Chapter 20 : Truth

2.2K 70 0
                                    

It felt like everything was surreal. I felt cheated and played. Halo-halo ang nararamdaman ko sa sobrang dami at gulo ng sitwasyon.

It has been a week since my meeting with Gene's mother. It was full of awkwardness and hesitation. Hindi ko alam kung paano kong napagtagumapayang matapos ang araw na iyon nang nakakahinga pa rin.

Tahimik lang si Tita Elvira, nakikiramdam hindi sa akin kundi kay Gene. Alam kong hindi ito gagawa ng anumang ikakasakit ng damdamin ng anak nito. Sa totoo lang, mabait at mapagmahal na tao si Tita Elvira. Kailanman ay hindi niya ako pinakitaan ng masama.

Inantay kong tanungin niya ako kung anong nangyari sa aming tatlo nina Elvis at Gene pero wala akong narinig.

Elvis went to Cali. He said he needs some time alone to heal his broken heart. Although we exchanged casual texts, I know that things between us has changed.

"Enjoying your life, Sabrina?"

Vannah has this smirk on her face that sent me creeps. Alam kong kapag ganito ang mukha niya ay mangyayaring hindi maganda. Well, not on her expense.

"Ano na namang pinaplano mo, Vannah? Look, hindi ka pa ba nagsasawa? Nung kelan pa itong gulo sa pagitan natin. Don't you have any plans for ammendment?"

Nawala ang ngiti nito at umupo sa upuang nasa harap ng mesa ko. Nasa opisina kami ng araw na iyon. Andun pa rin si Mama Luisa sa bahay namin at wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya sa akin pero hinahayaan ko nalang. Makakahanap din ako ng paraan para maayos ang sitwasyon naming dalawa.

Sana nga.

"Why would I make peace with you? Hindi porke wala akong ginagawa ay okay na ako. Hindi ako okay. I will not be okay as long as you're with Gene!"

I can see the anger in her eyes. Nakakuyom din ang kamao nito. Maybe because of our friendship kaya medyo nakakapagpigil pa si Vannah sa akin.

"Vannah, please. I'm sorry. Alam kong mali ko naman. Trust me, nahihirapan din ako sa mga mangyayari. Hindi din naman madali ang sitwasyon ko."

Sinubukan kong makiusap. Na kahit sa simpleng mga salita ay maramdaman niyang hindi madali para sa akin ang lahat.

"Hindi ko matanggap na of all people, ikaw pa ang maging dahilan para hindi ako mahalin ni Gene. Ikaw pa, na alam kong alam mo kung gaano ko kamahal si Gene. Kahit sinong babae, wag lang ikaw Sab!"

Then she stormed out the office. Pinigilan kong pumatak ang ang mga luhang kanina pa gustong tumakas mula sa aking mga mata. Damn, sawa na akong masaktan. Sawa na akong maramdaman na mahina ako.

Pinilit kong magfocus sa mga papers na nasa table. Nakatigil ang plano naming pagpapatayo ng isa pang shop dahil inayawan ni Vannah. Nanghinayang ako, pero hindi ko siya maipagpatuloy dahil walang pirma ni Vannah. Hindi paman nagtatagal mula nang makaalis si Vannah ay biglang bumukas ang pinto ng opisina.

Nagulat ako sa mabilis at walang pasabing pagbagsak ng palad ng aking ama sa aking mukha. Napabiling ang aking pisngi sa sobrang lakas ng sampal at para akong mabibingi.

"Tonta! Isa kang estupida at imoral na anak!"

Galit na galit si Dad at kitang-kita sa mga mata nito, habang umiiyak naman sa likuran nito ang aking ina.

Sapo ko ang aking pisnging natamaan ng sampal. I looked at them with confusion on my face.

"Akala mo ba hindi ko malalaman ang tungkol sa inyo ng tomboy mong kinakasama! Hindi ka na nahiya! Isa kang walang kwentang anak! Pinagpalit mo si Elvis at ang maganda mong kinabukasan para sa kalukuhang ito??!"

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon