Chapter 27 : Letting Go

2.4K 78 0
                                    

Nagising ako sa mabangong amoy na nagmumula yata sa kusina. Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang marealized kong wala ako sa sarili kong kwarto.

Shit!

Napamura ako nang maalalang nasa bahay ako ni Gene. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nagsimulang hanapin ang aking damit.

"Fck!"

Napamura ako nang maitapak sa sahig ang aking paa. Damn, I feel sore down there! Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. All I know is the fact that Gene was so insatiable last night!

Another shit!

Napamura ulit ako nang makitang sira ang aking damit. Nagpapadyak ako sa inis. Naalala kong basta nalang pala ito hinablot pahubad ni Gene kagabi. Damn, she was like a beast last night. Anong susuotin ko ngayon?

Mabilis kong nilapitan ang isang long sleeve na nakasampay sa may edge ng kama. Ito yung suot ni Gene kahapon. I hurriedly dressed myself up using Gene's long sleeve and my underwear. Hindi ko alam mung nasaan ang brassiere ko at wala na akong oras na hanapin pa iyon.

Nakakainis. Hindi ko alam kung anong hitsura ko ngayon. I was wearing Gene's long sleeve and my pants with no brassiere, only my underweqr. Sabog din ang buhok ko kasi hindi na ako nakapagsuklay pa sa pagmamadali. Ni hindi ko nga alam kung anong pamasahe ko pauwi. All I know is I need to get out of here without any trace.

I tiptoed on my way out of her room, trying hard not to make a sound. Malaki ang bahay ni Gene kaya hindi ko alam kung saan ako lalabas. Ayoko sanang magpakita sa kanya pagkatapos ng nangyari sa amin.

Ang tanga mo, Sab! Dalawang beses na!

"Babe?"

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran. Damn, I know I'm doomed right now.

"Hey, are you leaving me again?"

I was stunned for a bit as I felt her hands on my waist. She enveloped me with a hug coming from my back. I can feel her rough breath on my neck. Kasabay noon ang malakas na tibok ng aking puso.

"I- I need to go, Gene. What happened last night was a mistake."

"That was not a mistake, dammit!"

Napakapit ako ng mahigpit sa bariles ng pintuan nang bumitaw siya mula sa akin at sinipa ang malaking figurine sa tabi niya. I was in front of her door when she caught me in the act of my escape.

"Fck! It was not a mistake, Sab. Take back what you said!"

It was not a mistake, Gene. It was magical, and wonderful. But me being with you right now is a mistake. A great mistake.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya bagkus ay nagyuko lang ako ng ulo. She hugged me again, this time ay nakaharap na siya sa akin. She kissed me on my forehead and whispered words to my ears.

"Damn! Don't leave me again, Sab. I'll go crazy without you. Again."

Gusto kong mapaiyak. Binabaha ako ng kakaibang sakit kapag naririnig ko siyang ganito. Isang taon, pero walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya. Walang araw na hindi ko siya sinubaybayan. Sa tv o sa mga magazines man, lagi akong nakaantabay sa mga balita tungkol sa kanya. Kahit sa ganoong paraan manlang, maibsan ang pangungulilang namamahay dito sa puso ko.

Pumalakpak ako sa bawat tagumpay niya. Umiyak din ako sa bawat babaeng nalilinya sa kanya. Alam ko hanggang sa sandaling ito, mahal na mahal ko pa rin siya.

I don't regret leaving her. Alam kong magiging hadlang ako sa kanyang tagumpay kung sakaling nanatili ako sa tabi niya. Alam kong maraming tututol. Alam kong hindi rin papayag si Dad na makasama ko si Gene, lalo pa at alam kung siya ang pumatay sa Tatay ng babaeng mahal ko.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon