Marahas kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking pisngi. Kaharap ko ang Mama Luisa ni Gene at wala akong nakikitang emosyon sa kanyang mga mata kundi galit.
"Totoo po ba?"
Gusto kong sumigaw sa magkahalong galit at sakit na nararamdaman ko. Nang makita kong hinalikan ni Gene si Lisbeth ay tumayo na ako at tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Ang hirap paniwalaan ng lahat-lahat. Mabilis, pero ang sakit ay unti-unti at mabagal akong pinapatay.
"Totoo po bang si Daddy ang pumatay sa tatay ni Gene?"
Nakita kong napakuyom ng kamao si Mama Luisa. Now I understand her. Now I understand kung bakit ganito siya sa akin.
"So finally, alam mo na. Finally, alam mo na kung bakit kailanman ay hindi ka matatanggap ng pamilya namin."
Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng malakas na sampal na halos ikabiling ng mukha ko. Masakit, pero alam kong wala nang mas ikakasakit pa ang katotohanang nawalan sila ng mahal sa buhay dahil sa ama ko.
"I've been meaning to do that since the first time I saw you!"
Napayuko lang ako habang tuloy tuloy sa pagtulo ang luha mula sa aking mga mata. Anak ako ni Sebastian Altamonte, ang taong pumatay sa kapatid nito. That makes me deserving of her slap.
"I'm sorry. Hindi ko po alam."
"Your sorry won't bring my brother back! Hindi mo alam kung gaano kami naghirap nang mamatay siya? Pinatay siya nang walang kalaban-laban! Pinatay siya ng sarili mong ama!"
Humikbi lang ako ng humikbi. Alam kong ang tangi ko lang na magagawa ngayon ay umiyak. Umiyak para sa sakit na nararamdaman nilang lahat.
"Ngayon Sabrina, ngayong alam mong anak ka ng kriminal na dahilan ng pagkamatay ng ama ni Gene, maaatim mo pa rin bang makisama sa kanya? Makakaya mo pa bang umaktong parang wala lang ang lahat?"
Hindi ko kaya.
Alam kong nasasaktan pa rin si Gene at mas lalo akong nasasaktan kapag naiisip ko ang lahat. Bumalik sa aking alaala ang sinabi ni Lisbeth tungkol sa paghihiganti. Masakit, pero alam kong kailangan kong pagbayaran ang kasalanang ginawa ng sarili kong ama.
"Remember this, Sabrina. We won't ever accept you in the family. Never. Ever."
Naisip ko ang sakit na nararanasan ni Gene. Nasasaktan ba siya kapag nakikita ako? Nasasaktan ba siya kapag kasama ako? Anak ako ng taong umagaw ng oras at panahon na dapat sana ay kasama nito ang ama. Anak ako ng taong responsable sa kalungkutan nito magpahanggang ngayon.
"I'm sorry, Ma'am. I'm sorry. I'm sorry. I know this is too late but I'll pay for what my father has done. Mahal na mahal ko po si Gene. Pero alam kong mahihirapan lang siya kapag nakikita ako. Huwag po kayong mag-alala. Hinding-hindi po ako mapapabilang sa pamilya nyo. Salamat po sa lahat."
Mabilis kong tinakbo ang kwarto namin ni Gene at kinuha lahat ng gamit ko saka nilagay sa travelling bag. I don't need to think twice. I need to get out of here.
Marahas at padaskol kung niligpit ang aking mga gamit papasok sa aking bag. Hindi ko dinala ang mga gamit na binigay sa akin ni Gene. Lahat ng binili niya sa akin ay iniwan ko.
Wala akong karapatang dalhin ang mga iyon.
Napapikit ako habang nagdarasal na sana ay totoo ang narinig kong sinabi ni Lisbeth. Na sana ay naghihiganti lang si Gene. Hindi ko maaatim na magpanggap na wala lang ang lahat.
Dad, why does it have to be like this?
Nakataas lang ang kilay ng tiyahin ni Gene nang magpaalam ako dito.