sabi ni ma'am Mia at hindi na hinintay ang sagot ko saka na lumabas.

Nagdukmo ako sa mesa at ipinikit ang aking mga mata.
Hindi ko pa naaabot ang aking antok e may naramdaman akong kumakalikot sa aking mukha.

Napasimangot ako at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Nanlaki ang aking mga mata nang ako ay tuluyan ng nakadilat nang makita si Mr. Garcia sa aking harapan at hinahawi ang iilang hibla ng aking buhok na nakatambon sa aking mukha.

Napa ayos ako ng upo at kinapa ang gilid ng aking labi kung may laway ba ako o ano.
Inayos ko rin ang aking buhok at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Puyat ka ba? Go ahead, you can sleep. Tutal, they are having a meeting." Sabi nito at inilapat ang kaniyang palad sa aking braso.

Umiling naman ako at saka na tumayo.
Papasok na lamang ako sa klase nina Jessica. Para mas lalo kong makilala ang mga estudyante ko.

Akmang lalakad na ako palabas ng faculty nang magsalita ito.
"Teka, Chrtistine."

Humarap ako sa kaniya ngunit hindi ko maitama ang aking mga mata sa kaniya.

"Why are you acting like that?" He asked.

This time, tiningnan ko siya.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Lumapit siya sa akin then he caressed my cheeks. My two cheeks.
"I told you to be comfortable with me. Bakit mo ako iniiwasan?"

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ninenerbyos lang ba ako o epekto ito ng pagiging touchy ni Mr. Garcia.

"S-sir..."

"Hindi kita pagbabawalang tawagin akong sir. But please, ipakita mo kung ano ang nararamdaman mo. Wala ba akong epekto sa'yo?"

Napanganga ako ng bahagya sa kaniyang sinabi.
Epekto? Sakaniya? Meron na, umeepekto ka na sa sistema ng buhay ko.
Hindi ko na maintindihan itong puso ko kung bakit ganito siya makareact sa'yo ngayon.

"S-sir, papasok pa po ako sa klase nina Jessica." Pag-iiba ko.

Hindi ko alam kung bakit siya ngumiti at marahan akong hinila palapit sa kaniya.
Natigil ako sa paghinga nang yakapin niya ako.

"Let's go out. I want to date you." Walang alinlangan niyang sabi.

Ngayon sobrang bilis na talaga ng kabog ng puso ko.
Any time sasabog na yata ito.

"Silence means yes."

Humiwalay naman ako sa kaniya at tiningnan siya mata sa mata.
Paano ba ako mag aadjust sa lalakeng ito? Paano ba humindi sa kaniya? Paano na ako iiwas sa kaniya kung kaagad siyang kumikilos ng ganito?

"I will wait for you later, after class. Huwag kang lalabas ng school ng hindi ako kasama." Naka ngiti niyang saad saka pa pinisil ang pisngi ko.

Naiwan akong nakatulala sa faculty. Imbis na pasukan ko ang natitirang oras ng klase nina Jessica, ay mas pinili kong mag stay sa faculty at isipin kung ano bang nangyayari ngayon sa buhay ko?

Buong hapon akong nag stay sa loob at hindi pumapasok sa isip ko na lumabas doon.
Paulit-ulit ang pumapasok sa isip ko.

"Let's go out. I want to date you."

"Let's go out. I want to date you."

"Let's go out. I want to date you."

"Let's go out. I want to date you."

"Let's go out. I want to date you."

Napapikit ako ng mariin at sinabunutan ang aking sarili.
Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o naiinis ako sa sarili ko.

"Istupida, tonta, inutil." Sabi ko sa aking sarili habang hawak hawak ang nakapulunggos kong buhok.

"What are you doing?"

Natigil lang ako sa ginagawa ko at napa ayos ng upo nang marinig ko ang boses ni ma'am Mia.

"Ma'am, nandito na ho pala kayo." Nakangiti?? Kong sabi.
I know, 'yung ngiti ko ay sobrang awkward.

"Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?" Tanong nito sa akin at umupo sa aking tabi.

"Ah ano po kasi, masakit ang ulo ko." Rason ko.

"Lalong sasakit ang ulo mo sa ginawa mo kanina. Sige na mag-ayos ka na diyan nang makauwi na tayo." Sabi niya sa akin habang nakaharap sa salamin niyang pagkaliit liit.

Patapos na si ma'am Mia sa kaniyang inaayos pero ako ay tulala parin.
Iniisip ko kasi kung hahayaan kong i-date ako ni Mr. Garcia o huwag na lamang siyang siputin ngayong araw na ito at tumakas na lamang pauwi.

"Hello, Miss Salonga!"

Guess who?
Si Jessica lang naman.

"Oh, Jessica bakit hindi ka pa nauwi?" - Ma'am Mia.

"Wala lang po. Nga pala ma'am, pinapatawag po si Miss Christine."

Kaagad naman akong napatingin sa kaniya.
Bakit ako? At sino naman ang nagpapatawag?

"Ok, paano mauna na ako ha, Christine." Paalam nito sa akin, samantalang ako ay tumayo na at sinundan si Jessica.

Sinundan ko ito hanggang sa parking. Saan ba ako dadalhin neto.

"Osya na, bye bye na ate tintin. Enjoy!" Naka ngiti niyang sabi saka na ito kumaripas ng takbo.

"Hoy, Jessica! Teka lang!" Tawag ko rito.

"Halika na, time is gold."

*dugdug dugdug dugdug*

Nagsisimula nanamang kumabog ng pagkalakas lakas ang aking dibdib dahil nakarinig nanaman ako ng pamilyar na boses.

Ipinihit ko ang aking sarili, naka tingin lamang ako sa kaniya at pinagtatalunan pa ng isip at paa ko kung hahakbang ba ako palapit sa kaniya.

"Come on, huwag mo akong hintayin na kargahin ka pa papasok ng kotse ko." Sabi niya sa akin at humakbang na palapit sa akin.

"T-teka lang, kukunin ko muna 'yung bag ko doon sa faculty." Sabi ko at akmang lalakad na pabalik doon nang bigla nitong hinatak ang aking kamay.

"Huwag na, every minute is precious. Ako na ang bahala sa bag mo." Sabi niya at tuluyan na akong hinila papasok ng kaniyang kotse.

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon