I looked at the window and let out a sigh. I've been wiping my tears away for how many times now, but they keep on falling down my cheeks.
The reporters were still outside our house. Mula nang maganap ang insidenteng iyon sa pantry, nabunyag na sa lahat ang ginawa ni Dad.
Mula nang mangyari iyon, lagi na lang umiiyak si Mommy. Palaging nasa balita si Daddy. Walang araw na walang reporters na tumambay sa labas ng bahay namin.
Hindi na ako makapagtrabaho nang maayos dahil ayaw akong tantanan ng mga taong walang ginawa kundi manghusga.
Taliwas sa inaasahan, wala kaming natanggap na subpoena o arrest warrant. Kahit pa ilang beses sabihin ni Dad na susuko siya sa kinauukulan, hindi kami pumayag ni Mommy. I just don't want my Dad in jail.
"Miss Altamonte?"
Napaangat ako ng tingin sa sekretarya ni Gene. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Si Gene.
"Pinabibigay po ni Gene."
Tumango lang ako dito at tinanggap ang binigay niyang envelope. It was almost five innthe afternoon. Inayos ko na ang gamit ko at saka tahimik na lumabas ng opisina.
I rushed to my room and opened the envelope. It was the flower shop's title, deed of sale and contract. Lahat, nakapangalan sa akin.
Napatakip ako ng bibig sa nakita. Hinakungkat ko pa ang ibang papeles at mas lalo akong napaiyak nang mabasa ang isang papeles doon.
Transfer of Stocks. Galing kay Gene, at lahat ng stock niya sa M.R.A. ay nakapangalan na sa akin. It made me the major stockholder of the company.
The last folder made me sob harder. Inside the folder were the evidences of Dad's crime against her father.
"Gene.."
The last paper's a letter.
Forgiveness is the final form of love. I love you too much, Sab.
Humahagulgol na ako habang hawak ang sulat. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Sumalampak ko sa sahig saka pinakawalan ang sigaw na kanina pa gustong lumabas mula sa aking bibig.
I cried. I sobbed. I screamed.
Gene. Why?
Iyak ako nang iyak. Hinanap ko ang phone at tinawagan si Gene. Her phone's turned off at naibato ko iyon sa sahig.
Napaupo ako sa sahig at napasabunot sa aking bunok then I let out a scream.
Mabilis na pumasok si Mommy at nakita akong miserable. Nakalatag sa kama ang mga dokumentong binigay ni Gene. Kinuha lahat iyon ni Mommy at binasa, saka niya ako niyakap habang umiiyak.
"Sab.."
"Mommy, anong gagawin ko? Mababaliw na ako. Mahal ko siya. Pero hindi ko kaya. Mommy!"
Para akong batang nababaliw habang inaaliw ni Mommy. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Litong-lito na ako.
"Forgive yourself, anak. It is not your fault. Hindi mo kasalanan ang ginawa ng Daddy mo."
"But I am his daughter!"
"Hindi mo kasalanan na anak ka ni Sebastian Altamonte, Sab! Hindi mo kasalanan lahat! Bakit hirap na hirap kang patawarin ang sarili mo sa kasalanang hindi mo ginawa?!"
Mataas ang boses ni Mommy pero umiiyak na rin siya.
"Forgive yourself! In that way, you can love her the way she deserved!"
Napapapikit ako sa sinabi ni Mommy. Iyon ba ang dahilan? Iyon ba kaya hindi ko kayang mahalin si Gene sa paraang nararapat para sa kanya? Kasi ako mismo, hindi ko mapatawad ang sarili ko? Kasi hindi ko mapatawad ang sarili ko sa kasalanang hindi ko ginawa? Kasi hindi ko mapatawad at matanggap ang sarili ko na anak ako ni Sebastian Altamonte, ang pumatay sa tatay ng babaeng mahal ko?