Chapter 16 - War

2.5K 69 2
                                        


Tulala pa rin ako habang nakalugmok sa sahig si Vannah. Iyak pa rin ito ng iyak, gumagalaw ang braso nito sa bawat hikbi at hagulgol na lumalabas mula sa bibig nito.

"I hate you both. I hate you! You're my bestfriend, Sab! Oo, alam kong mali na pilitin ko si Gene kahit ayaw niya sa akin. Pero ikaw! Ikaw, you betrayed me! At least have the decency to tell this straight to my face!"

Nakakuyom ang kamao ni Vannah habang nagsasalita. Puno ng poot at galit na parang punyal na tumatarak sa aking puso.

Gene caressed my back. Mahigpit niya akong niyakap at inalo.

"I'm sorry, Van. This is my fault. Believe me, Sabrina avoided me. Ako lang talaga ang mapilit. It's just me."

Umiling-iling si Vannah at pinagbabato ang lahat ng mahawakan niya. Everything's a mess right now.

"Don't justify what she did! Kung tinuring niya akong kaibigan, sana sinabi niya. Sana umiwas siya! Sana, wala siya dito ngayon!"
Napapikit ako sa naririnig mula sa labi ni Vannah. Alam kong mali, alam ko naman iyon e. Pero ako lang ba ang may kasalanan? Mali bang minahal ko din si Gene? Mali bang hindi si Vannah ang mahal niya kundi ako? Mali ba na mahal namin ang isa't isa?

"Bes..."

"Don't call me that way! Hindi kita kaibigan!"

"Vannah, please. Stop this. Mahal ko si Sab. Mahal na mahal ko siya, Van. Please understand."

Mas lumakas ang hagulgol ni Vannah sa sinabi ni Gene. Kaysarap marinig na mahal na mahal ako ni Gene, kung hindi lang sana ganito si Vannah.

"I'll never forgive you both. Lalo ka na, Sabrina."

Tumayo ito at pinunasan ang luha sa mukha. Sinubukan ko siyang lapitan at hawakan pero mabilis itong umiwas.

"Vannah..."

"Don't touch me. At huwag nyo akong susundan!"

Mabilis itong lumabas ng bahay. Puno ng pag-aala ang aking mukha nang tingnan ko si Gene. Mas humigpit ang yakap nito sa akin.

"Gene..."

"It's alright babe. Everything will be alright."

I nodded in response even if I know that it's way too impossible for everything to be alright right now. Everything's ruined. Gene held me in her arms and I clung to her. Everything happened and I won't let go.


I KNOW that the three girls can feel the tension between me and Vannah. It's been two days since that night and I can really feel Vannah's hatred towards me. She's distant and angry.

"Ma'am, eto na po yung mga list ng dumating nating mga orders."

Tumango ako kay Mia at inabot ang folder na hawak neto. Nakita kong naningkit ang mga mata ni Vannah. She's sitting on the table beside mine.

"Won't you give me a copy, too? Hindi lang naman siguro si Sabrina lang ang may-ari ng shop na ito."

May talim ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Vannah. Natilihan naman si Mia sa narinig, I know she's not ready for this one.

"Sorry po, Ma'am. Magrereproduce nalang po ako ng another copy for you."

"Of course! Don't ever forget that Sabrina's not your only boss. Amo nyo din ako dito."

May diin ang mga salita ni Vannah at napakuyom nalang ako ng kamao.Tiningnan ko si Mia nang may pang-unawa at tumango nalang dito.

"Sige po Ma'am. Sorry po."

Sinundan ko siya ng tingin habang nakayukong lumabas ng opisina. When Mia's gone, I turned my gaze towards Vannah who's looking at me with hatred in her eyes.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon