Chapter 25 : Remorse

2.1K 86 0
                                    

It has been a week since that day on Gene's cottage. A year has passed but she still has this same effect on me.

After what happened between us, I woke up alone on her bed. My uniform was all over the floor but there were no trace of Gene. Only to find out that she checked out before I woke up.

So much for a good fck after a year, right? I cried while she's doing me. Hindi dahil sa pinilit niya ako, kundi dahil sa wala akong maramdaman mula sa kanya. Ang sakit sa pakiramdam.

Isang halik lang niya pero nakalimutan ko agad lahat. Nadala agad ako. At siya, nakuha niya ako nang walang siyang pinaramdam na kung ano sa akin. Umiiyak ako nang makauwi nang araw na iyon.

Malapit na nga akong umabot sa puntong ihahampas ko na ang ulo ko sa pader ng apartment ko sa sobrang katangahan.

Ang tanga-tanga mo, Sabrina! Hindi ka umalis at nawala ng isang taon para lang bumigay agad sa unang pagkikita nyo palang!

What hurts me most was waking up with nothing beside me but emptiness. Sa isang iglap, naiparamdam niya sa akin ang sakit na walang kapantay.

Tandaan mo ang pangako mo sa Mama Luisa niya!

Pinunasan ko ang luhang umalpas mula sa aking mga mata. Tahimik akong lumuhod at kinuha ang isang box sa ilalim ng aking kama.

I opened the box and looked at clips and posters cut in sizes. Pictures lahat iyon ni Gene mula sa magazines at babasahin na nag-feature sa kanya. Wala akong ginawa sa loob ng isang taon kundi panoorin siya sa telebisyon at subaybayan ang lahat ng babasahin na siya ang sentro ng usapan.

Lumabas ako ng maliit kong apartment dala ang box at ang lighter. Labag man sa kalooban, alam kong kailangan ko itong gawin.

I wiped my tears away as Gene's pictures were burned out by the fire coming from the lighter. Ngayong nagkita na kami, hindi ko alam kung paano siya iiwasan. Lalo pa't alam kong siya ang business partner ni Sir Benitez sa expansion program ng resort nito.

How can I move on, Gene?

"Sabrina! Pauwi ka na ba? Sabay ka na sa akin."

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang taong humahabol sa akin. Malaki ang ngiti ni Chef Joshua nang tumapat siya sa kinatatayuan ko. May hawak siyang bulaklak at hula ko ay lara sa akin iyon.

Tinago ko ang phone sa aking bag saka ngumiti kay Chef Joshua.

"Malapit lang naman ang apartment ko, Chef."

Napatingin ako sa motor ni Chef Joshua. I don't know anything about motorcycles pero alam kong magandang klase ang kay Chef. Dinig ko'y isa siyang anak ng gobernador sa isang bayan sa Bicol.

"Wala lang. Aayain sana kitang magdinner din. Tsaka for you pala."

Napakamot ito ng ulo kaya nagmukha tuloy itong bata. Ayaw ko man sanang tanggapin ang bulaklak pero nakakahiya namang tanggihan ang masayang ngiti ni Chef. Nakangiti kong tinanggap ang mga bulaklak.

"Eh kasi Chef..."

Tunog ng sasakyan ang umagaw sa aming atensyon. Stopped in front of us was a sleeky black McLaren.

"Sabrina. Let's go."

Napipi ako nang makitang si Gene ang nasa loob ay inaanyayahan akong umangkas sa kotse nito. I looked at her and I can sense danger. She's looking at me as if she doesn't want a NO answer.

Napatingin ako kay Chef Joshua na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Gene.

"Ay, next time nalang Chef. Kaya ko namang umuwi. Don't worry, okay? Sa susunod nalang tayo magdinner."

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon