WARNING:
Matured scenes. Be warned. Thanks! 😉
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kulang nalang magpapadyak ako sa inis. Inis na inis ako. Pagkatapos kong sabihin na I don't like you too sa Lisbeth na iyon, mabilis ko siyang tinalikuran at umalis. Alam kong wala akong mahihita sa babaeng iyon.
Damn, isa nalang ang hindi ko napupuntahan. Labag man sa kalooban ko, tinahak ko ang direksyon papuntang condo ni Gene. Nakakaasar, tumawag siya sa babaeng iyon pero sakin hindi.
The number you've dialled is either unattended or out of coverage-
Binato ko ang phone na hawak. Fuck, Gene is bringing out the devil in me!
Pabagsak kong sinara ang pintuan ng aking kotse at mabilis na tinahak ang palapag kung saan naroon ang unit ni Gene.
Pinihit ko ang doorknob at agad naman itong bumukas. Good thing kasi wala akong dalang susi, naiwan sa bahay since Gene's not using this unit anymore.
Tinakpan ko ang aking ilong. Amoy ng sigarilyo at alak ang sumalubong sa akin pagkapasok. Kinabahan ako nang may makitang akong sapatos ng babae sa gitna ng sala, katabi ng isang maikling dress. Damn, hindi ako tanga para hindi maisip na hindi ito kay Gene!
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad papunta sa kwarto nito. This will be the second time na papasok ako sa kwarto niya. The first time's when we went here para kumuha ng gamit ni Gene.
Napatakip ako ng dibdib nang makita si Gene sa ibabaw ng kama nito, fully clothed pero nakapikit habang nasa itaas nito ang isang babaeng walang anumang saplot. She's kissing Gene's neck habang walang kagalaw-galaw ang malanding si Eugene.
Tears fell from my eyes. Napahikbi ako sa sakit na bigla nalang lumukob sa buo kong pagkatao. I can't believe this is happening to me. Nanghihina akong napalugmok sa sahig.
"Fuckshit! Sab!"
Mabilis na bumangon si Gene at pasuray na pumunta sa kinaroroonan ko.
"Ouch!"
The woman whimpered in pain dahil sa malakas nitong pagkakatapon sa sahig. Gene didn't seem to care at all dahil mabilis itong lumapit sa akin.
"Shit! Babe, baby it's not what you think. Baby.."
Niyakap niya ako ng mahigpit habang paulit-ulit na hinahalikan ang aking buhok. Nanlalabo na ang mata ko sa mga luhang patuloy sa pagbagsak mula sa aking mga mata.
"How could you do this to me, Gene? I trusted you."
"No! Dammit! Get out Georgia!"
Nagpapanic na ang boses ni Gene habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak. Lumakas ang hagulgol ko nang makita ko ang babaeng nakasimangot na nakatingin sa aming dalawa. She looked like she doesn't care if is she's naked or not.
"Fuck. Baby, I'm sorry. Nothing happened. God! I love you Sab. I love you so much! Please listen to me!"
Sa nanlalabong mata, nakita kong nagulat ang babae sa sinabi ni Gene. Nakairap itong tumayo at naglakad sa gilid namin palabas ng pinto.
"You're screwed, Eugene."
Iyon lang ang sinabi nito at umalis na ito. Ako naman, nanghihina kong tinulak si Gene. Hindi ko matanggap ang nakita ko. Si Gene at ang babaeng nakahubad, magkapatong sa kama. Parang pinipilas ang puso ko sa sakit. Ang sakit-sakit.