Kahit na walang oras na nakalagay sa sulat ng kuya ni Christine, maaga na kaming lumarga at nag abang sa pagdating niya.
Ilang sandali lamang ay dumating na rin si Val at hindi ko inaasahan na magkasama sila ni Macquenrie.
Nagkamayan kami at walang salitang lumabas mula sa akin.Samantalang si Christine ay walang imik at tutok na tutok sa lugar kung saan sila magkikita ng kaniyang kuya.
Kaya hinawakan ko ang kaniyang kamay nang sagayon e mawala ang kaniyang kaba kahit konti."Huwag kang mag alala, makukuha natin si Charlotte. Makakasama natin ang anak natin."
Katahimikan ang bumbalot sa amin ngunit binasag iyon ni Qen.
"Anak? What do you mean by that?"Tinapunan ko naman siya ng tingin.
"Mahabang kwento." sagot ko."Be sure you'll going to tell us afterwards." sabi naman ni Val na halatang gulat na gulat.
"Nga pala, naka standby at nakapalibot na rin ang mga pulis malapit dito kaya sa oras na dumating sila kaagad ng susugurin ang suspect. Siguradong wala na siyang kawala." dagdag niya.
Tumango naman ako.
"Maraming salamat.""May mga pulis?" - Qen
Isang tango naman ang aking pinakawalan.
"Hindi mo ba narinig?"Ilang oras na ang lumipas at wala pa ring dumarating.
"Bakit ang tagal nila?" halata kay Christine na nababalisa ito.
Hindi ako makasagot dahil ayokong magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko pagkatapos.
Lumipas na ang tanghalian, wala paring sumusulpot na Charlotte o kahit na kuya ni Christine.
Napansin ko ang pagbuga niya ng marahas na hininga, pumikit siya at sumandal.Tahimik sa loob ng kotse pwera na lamang sa cell phone ni Qen. Tila may kapalitan siya ng mensahe.
"Matagal pa ba? Kailangan na ako sa trabaho at binubulabog na ako ng boss ko." - Qen
Walang umimik sa amin. Maya-maya'y si Val naman ang may kausap sa kaniyang cell phone.
"Sige sir.... Matatagal pa ho siguro.... Sige po." saka na niya binaba ang tawag.
"Nakusap ko si Chief. Ang sabi niya ay mag stay na lang daw sila sa malapit na istasyon dito, at sabi din niya baka malabong sumipot ngayon ang suspect, sapalagay nila e baka natiktikan nila tayo na may nag aabang na pulis sa kaniya."
Nakatingin lamang ako kay Christine hinihintay na siya ang magsalita.
"Kung gusto niyo ng umalis, maaari naman. Kaya kong maghintay ng mag isa." sabi nito at umakmang lalabas na ng aking sasakyan but I immediately grab her hand.
"Stay here, sasamahan kita."
Nagpapigil naman ito.
"Paano mauna na ako, kailangan na ako sa trabaho." sabi ni Macquenrie at lumabas na ng sasakyan.
"Susunod na ako ha? Alam mo namang hindi rin ako pwedeng lumiban sa trabaho para bukas." sabi rin ni Val.
Tinanguan ko na lamang siya habang hawak parin ang kamay ni Christine.
Ngayon, kami na lamang ang laman ng kotse at nanatiling tahimik si Christine.Inalis ko ang aking seatbelt at saka mabilis na ginawaran siya ng yakap.
"Stop worrying, hindi kita iiwan, hindi ko kayo pababayaan ni Charlotte. You have me, hindi ka nag iisa." sabi ko at hinaplos haplos ang kaniyang likuran.
"If I just knew it earlier, siguradong hindi mangyayari ito. Siguro, naitakas ko na kayo sa kamay ng kuya mo."
Pinagkalas ko ang aming yakapan then I cupped her face.
Hinalikan ko siya sa noo ng pagkatagal tagal, dahil ayokong makita ang kaniyang mga mata na naglalabas ng gabutil na luha."Mahal kita." sabi ko habang nakadikit parin ang aking labi sa kaniyang noo.
"Mahal din kita."
Natuwa ako sa kaniyang tugon. Alam kong hindi maganda na maging masaya ngayon dahil nasa masamang kalagayan si Charlotte, ang anak namin.
But I can't help not to feel happy where I know that the girl I love, loves me too.This time, pinagdikit ko naman ang aming noo. She smiled and caressed my cheek.
I gave her a peck of kiss bago ko pinakawalan ang kaniyang pisngi mula sa aking palad."Kung nagugutom ka, may snacks tayo dito." sabi ko at inabot ang plastic na nasa likuran namin.
"Ok lang ako, hindi ako makaramdam ng gutom sa ganitong sitwasyon." aniya.
Masikap kaming nag abang kahit na inabot na kami ng gabi. Nakatulog rin si Christine sa paghihitay, kaya naman napasandal din ako at bahagyang binaba ang sandalan ng aking upuan.
Kahit na naghihintay lamang kami ay mas lalo kong nararamdaman ang pagod.
I feel so exhausted.Nakuha ko ring makatulog sa pasulyap sulyap kay Christine.
Napalalim ang aking tulog at nagising lamang ako nang mangalay ako sa aking pwesto.Iminulat ko ang aking mata, napabalikwas ako ng upo nang makita ko na mag isa na lang ako sa sasakyan.
Lumabas ako at bumaling baling sa kung saan upang mahagilap si Christine."Christine!"
Sumilip ako doon sa bahay kung saan sila magkikita ng kuya niya. Naaninag ko ang isang babae na nakatayo sa harapan ng pintuan.
Lalapitan ko na sana siya nang may humigit sa kaniya papasok ng bahay."Christine!"
And that was just a dream. This time, totoo na. Mag isa parin ako sa kotse. Sumilip ako sa labas at nakita si Christine na pasakay sa isa pang kotse.
"CHRISTINE!" I shouted.
Lumingon pa ito sa akin bago siya hinatak papasok ng kotse.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, maging sa pagpihit ng susi sa kotse ay hindi ko halos magawa dahil sa nginig ng aking mga kamay.
Aligaga ako sa pagsunod sa kotse na sinakyan niya. Tutok na tutok ako sa kotse, wala itong plate number, ang tanging palatandaan nito ay ang disenyo na nakatatak sa kotse.MS
BINABASA MO ANG
A room for improvement
RomanceThe most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her future on fire. Pero! But! (ayan nanaman si 'pero') will her kwatro grades be changed? Is it possibl...