Kabanata 23

1.2K 31 4
                                    

Simula noong hawakan na ako sa leeg ni kuya, hindi ko na nakuhang mag-entertain ng mga lalakeng nais akong ligawan.
Sa tanan din ng buhay ko, never akong nailabas sa restaurant o maging sa carenderia lamang.

Oo, kumain na kami sa labas ni sir Val. Pero iba ito e.
Date nga daw ito, iyon ang sabi ni Mr. Garcia.

Kaya nakakarandam ako ng saya sa puso ngayon habang tinititigan ang kabuuan ng restaurant kung saan niya ako dinala.

"It seems you are happy. Happy ka nga ba?" Tanong niya sa akin.

Ngumiti naman ako at tumango.
Minsan lang naman siguro ito, walang masama kung makikipagdate ako kay Mr. Garcia. At isa pa, wala naman si kuya kaya malaya akong makakagalaw.

"Christine..." tawag niya kaya naman inilipat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Komportable ka ba?"

Tumango ako without any hesitations.
Nakita ko naman siya na parang lumuwag ang kaniyang pakiramdam.

"Do you want to know more about me?" He asked.

Pansamantala akong hindi nakasagot. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ba't dapat ay iniiwasan ko siya upang hindi lumalim itong nararamdaman ko?
Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing magtatama ng kay tagal ang aming mga mata.

"Kasi ako, I really really want to know everything about you."

Medyo iniurong ko ang upuang inuupuan ko para kapag magwawalk out na ako, readyng ready na.

"H-hindi pwede." Mahina kong sagot sa kaniya.

"W-why?"
Akmang hahawakan niya ang aking kamay pero iniiwas ko iyon.

"Estudyante mo ako, guro ka. Hindi ho ito pwede." Sabi ko naman.

"Right, pero hindi mo na ako prof." Pilit niya.
"Kaya nga hindi na ako nagtuturo doon sa school mo. Para hindi kita maging estudyante."

Napapikit ako ng mariin.
"Hindi po talaga pwede." Sabi ko saka na tumayo.

Tinahak ko ang daan palabas ng restaurant na ito at nang pumara ako ng taxi ay nahinto ako sa pagsakay dahil naalala ko na nasa school pa pala ang bag ko.
Bwisit talaga!

Pinilig ko ang ulo ko at saka na pumasok sa taxi, isasara ko na ito nang may pumigil.
Walang sabi sabi niya akong hinatak palabas doon.

"Sir, bitawan po ninyo ako. Kailangan ko ng umuwi." Sabi ko at pinipilit na bawiin ang aking kamay na mahigpit niyang hawak.

The more na hinihila ko, the more na hinihigpitan niya ang paghawak. Nasasaktan na ako, feeling ko wala ng dugo ang dumadaloy sa mga daliri ko.

Binitawan lamang niya ako nang isandal niya ako sa kaniyang kotse at ikinulong sa magkabila niyang braso.
Samantalang ako ay nanatiling nakatungo lamang.

"Sir..."

"Why? I mean, why are you dumping me like that? Bakit ang bilis mong magdesisyon?" Sabi nito.

Hindi ko makita ang kaniyang reaksyon dahil hindi ako makatingin sa kaniya.

Ayokong magsalita, ayokong mag-imbento ng kung ano-anong rason, baka lalo lang akong madulas at masabi sa kaniya lahat ng inahing ko sa buhay, lahat ng nangyayari sa bahay at lahat ng sikreto ko.
Ayoko.

"Answer me."

Tumingin ako sa kaniya, isang nag-mamakaawang tingin ang ibinato ko sa kaniya upang tumigil na siya sa mga tanong niya.

"Uuwi na po ako." Sabi ko.

"Hindi 'yan ang inaasahan kong sagot, masyadong malayo sa tanong ko."

"Please, sir... hindi talaga pwede ang gusto mo kaya tama na ho." Sabi ko at pilit na tinutulak siya palayo.

"Not until you answer why are you pushing me away. Ni hindi mo pa nga ako sinubukan kung paano ako magmahal, kung paano ako magpasaya ng babae and then you're...--damn!" Mura saka pa niya hinampas ang kaniyang sasakyan na ikinagulat ko naman.

