Chapter 29 : Surrender

2.5K 81 0
                                        

Gene never bothered me after that. It has been three months since the last time I saw her. It hurts like hell because I know in myself that I long for her. I missed her so bad it makes me crazy everytime I'm hearing news about her going out with other girls.

Hindi na ulit siya nagparamdam sa akin. Gusto kong matuwa pero hindi ko kayang dayain ang sarili ko. Alam kong nasasaktan ako, lalo na kapag lumalabas ang balita tungkol sa kanilang dalawa ni Vannah.

This is my choice, so I need to live with this. After all, I deserved to suffer because I chose to leave her.

"Guys, may night out daw ulit tayo mamaya sabi ni Sir Benitez. Darating daw si Miss Mijares kasama ang girlfriend niya."

Napalingon ako sa sinabi ni Ma'am Rose. Kahit si Isabel ay napanganga rin sa narinig.

Inulan ako ng tanong ni Isabel pagkatapos kong mawala nang gabing iyon sa bar. Nagdahilan nalang ako na sumakit ang ulo ko kaya napauwi ako ng maaga. She brought back my bag at hindi na niya ako tinanong pa but I can see in her eyes that she didn't believe what I told her. Hinayaan ko nalang siya kaysa humaba pa ang usapan naming dalawa.

"Girlfriend, Ma'am? Ay. Sayang naman. Akala ko kami na ang destiny!"

Napatawa si Gerard sa palatak ni Isabel.

"May gusto ka kay Miss Mijares, Isabel? Naku, bakit naman? Andaming lalaki dyan. Babae pa rin siya, wag mong kakalimutan."

Parang gusto kong tumutol sa sinabi ni Gerard pero mas pinili kong tumahimik nalang.

"Oh, eh bakit? Babae nga siya, mas gwapo naman sayo! Mas mayaman pa! Naku Gerard, wag ako ha. Wag mo sirain ang pantasya ko! Pero p1wera biro, pwede naman talaga mahalin si Miss Mijares ng kapwa niya babae e. Minsan kasi, wala sa kasarian ang pagmamahal, hindi ba Sab?"

Napalingon naman ang lahat sa akin nang ibaling sa akin ni Isabel ang tanong. Napatingin ako sa kaibigan ko na nakatingin sa akin ng matiim. Hindi ko alam pero ramdam kong may kakaiba sa pahaging na iyon ni Isabel.

"H-ha? Oo naman. Siguro."

Tumawa ako ng mahina para ipakitang hindi ako masyadong seryuso sa sagot ko.

"Oo nga naman. Ang hot kaya ni Miss Gene! Crush ko nga din yun e. Peor naku, ang daming babaeng nalilink sa kanya! Magaling siguro!"

Napahalakhak naman si Jane sa sinabi nito habang si Gerard naman ay bumulong-bulong lang sa gilid namin. Tumawa din ang iba sa sinabi ni Jane, pati na si Ma'am Rose.

"Kayo ha, pinag-uusapan nyo ang taong wala rito. Kayo talaga. Isumbong ko kayo e."

Umungol naman ng pagtutol si Jane nang marinig ang sinabi ni Ma'am Rose. Ang iba ay nakikitawa lang din.

"Tara na nga. Bilisan nyo na dyan at didiretso na tayo sa bahay ni Eugene."

Napanting ang aking tainga pagkarinig ng sinabi ni Ma'am Rose. She just addressed Gene using her first name and she just mentioned that we're going to Gene's house.

Bahay ni Gene.

"Ay. Hindi tayo sa bar, Ma'am Rose?"

Napatingin ako kay Melissa. Isa siya sa mga receptionist namin at kilala siyang flirt dito sa resort. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw na ayaw ko sa kanya. Maybe it's just an instinct.

"Yes. May party sa bahay ni Eugene. Pool party daw guys kaya umuwi muna kayo ng bahay nyo at maghanda ng swimwears nyo. Okay? Dito ang assembly place natin. See you at seven."

Kanya-kanyang palakpakan naman ang lahat habang ako ay tahimik lang. Damn, we're going to Gene's house and hergirlfriend  will be there! I don't even know if I can stand the idea of me being near her, again.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon