Chapter 24 : Reunion

2K 72 0
                                    

I spent my off with my friends. Isang taon ang lumipas at alam kong madami na ang nagbago pero isa lang ang alam ko. Masaya ako para kina Mia at Elvis.

Engaged na pala ang dalawa. Biglaan kasi kagabi lang nagpropose si Elvis kay Mia. Damn, they've been secretly dating for almost a year now!

Secret kasi ayaw ni Mia na may makaalam na iba. Kahit parents ni Elvis, wala pang alam. Nang panahong broken hearted daw si Elvis sa pag-alis ko, madalas daw silang magkita ni Mia sa magkakaibang lugar. Hanggang sa nagkatabi sila sa isang bar, nagkainuman. At doon nagsimula ang paglabas-labas nilang dalawa.

Bilang magkaibigan daw noong una. Hanggang sa nagkahulihan ng loob. Elvis doesn't want a long engagement, nadala na daw siya na ikinatawa naman namin ni Mia. Naghahanap pa rin sila ng tamang panahon para sabihin sa mahahalagang tao sa paligid nila ang tungkol sa relasyon nila.

Sobrang saya ko para sa kanila. To think that I was the first to know about their engagement. I'm just so proud of my timing.

"What happened, Sab? Bakit bigla kang nawala?"

"Oo nga Ma'am. Ano pong nangyari?"

Napangiti ako kay Mia. Parang nabawasan ang kadaldalan nito. Medyo naging manhinhin ito kahit sa pagtatanong at pagsasalita. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

"C'mon Mia. Wala na tayo sa shop. Just call me Sabrina or Sab."

Ngumiti ito sa akin pero agad ding nawala ang ngiti nang may naalala.

"Ma'am, yung shop nyo po pala.."

Napatingin ako dito. Seryuso ang mukha ni Mia nang tumingin muna kay Elvis bago binalik ang tingin sa akin.

"Bakit, nalugi na ba ang shop? And please call me Sab and no more po."

Kaagad na umiling si Mia sa tanong ko kung nalugi ang shop. Siniko nito si Elvis na parang nagpapatulong pero kinindatan lang ito ni Elvis.

"Kasi po, binili na po yung shop."

Nagulat ako sa narinig. Binili ang shop? Hindi siya pwedeng ibenta. Not unless it was offered a huge amount.

"Sino ang bumili?"

Mahal ko ang shop ko at totoong nag-iipon ako para mabawi iyon. Maganda naman ang pasahuran sa resort na ito kaya nakakapag-ipon din ako ng malaki. Hindi naman kasi ako halos bumibili na ng kung ano-ano.

"Si Gene po."

Gusto ko ulit pagalitan si Mia sa pagsambit niya ng po pero natulala lang ako nang marinig ang pangalan ni Gene.

"What happened, Sab? I thought you're doing well with her. Why did you have to leave?"

Napatingin ako kay Elvis ngunit kaagad ko ring ibinaling sa labas ng resto na kinaroroonan naming tatlo ang aking mga mata. I smiled when I saw a man holding a little girl on her arms. I used to be like that when I was young. Dad used to carry me on his back.

Noong hindi ko pa alam at naiintindihan ang lahat.

I heaved out a sigh before I looked at Elvis. I smiled when I saw them holding each other's hands but my smile faded when an image flashed on my mind. I shook my head to erase that thought.

"It's just that, I'm not meant for her. It's just, I don't deserve her."

Nilaro-laro ko ang straw ng orange juice na nasa harapan ko. No one knows the real reason why I left, except for Mama Luisa.

"I made a promise to her Mama Luisa. A promise I intended to keep."

Ininom ko ang juice na nagyeyelo sa lamig. Alam kong naghihintay ang dalawa ng susunod ko pang sasabihin. Maybe, maybe I could give myself the liberty of having friends, again.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon