Chapter 22 : Secrets

2K 68 0
                                    

Ginawa nga ni Vannah ang sinabi niya. Two weeks after, she withdrawed her shares on the shop kaya napatigil din ang expansion project. Hindi ko sinabi kay Gene ang problema.

Kahit mahirap, pinilit kong gawin ang lahat para mabayaran ang mga dapat bayaran sa natigil na project. Everything's a mess right now. Lahat ng ipon ko ay naimbayad lang sa naantalang proyekto. Yung natitira sa savings ko ay sapat na para sa budget ko sa sarili ko. And now, the shop is facing a big challenge. Hindi ko alam kung paanong mababawi ang lahat nang nawala sa akin, lalo pa't naka freeze ang account at trust fund ko except sa personal savings ko.

"Kumusta ang shop today, Mia?"

I sat at the swivel chair on my office. Galing ako sa isang client meeting. I was hoping that we will supply flowers to a big event, only to find out that the client wants to cancel the transaction. Hindi ko alam kung bakit pero may duda na ako kung anong mga nangyayari.

"Matumal po Ma'am. Madami na pong nalantang mga bulaklak pero hindi natin mapapalitan agad kasi wala pong budget for new orders. Medyo lugi tayo ngayon, Ma'am."

Alam kong nahihirapan din sina Mia ngayon. They're supposed to receive their salary two days ago pero kanina lang ako nakapag withdraw ng pera sa personal account ko. Wala na akong makukuha pa sa shop kasi ang perang natitira ay sapat na pampondo dito.

"Yeah, I know. Makakabawi din tayo, Mia. Wait," kinapa ko ang aking wallet saka kumuha ng pera.  "Eto nga pala ang sweldo nyo, Mia. Pakitawag na rin sina Clara at Leslie."

Umiling-iling naman si Mia at nilayo ang kamay kong may hawak na pera.

"Ma'am, saka nyo na muna isipin yan. Alam naming kelangan ng shop ng budget ngayon. Naiintindihan namin ang nangyayari at hindi mo kami kailangang unahin, Ma'am. Okay lang po kami. Hindi ka namin iiwan."

Para akong maluluha sa sinabi ni Mia. Alam kong kailangan ng shop ng pera pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko ibibigay sa kanila ang dapat na para sa kanila.

"No. Take this. Kailangan nyo din ito, Mia. Pakitawag na rin sina Clara at Leslie."

Wala na rin namang nagawa ang tatlo kundi  tanggapin ang pera. After all, naniniwala akong magiging maayos din ang lahat.

Days passed but there's no improvement when it comes to the shop's situation. Para tuloy gusto kong magduda sa sarili kong kakayahan. Nawala lang si Vannah at nalugmok na agad ang aking negosyo. Hindi ko alam na ganun lang pala kadali ang lahat.

Napabuntunghininga ako ng malalim nang mahagip ng aking paningin ang frame kung saan nakalagay ang picture naming tatlo nina Dad at Mom. To be honest, I long for them. Despite of what happened, miss na miss ko na sila. I looked at the phone on my table and dialled our landline's number.

Gusto ko uling subukang kausapin sila. Baka sakaling ngayon na ang panahon para naman pagbigyan nila ako. Ilang beses kong pinaglandas ang aking daliri sa folder na nasa mesa ko habang pinapakinggan ang pagring ng telepono. Tatlong ring bago may umangat ng awtibo sa kabilang linya.

"Hello?"

Kinabahan ako bigla. Alam kong si Mommy ang sumagot ng tawag. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi agad. Miss na miss ko na si Mommy.

"Mom.."

Napasinghap ang nasa kabilang linya ngunit alam kong hindi pa binababa ni Mommy ang telepono.

"Anak.."

Doon na ako napaiyak. Damn, alam kong malaki ang sama ng loob ko sa kanila ni Dad pero hindi ko maikakailang mahal ko sila.

"Mom, I'm so sorry. I'm sorry, Mom. I'm sorry if I wasn't the best daughter you ever wished for."

Natahimik si Mommy sa kabilang linya pero  nakarinig ako ng mahinang hikbi mula rito.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon