Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasimulan na ang expansion at renovation ng resort. Half of the resort was under renovation kaya ang kalahating bahagi muna ng resort ang operational. Dahil din dito kaya mas napapadalas ang pagkikita namin ni Gene.
Napapadalas din ang bato niya sa akin ng nagbabagang tingin lalo na kapag lumalapit sa akin si Chef Joshua o di kaya ay si Gerard.
Gene occupied the largest VIP cottage and she really tortured me as she requested Sir Benitez to have me as her personal housekeeper.
Nasabi ko na kay Elvis ang tungkol sa pagkikita namin ni Gene. Of course, he was worried sick at sinabihan pa ito ni Mia na puntahan ako dito to check on me but I did not let him.
Ayokong makaabala pa ako kay Elvis. Kaibigan ko sila, pero hindi tamang pati sila ay madamay sa problema ko.
"Vannah."
Gene looked at me as her phone's on her ears. Naglilinis ako ng kanyang sala as her request, when her phone rang.
"Yeah. I'm busy. I'll give you a ring if I'm not. Okay. I miss you, too."
Napayuko ako ng ulo habang nakikipag-usap si Gene gamit ang cellphone nito. It seemed like she's doing good with Vannah.
Oo naman. Nakalimutan ka nga agad pagkatapos may mangyari sa inyo.
I tend to focus on what I'm doing para matapos na at makaalis na sa lugar na ito. Alam kong mababalot lang ako ng sakit kapag tumagal pa ako rito malapit sa kanya.
Gusto kong maging masaya para sa kanila ni Vannah kasi alam kong mahal siya ni Vannah pero may bahagi sa akin ang nalulungkot para sa sarili ko.
"Sabrina.."
Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Sab.."
Itinigil ko ang aking ginagawa nang tumayo siya sa harapan ko. She's looking at me with longing and desperation on her eyes.
"Bakit po?"
"Fck!"
Napasabunot ito ng buhok na parang hindi alam ang gagawin. Lumingon ulit ito sa gawi ko with her eyes pleading.
"Vannah's just a friend, Sab."
Nagretreat ang mga luhang pipila na sana palabas ng mata ko. Hindi ko malaman kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi ni Gene.
"Sab.."
Iniwas ko ang aking kamay nang tangkain niya itong hawakan.
"It's not my concern naman po kung may relasyon kayo ni Vannah o wala. Bisita at amo po kayo dito, wala akong karapatang manghimasok sa personal nyung buhay."
"Dammit, Sabrina! You're making me lose my temper!"
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at sakupin ng halik ang aking labi. Mariin ang kanyang halik, mapaghanap at punong-puno ng pangungulila. Ibang-iba sa halik na pinagsaluhan namin noong una naming pagkikita after ng isang taong pagkakawalay.
"I missed you, baby. Fck, I can't contain this anymore. I missed you so bad. Fck, I still love you."
Napapikit ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi. Oo mahal ko si Gene. Mahal na mahal. Pero hindi na ganun kadali ang lahat. Hindi na ako ang dating Sab na para sa kanya.
"I don't care if you left me. I don't care of whatever your reason will be. I love you, Sab. Be mine. Again. Please."
Mabilis akong umiling. Isang malaking pagkakamali ang pagpayag ko sa request ni Ma'am Rose at Sir Benitez na maging personal housekeeper ni Gene.