Tumawa naman siya kaya naman natawa rin ako.
Ang tagal bago kami makarecover dun sa tawa namin"Ok, enough. I'm just kidding, I prefer short hair." Sagot niya.
Medyo nadisapoint ako kasi nga long hair ako. Char!
Huminga ako ng malalim saka na muling nagsalita."Kylie or Kendall Jenner?"
"You."
Nagsimula nanamang pumitig ng bongga ang pulso ko. Sobrang bilis magcirculate ng dugo dahil sobrang bilis nagpump ng puso ko.
"Wala namang 'you' sa sinabi ko a? I repeat, Kylie or Kend--"
"I don't even know those girls. So, you. Ikaw. Christine." Putol niya sa aking sasabihin.
"That's impossible. They are well known and..--"
"And I don't care, next please." Putol nanaman niya saka pa lumagok sa kaniyang beer.
"Sus, sige na. Your favorite color is?"
"Blue."
Bahagya akong napanganga dahil pareho kaming ng paboritong kulay. Edi wow.
"Last." Sabi ko at humugot muna ng lakas ng loob at kakapalan din ng mukha bago ko sinabi ang huli kong tanong.
"Who is JJ?"Hindi siya kaagad nakasagot, umiwas ito ng tingin at uminom muli ng beer.
"JJ?" Tanong niya.
Napakamot ako ng ulo at yumuko.
"Na-nacurious lang n-naman ako. A-ano, 'yung sa keychain mo sa susi ng kotse mo.""Ah, Jason lang 'yun. Jayjay kasi ang tawag sa akin, someone gave me that keychain." Sagot niya.
Hindi na ako sumagot, feeling ko nahihiya ako na ewan.
Ayoko na tuloy ituloy itong larong 'to."Babalik na ako sa villa, baka magising si Charlotte at hanapin niya ako." Sabi ko at akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"You are unfair. Sit down, hindi pa ako nakakapag tanong." Sabi niya at iniladlad na ang maliit na piraso ng papel.
"Ok, here it is."
Jason's POV
"Ok, here it is. --normal guy or hottie guy?"
"N-normal syempre." Sagot niya kaagad.
So she doesn't like a hunky hottie.
Now I know."Bossy or happy go lucky?"
"Happy go lucky!"
Ibig sabihin, kaya siguro ayaw niya sa akin dahil napaka bossy ko. Christine is a type of girl na napaka mature mag-isip that is why I thought ok lang sa kaniya na medyo umarte ako na parang mas matured sa kaniya.
"Ok, uhm. --lights on or lights off?"
Bigla siyang namula, ni hindi man kang ito nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang ngumiti.
"L-lights on.""Clingy or nah?"
"Ahm, clingy."
Bigla akong naexcite sa sagot niya. She likes clingy, kailangan kong magpakaclingy sa kaniya.
"Kiss or hug?"
"Hug."
Ah, she likes hug more than kiss.
"Why?" Hindi ko maiwasan ang magtanong."Kasi, when someone's hugging me feeling ko safe ako. Mas komportable ako doon. Kapag may yumakap sa akin, feeling ko I am so worthy for him/her." Pahayag niya.
Napatango ako. At least, ngayon alam ko na ang mga dapat kong gawin at mga hindi ko dapat gawin. So that, Christine will like me and love me as well.
"Sex or chocolate?"
Natigilan siya bigla. Naririnig ko ang mabibigat niyang hininga at pumukaw sa atensyon ko ang kaniyang mga daliri na nilalaro niya.
"A-ano bang klaseng tanong iyan?"
"Aba, you have to answer my question like what I did."
Huminga siya ng malalim at saka na sumagot.
"Chocolate."Napa "psh" ako at umiling iling. I don't know why she's acting so cute. Napaka inosente niya kahit na hindi na siya birhen. Well, hindi naman big deal iyon sa akin. Baka mahal lang talaga niya 'yung nakauna sa kaniya.
"Last question, why are you pushing me away? I mean, hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Tanong ko.
Iginawi niya ang tingin niya sa akin. Mata sa mata.
"H-hindi naman sa hindi kita pinagkakatiwalaan. It's just, natatakot pa ako sangayon na magtiwala. Hindi ko alam." Sagot niya saka na umiwas ng tingin.
Lumapit ako ng bahagya sa kaniya and I gave her a warm hug.
This is what she likes, a hug. I know, alam kong naririnig niya bawat pintig ng puso ko."Ok lang sa akin 'yun. Bibigyan kita ng time para magkaroon ka ng tiwala sa akin. Hindi ako nagmamadali, nandito lang ako para sa'yo. Kahit na ano pa ang nakaraan mo, tatanggapin ko." I said and hugged her as tight as I can.
Bigla kong naramdaman na nagpapalabas siya ng mumunting hikbi at ikinasaya ng loob ko nang yakapin niya ako pabalik.
Hinaplos ko ang kaniyang likuran, I will do anything just to make her feel safe. Tagos sa puso ko ang kaniyang hikbi na palakas na ng palakas.
She has a problem and I can sense it, kaya ibibigay ko ang sarili ko sa kaniya ng buong buo para lang mapunan ko kung ano mang nararamdaman niya.Ilang sandali lamang ay tumigil na siya sa pag-iyak, pero yakap parin niya ako at napakasarap sa pakiramdam.
After five years of mourning, my heart suddenly became alive.Well, I met a girl in a bar five years from now. One day after Joana's interment, sobrang sakit sa akin na mawala ang babaeng pinakamamahal ko. Yes, at the age of 20, I had a wife named Joana. But tragic came, she died and left me devastated.
My friends ask me to hang out with them para makalimutan ko daw ng panandalian si Joana. Um-oo ako, nag inom kami hanggang sa malasing kami, they gave me a surprise that it gone wrong dahil ibang babae ang naipasok nila sa kwarto kung nasaan ako.
Sinaniban ako ng espirito ng alak and at the same time may ipinainom ang mga gago sa akin para mabuhay ang bolta boltaheng kuryente sa sistema ko. I was captivated with that girl's scent. Hindi ko man siya nakita ng klarong klaro dahil lango ako sa alak but still hanggang ngayon alam ko ang amoy ng pabango niya, but because I have Christine now... hindi na ako umaasa na mahahanap ko pa 'yung babaeng 'yun.
"Christine." Sabi ko bago siya pumasok sa kwarto nila ni Charlotte.
Lumingon naman ito. Nginitian ko siya and for the last time today I gave her a very sincere hug.
"Sleep tight, aight?" Sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok pagkakalas ng yakap ko sa kaniya.
Ngumiti siya at tumango.
"That's better, I love your smile." Sabi ko at pinisil ang kaniyang pisngi.
For almost five years, I never felt this kind of excitement. Move on na move on na ako.
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...