Dad was standing outside the gate when I got home. Sasama sana si Isabel pero sinabi kong huwag na lang at kaya ko na. She doesn't need to involved herself in this.
May naramdaman akong kaonting pangungulila bagaman at naroon pa rin ang takot sa aking puso para sa aking ama. I decided to cut all my communication with them but it doesn't mean that I forgot them.
Everything's still vivid on my mind. Mula sa araw na itinakwil ako ni Dad hanggang sa komprontasyon naming dalawa kung saan naconfirm kong siya nga ang pumatay sa ama ni Gene.
"Dad.."
He gave me a cold stare. Walang anumang expression sa mukha nito. Para bang wala lang sa kanya na matagal kaming hindi kami nagkita o nagkasama.
Does he really hate me this much?
"So you're still into your crazy antics with that woman, Sabrina. How many times do I have to tell you to stop seeing her? Damn, do you want me to put an end to your craziness?"
Napahawak ako sa dibdib ko hindi lang dahil sa sinabi ni Dad kundi sa walang bahid ng damdamimg pagkakasabi nito ng mga salitang iyon. It felt like Dad won't consider my own feelings regarding this matter. Masakit man aminin, pero alam kong wala na siyang pakialam kung nasasaktan man ako o hindi.
"Dad.. I'm sorry."
"Sabrina anak, I know I'm not the best Dad for you. I also know that I cannot undo what I had done on the past, but I can always prevent bad things to happen in the future. Nagkamali ako sa ginawa ko noon kay Eugenio. There are times I regret what I did. But I can't let other people to hurt you."
Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Dad. Pakiramdam ko ay nagpipigil lamang siya para huwag mapaiyak.
"Hindi ko na mababago pa ang katotohanang ako ang pumatay sa ama ni Gene. Alam kong sayo nila ibabaling ang galit nila sa akin."
Napayuko ako dahil alam kong tama si Dad. Alam ko namang isinusumpa ako ng pamilya ni Gene. Isang bagay na hindi ko mababago.
"Mahirap tanggapin ang pinili mo, anak. Pero mas mahirap tanggapin na si Gene ang taong iyon. We tested you. Itinakwil ka namin, thinking that it may stop the both of you. Pero hindi nangyari ito nangyari. Nevertheless, we still know your whereabouts. We're watching you. I'm sorry, anak. Please, bumalik ka na sa bahay. Bumalik ka na sa amin ni Mommy mo."
Nakaalis na si Daddy pero iyak pa rin ako ng iyak. Ang hirap mag-isip kung ano bang dapat kong gawin.
Mabilis akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. I don't have any definite plan pero gusto kong makausap si Gene.
Bumaba ako matapos magbayad ng taxi. Tiningala ko ang malaking bahay sa aking harapan. Parang may kumikirot sa aking puso sa isipang pwedeng mawala ang lahat kay Gene nang dahil sa akin.
Gene gave me a spare key to her gate, front door and her room. Without making any noise, I opened the gate and her front door. I glanced at my wrist watch. It's six thirty. I looked at the living room and found no one. Gene's probably in her room.
Umakyat ako sa taas at kaagad na dumiretso sa kanyang kwarto. Her door's slightly opened. Papasok na sana ako sa loob when I heard voices.
"Tomorrow's Tito Eugenio's death anniversary. What do you plan to do?"
It was Lisbeth, Im sure. Nanatili ako sa labas at sumandal sa dingding malapit sa pintuan. Eavesdropping is bad, but I don't give a damn to ethics right now.
"I'll go home."
Napahawak ako ng mahigpit sa pouch na dala ko nang marinig ko ang boses ni Gene. She sounded so tired and weary.