"Mom?"
"Sab! Where are you? Are you going home?"
Napatingin ako sa relo. It's already nine kaya bigla akong nakonsensya na ngayon lang ako tumawag kina Mommy.
"I won't, Mom. I'm sorry. I'm with Gene."
Saglit na natahimik si Mommy sa kabilang linya. Narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga bago sumagot.
"Okay. I'll tell your Dad. Be safe, anak. We love you."
Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa aking mga mata saka sinagot si Mommy ng I love you, too.
Binaba ko ang phone at pinunasan ulit ang aking pisngi. Napapitlag ako nang may yumakap sa akin mula sa aking likuran.
"Are you crying?"
Napalingon ako kay Gene. We made love. In this place that used to be our pradise. Our home. Our sanctuary.
Nandito kami sa bahay ni Gene. Ang bahay kung saan kami tumirang dalawa dati. Nothing's changed. Except for my pictures who were gone.
"I'm fine."
Niyakap niya ako ng mahigpit. We just made love countless times kaya ramdam ko pa rin ang malakas na pagkabog ng aming dibdib at ang bilis ng paghinga naming dalawa.
"Do you regret what happened, Sab?"
Mabilis akong umiling. No, I don't. And I know, I won't.
Alam kong mali. Mali kasi hindi ko siya dapat mahalin. Mali kasi pagmamay-ari na siya ni Sophie. Mali kasi hindi na siya akin. Mali kasi hindi siya magiging akin. Mali kasi bawal siyang mahalin.
Pero masaya ako. Ang saya-saya ko. Kasi kasama ko siya. Ako, kaming dalawa lang at walang iba. Masaya ako kasi naipadama ko sa kanyang mahal ko siya.
"I love you, Gene. I always love you."
Nakita ko siyang natigilan pagkarinig sa sinabi ko. She was about to speak up but I stopped her.
"Don't answer me. Alam kong mali na mahalin ka. Alam kong hindi ka akin. Alam ko naman, Gene. Pero mahal kita. Mahal na mahal kita."
Ngumiti ako kahit na tumutulo ang luha sa aking pisngi mula sa aking mga mata.
"Alam kong andyan si Sophie. Alam kong mawawala ka din sa akin. Hangga't hindi pa bumabalik ang alaala mo, pwede bang hiramin muna kita sa kanya? Pwede kang akin ka nalang muna? Pwede bang mahalin muna kita? Pwede ba na kunyari, akin ka?"
Bahagyang nagtagis ang bagang nito at matiim akong tinitigan. She wiped my tears away using her fingers.
"Just stay with me, Sab."
Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak. Alam kong malalayo ulit siya sa akin, pero habang wala pa siyang naaalala sa nakaraan naming dalawa, gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.
Kahit alam kong sa huli ako pa rin ang talo.
"You did what?"
That was Vannah. Binisita niya ako sa opisina kinabukasan. Dito na kasi ako dumiretso paggising ko. Nakakatawa nga kung iisipin ko. Lahat ng gamit na binili sa akin ni Gene noon, nandoon pa rin sa kwarto naming dalawa. The only things missing were my pictures, our pictures.
Sumabay ako sa kanya papasok pero bumaba kaagad ako ilang hakbang bago ang building namin.
I don't want people to see us. Wala silang alam sa relasyon namin ni Gene. O kung sino ako kay Gene. Ang alam nila ay si Sophie ang girlfriend nito. Ayokong masira ang pagtingin nila kay Gene.