Chapter 30 : Again

2.3K 66 1
                                    

"What happened last night?"

Napatingin ako kay Isabel. Nasa pantry kami at kasalukuyang kumakain ng lunch.

Maaga akong umuwi kagabi. After that scene on Gene's room, nakiusap ako sa kanya na wag munang ipaalam kahit kanino ang tungkol sa aming dalawa. Hindi pa ako handa. Kahit kay Elvis ay hindi ko pa nasasabi ang nangyari.

To be honest, I don't even know what's my next step. Basta ang alam ko nalang, bumigay na ako. Sumuko na ako mula sa pagkukunwari. Lahat kinalimutan ko nang mga sandaling iyon.

"Bakit? Anong meron?"

Isabel looked at me with her scorched eyes. I can't exactly read what's on her mind, but I know that she knows something.

"Nakita ko si Ma'am Vannah kagabi, galit na galit nang lumabas mula sa kawarto kung nasaan ka kagabi. Then, I saw Miss Eugene closed the door with only the two of you inside. She's really worried sick when she saw you fell into the water."

It felt like Isabel's a different person right now. May mga napapansin ako sa kanyang hindi ko napapansin dati.

"Wow! Anyare sayo Isabel? Napapadalas na ang english mo a!"

Kunyari ay biniro ko siya. I think it was effective kasi agad na nag-iba ang expression ng mukha niya. From being stern serious, she transformed into a cheerful Isabel.

"Wala. Grabe ka! Ginagaya ko lang yung mga napapanood ko!"

Sinabayan pa nito ng halakhak ang sinabi kaya ngumiti nalang din ako. I'm not really buying what she've said pero hindi na ako umimik pa.

"Sab!"

Napalingon kami sa papalapit na si Gerard. Malawak ang ngiti nito at may dala pang bulaklak.

"O, anong meron sa bulaklak Gerard?"

Kumunot ang noo ko sa kakaibang ngiti ni Gerard. I smell something not really good as I saw him walking towards us.

"For you, Sab."

Napailing nalang akong tinanggap ang bulaklak ni Gerard. Ilang beses ko na siyang binasted pero heto at sige pa rin. Wala talaga silang pinagkaiba ni Chef Joshua.

"Ang kulit mo rin talaga, Gerard. Basted ka na nga kay Sabrina diba? Huwag mo na nga kasi pilitin ang taong ayaw."

Napasimangot naman si Gerard sa sinabi ni Isabel. Umupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba habang nakatingin sa akin. Nilagay naman niya ang bulaklak sa gilid ng mesa.

I was about to speak what's on my mind when my attention was caught by the two person walking towards us.

"Hi guys! Pwede ba dito kami maglunch muna?"

Nakangiti pa si Ma'am Rose pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang initiative na ibalik rito ang ngiti. Lima ang table sa pantry na iyon pero hindi ko maisip kung bakit gusto nilang makishare sa table namin. Katabi ko pa naman si Gerard.

"Sure, Ma'am Rose."

Nakangiti din si Isabel pero seryuso siyang tumingin sa akin pagkaupo nina Ma'am Rose. Katabi ni Isabel si Ma'am Rose habang katabi naman ni Ma'am Rose si Gene.

Yes, kaya hindi ko magawang ngumiti kay Ma'am Rose kasi si Gene ang kasama nito. May pahawak hawak pa sa braso ni Gene si Ma'am Rose habang tumatawa kanina kaya mas lalo akong nairita.

I used to like Ma'am Rose as a person, but I don't know if I can say the same right now. Si Ma'am Rose ang kaharap ko habang si Gene naman ang kaharap ni Gerard.

"Okay lang ba talaga sa inyo guys?"

Ngumiti pa si Ma'am Rose bago tumingin kay Gene. Si Gene naman ay napasulyap lang sa akin.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon