Tahimik akong umupo sa aking kama. I'm back at my parents' house. Dito ako nagpahatid kay Elvis after namin mag-usap ni Gene kahapon.
I left my job at Batangas. Alam kong hindi ko na kaya pang magtrabaho doon lalo pa pagkatapos ng naganap na insidente sa pagitan namin ni Vannah. Gulong-gulo ang utak ko.
Naintindihan naman ni Sir Benitez ang desisyon ko nang magpaalam ako sa kanya. Ma'am Rose was saddened by my decision pero wala din siyang nagawa. Mas mabuting lumayo muna ako sa kung nasaan si Gene. Hindi ko kayang makita siya at umaktong kaya ko na wala siya at okay ako.
Because I know that I'm not.
"Anak.."
Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto. Nakadungaw doon si Mommy. I smiled at her kaya marahan siyang pumasok at umupo sa aking tabi.
"Anak. I'm sorry."
Mom's on the verge of crying kaya hinawakan ko ang kanyang palad. It's been so long since I last held her like this. Huli ko siyang nakita ay noong panahong nagkasagutan kami ni Dad.
Hanggang huli, si Dad pa rin ang pinili niya. Gusto kong magtampo sa kanya pero hindi ko magawa. Alam kong mahal ako ni Mommy sa kabila ng mga nangyari. Hindi niya ako pinigilan umalis at nanatili siya sa tabi ni Dad pero hindi ibig sabihin nun ay hindi niya na ako mahal.
Tulad nang ginawa ko kay Gene.
"Patawarin mo si Mommy, anak. Kung nagkulang ako. Kung hindi ko naipagtapat sayo ang totoong dahilan kung bakit ayaw ni Dad mo sa taong pinili mong mahalin. Kung mas pinili naming hayaan kang lumayo."
Kahit ako ay napaiyak sa sinabi ni Mommy. Ramdam ko sa bawat salita niya ang pagsisisi sa mga naging desisyon niya, nila ni Dad.
"Mom, ang sakit. Ang sakit kasi wala akong magawa kundi palayain siya. Ang sakit-sakit Mommy. Anong gagawin ko?"
I hugged my mother for comfort. Higit sa lahat, ngayon ko mas kailangan ng pagdamay ng isang ina.
"Anak, please forgive your father. Please forgive him. Alam kong marami kaming mali at pagkukulang sa iyo. Kahit hindi mo sabihin, alam kong naramdaman mo iyon. Patawarin mo kami at ikaw ang nagdudusa sa ginawa namin."
Kumawala ako sa pagkakayakap ni Mom at tiningnan siya sa mata. May isang bagay akong gustong itanong sa Daddy ko pero wala akong lakas ng loob. Siguro naman, pwede akong makakuha ng sagot mula kay Mommy.
"What happened, Mom?"
Natigilan si Mommy sa tanong ko. Kita mula sa mukha niya na alam niya ang ibig kong sabihin. Nagpakawala siya ng malalim na hininga saka tumingin sa bintana.
"Eugenio was your father's bestfriend. Tatlo silang magkaibigan ni Elvira. Sila ang bumuo ng kumpanya natin ngayon. Pinakamalaking share ang sa Daddy mo, pero dumating sa puntong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Eugenio. Hanggang sa nagkaisa ang ibang stockholders na palitan ang Daddy mo. Natunugan iyon ni Sebastian, kaya kinompronta niya si Eugenio. Believe me, your father has no intention of killing him. Nagkasagutan sila hanggang sa nag-away silang dalawa. Umuwi ng bahay ang Dad mo na galit na galit, kumuha ng baril at umalis. Pagkatapos noon, saka ko nabalitaang patay na si Eugenio."
Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam na may ganitong kwento ng nakaraan ang Daddy ko at and Daddy ni Gene. Matalik silang magkaibigan pero nauwi lamang ang lahat sa trahedya.
"Walang ibang nakaalam, Sab. Ako at si Sebastian lamang. Kahit si Elvira o si Luisa ay walang alam dito. Sebastian maybe killed his bestfriend but believe me, he was very remorseful. Until now."
Hanggang ngayon ay masakit pa rin tanggapin na nagawa ng aking ama ang pumatay. Lalo pa sa ama ni Gene. Na dati niyang kaibigan. Na tatay ng taong mahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/134612400-288-k358861.jpg)