Malapit na akong maiyak, masyado akong nape-pressure sa kaniya.

"N-natatakot ka ba sa akin? Dahil sa mga nangyari?"

Ok sige, fine... sasabihin ko na sa kaniya na hindi pwede at ang problema ay na kay kuya. Dahil pareho lang kaming masasaktan kapag nalaman ng kuya ito.

Sasagot na sana ako nang biglang...

"Uy, Jay! Sinong kasama mo?"
Mula sa likuran ni Mr. Garcia, may lalaking bumati sa kaniya.

Dahan-dahang inalis ni Mr. Garcia ang dalawa niyang kamay sa aking gilid.
"Pumasok ka na sa kotse, ihahatid kita pauwi." Bulong niya.

Kaagad akong tumalikod at hinila na ang pintuan nang sasakyan nang may marinig akong nagsalita.

"Kuya fried chicken, uwi na po tayo baka umuwi na si ate."

Madali akong lumingon at nasilayan si Charlotte na kasama ni Sir Val.

"Charlotte." Tawag ko saka siya linapitan.
"Anong ginagawa mo rito ha?" Tanong ko kaagad nang makalapit na ako sa kaniya.

Kinuha ko si Charlotte sa pagkakakarga ni sir Val.

"Pinuntahan kasi niya ako sa bahay, wala nanaman daw kasama kaya naisipan ko siyang igala. Kayo, anong ginagawa niyo rito?" Tanong naman ni sir Val.

Hindi ako kaagad nakasagot at maingat na tiningnan si Mr. Garcia kung anong isasagot ko sa tanong ng kaniyang kaibigan.

"Nag pa-practice teaching siya sa school na pinagtatrabauhan ko, may nilakad lang kami." - Mr. Garcia

Tumango tango naman si sir Val.
"Ihatid ko na kayo, sakay na." Alok ni Mr. Garcia na hindi naman namin tinanggihan.

Sa biyahe ay nakuha ng makatulog ni Charlotte. Napagod siguro sa paglilibot nila ni sir Val.

Pagbaba namin sa kanto ay hindi ko na nakuhang magpaalam kay Mr. Garcia dahil nahihiya ako sa nangyari. Maging si sir Val ay hindi ko kinakausap habang naglalakad pauwi.
Sana hindi nalang mag-isip ng kung ano-ano si sir Val.

Pagdating namin sa bahay, nadatnan naming napakagulo ng sala.
Umalingasaw ang tunog ng mga plato, dahil rito nagising si Charlotte.

Madali kong ipinasok sa kwarto si Charlotte sa kwarto.
"Huwag kang lalabas ah?" Habilin ko sa kaniya saka na dumako sa kusina.
Si kuya, nakapalibot siya ng mga bubog.

"K-kuya..."

Habol ang kaniyang hininga at matalim na tumitig sa akin.
"Saan ka galing?" Tanong niya at dali-daling lumapit sa akin.

"K-kuya, mag..-magpapaliwanag ako."  Mautal-utal kong sabi.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Huwag na, basta huwag kang sasama kung kani-kanino. Basta akin ka lang." Kalmadong sabi nito at marahan niya akong hinila.

Niyakap niya ako pero hindi ko maatim na magkadikit ang aming balat.
Kaya agaran ko itong kinalas.

"Kuya, hindi ako sa'yo. Kapatid mo ako!" Sigaw ko.

"Tangina, hindi kita kapatid!" Sigaw na rin niya at bumalik nanaman ang itim niyang aura.
"Ampon ka ng tatay, kaya hindi tayo magkadugo!" Sigaw niya.

Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Kung hindi niya ako kapatid, mas lalong lalakas ang loob niya na itali ako sa kaniya. Hindi, hindi pwede.

"P-pero, kapatid mo parin ako sa papel. A-alam ng lahat ng tao, kapatid mo ako. Kaya...--kaya mahiya ka kapag nalaman nilang binababoy mo ako." Mahina kong sabi dahil natatakot ako na may makarinig sa amin.

"Kung maka-arte ka, parang ako nakauna sa'yo ha?"

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon