Damn, I never felt so nervous right now. I'm in my favorite resto, nag-aantay kay Elvis. Pinili ko ang table na isolated sa mga tao. At least, kung anuman ang mangyayari mamaya ay walang halos makakapansin.
Five minutes pagkatapos kong dumating ay agad ding dumating si Elvis. He smiled at me but I avoided his kiss. Alam kong nagulat siya pero hindi na siya nagsalita.
Tahimik lang ako hanggang sa makaorder siya. Alam ko ring nararamdaman ni Elvis ang tensyon mula sa akin.
"Is there anything wrong?"
Humugot ako ng malalim na buntonghininga. Kaya ko to!
"Elvis. I'm sorry. But I don't think I'm the perfect woman for you."
Mahina lang ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon pero parang bombang sumabog sa pandinig ni Elvis kung pagbabasehan ko ang mukha nito.
"You're kidding right?"
Pilit ang tawang ginawa niya. Masamang masama na ang timpla ng mukha nito.
"Elvis. I'm sorry."
"Why Sab? What's the matter? Is this about my busy schedule? Fuck, I'm willing to turn over my position to one of my cousins, mapunan ko lang lahat ng pagkukulang ko sayo!"
Mahina ang boses nito pero may diin ang bawat katagang sinabi nito.
"No! Hindi iyon. Nasa akin ang mali, Elvis. It's just that, I don't love you enough to continue being committed to you. I'm sorry."
Marahas nitong hinampas ang mesa dahilan para mapatigin ang ibang tao sa amin. Wala akong nagawa kundi hayaan ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.
"Four years Sab! Nag-antay ako sayo! Tapos ito lang ang sasabihin mo sa akin? Ito lang?! Dammit!"
Napahikbi ako. Kahit naman ganito, minahal ko din naman si Elvis sa paraang alam ko. Nasasaktan din ako sa nangyayari sa aming dalawa.
"I'm sorry Elvis. I just can't."
"Dammit! Si Gene ba ang dahilan?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya at mabilis na umiling.
"Huwag mo akong gawing tanga, Sab! Alam ko! Kitang-kita ko kung paano ka niya tingnan!"
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi nito. Nakakaagaw na kami ng atensyon ng ibang tao.
"Goodness, Sab! Huwag ko lang malaman na si Gene ang dahilan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, dahilan para manlambot si Elvis.
"God! I love you too much, Sab. At hindi ko kayang pakawalan ka basta-basta. I'll let you go. Pero babawiin kita sa kanya."
I sobbed harder when Elvis left me, leaving thousand peso bills on the table. Mabilis kong pinunasan ang luha ko habang nagdi-dial sa aking telepono.
"Hey, can you pick me up? Please. I'll text you the address."
PAKIRAMDAM ko ang haba ng byahe namin. Tahimik kaming dalawa at walang nagsalita. I never imagined I'll be needing her help. Dinala niya ako sa bar na pagmamay-ari ni Gene.
"Why here?"
"Aba, mahal na reyna pasalamat ka at pumayag akong maging driver mo. Kung bakit kasi binigay pa ng jowa mo ang number ko sayo. Nakakaasar ka e."
Napatingin ako kay Lisbeth. Naka short shorts siya at tube top tapos naka boots. Hindi ko talaga alam ang fashion sense ng babaeng ito pati na rin ang pananalita. Minsan maldita, inglisera. Minsan naman tunog maton na pang kalye.
