EPILOGUE

1.4K 26 11
                                    

Jason's POV

Pagkatapos ng palpak na operasyon, nag stay ako sa bahay at doon na lamang ako maghihintay ng tawag tungkol kina Christine.

Basag na basag na ako ngayon at hindi ko na alam kung ano ang iisipin.

"Mabuti pa, matulog ka muna. Kahit ilang oras lang, Jay. Kahapon ka pa walang tulog." sabi ni Val.

"Oo nga Jay, alagaan mo naman ang sarili mo." - Macquenrie

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag sa susunod na operasyon ay pumalpak nanaman. Mababaliw ako kapag may nangyari sa mag ina ko." sabi ko at tuluyan ng bumigay.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na mag unahan sa pag agos sa aking pisngi.
Sinisisi ko ang sarili ko dahil masyado akong pabaya at naging ignorante.

"Jay, calm down." lumapit si Val sa akin at tinapik ang aking balikat.

"I can't, Val. Nasa panganib si Christine at ang anak ko. I cannot afford to lose one more girl!"

Wala na ni isa sa amin ang nagsalita pagkatapos. Patuloy ang pag ragasa ng aking luha nang mag ring ang cellphone ko, kasabay nun ay ang biglang pagsalita ni Macquenrie.

"I have something to tell."

Tumingin muna ako sa screen ng cellphone ko bago ko pinagtuonan ng atensyon si Macquenrie.

"Sige, sagutin mo na muna." sabi nito.

"Hayaan mo na iyan, si Mia lang naman ang tumatawag. I have nothing to discuss with her." sabi ko then I wiped my tears.

"Si Mia?" mukhang hindi pa ito makapaniwala.

"Oo nga. Sige na, anong gusto mong sabihin?"

Pareho kaming tutok ni Val sa kaniya habang tumutunog parin ang cellphone ko.

"Matagal ko ng sinusundan si Christine, matagal ko ng alam na siya ang naka one night stand mo noong disperas ng pasko, hindi ko sinabi sa'yo dahil natipuhan ko rin siya. Ako din ang nagbabayad ng pang araw-araw niyang pamasahe doon sa terminal nila dahil nakita ko kung gaano kahirap ang pwesto niya sa jeep tuwing umaga."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko na nakuhang magsalita hanggang sa magpatuloy siya sa sasabihin niya.

"Paano ko naman makakalimutan ang itsura niya e ako ang humila sa kaniya papasok sa kwarto kung nasaan ka. Akala ko kasi siya iyong babaeng bayaran na inupahan ko para paligayahin ka noong gabing iyon. Pero laking gulat ko nang may dumating na babaeng naka bistidang pula bukod sa babaeng naka pula rin na hinatak ko na nasa loob ng kwarto kung nasaan ka."

Val interrupt him nang tumigil na sa pag ring ang cellphone ko.
"Ang ibig mong sabihin, simula't sapul kilala mo na si Christine?"

Tumango naman si Macquenrie.
"Pero hindi ko alam na may anak siya sa'yo, at saka..--"

Na-interrupt nanaman siya hindi dahil saakin o kay Val, kung hindi dahil sa cellphone ko na nagriring nanaman.

"Damn it! Hindi ako makapag focus sa cellphone mo, Jay. Akin na nga at ako ang kakausap." iritang sabi ni Val at hinablot ang cell phone ko.

Hinayaan ko naman ito nang matigil na rin ang pagtawag ng babaeng iyon.
After what she did to Christine at sa akin, hindi man lang siya nahiya at nakuha pa niyang tumawag.

"Hello? Hello?"

Nakatingin lamang kami ngayon kay Val na nakakunot ang noo.

"Weird." sabi nito.

"Why? Anong sabi?" mukhang mas interesado pa si Macquenrie kesa sa akin kung ano ang sinabi ni Mia.

"I think hindi si Mia ang nasa kabilang linya kanina, or Mr. Garcia na ang tawag niya sa'yo?"

A room for improvementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon