Nanginginig ang aking mga kamay sa kaba at panlulumo nang makita ko kung paano ako hagurin ng tingin ni Mama Luisa.
"To be honest, I didn't expect to see you this way. You look pathetic in that uniform, Sabrina."
Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng aking apron. May maliit na apron kasi kaming mga housekeeper.
Mahina lang ang pagkakasabi ni Mama Luisa nang mga katagang iyon pero dinig na dinig ko. Nasasaktan ako kahit alam kong ako lang ang nakarinig ng sinabi niya.
"Ano pong kailangan nyo?"
She arched her brows and walked towards me.
"Follow me kung ayaw mong dito tayo magkagulo."
Napatingin ako sa mga tao sa aking paligid at nang makitang hindi sa amin nakatutok ang kanilang paningin ay sumunod ako dito.
Dinala niya ako sa may likurang bahagi ng resort na under renovation pa rin kaya wala halos tao maliban sa side na may kalayuan sa amin kung saan may trabahador. Ilang araw nalang at matatapos na ang renivation-expansion project nina Sir Benitez at Gene.
Napatingin ako sa aking bisita. Alam ko naman kung anong sadya dito ng tiyahin ni Gene. Of course, what else could it be?
"I know you're already aware of why I'm here. Stay away from my niece, Sabrina. You're no good for here. Have the decency, at least."
Napayuko ako sa sinabi nito. Alam ko naman eh, alam ko naman na dapat maging matapang ako kasi wala akong kasalanan sa ginawa ng tatay ko pero bakit pag sa kanya na nanggagaling ang mga salitang paulit-ulit na nagpapaalala ng ginawa ng aking ama, pakiramdam ko ako dapat ang magdusa?
"I'm sorry Ma'am. Hindi ko ginustong magkita kami ngayon-"
"Let's say na hindi mo ginusto. Fine. But what will happen next will be your own choice. If you'll gonna ask me, it will be best if you'll leave this place and go somewhere in which Gene can't find you."
Gusto kong magrebelde sa narinig. Bakit kailangan ako? Bakit kailangan kong lumayo nalang at umiwas parati? Bakit ko kailangang magsakripisyo?
"I'm sorry, Ma'am. Ang hirap po ng pinapagawa nyo sa akin. Mahal ko po si Gene at matagal po akong nagdusa nang pinili ko siyang iwan noon."
Mama Luisa glared at me and gave me a disgusted look. Nilakasan ko ang loob ko para masabi ko lang ang mga salitang iyon.
"How selfish of you, Sabrina. You're really Sebastian's daughter."
I clenched my fist on what I've heard. Hindi lang nakakasakit ng damdamin ang mga sinasabi niya kundi nakakasugat din ng pagkatao.
"Mahal ako ni Gene, Ma'am."
Tumawa ito nang malakas. Siguro ay dahil walang tao sa paligid kaya malakas ang loob nito.
"Mahal? C'mon, Sab. Hindi mo ba alam na sinadya ni Gene lapitan si Vannah just to get near you? Sinadya niyang mapalapit sayo. Do you know why? To seek justice. Justice for her father. I tried to stop her at first pero hindi siya nagpapigil. I don't like her idea, Sabrina. I don't like her to get involved with you. But she did what she thought should have been done. I guess, she's not really done with revenge."
Tumulo ang luha ko sa sinabi ng ginang. Naisip ko din yan noong malaman ko ang ginawa ng ama ko sa ama niya. Na baka naghihiganti lang siya at ginagamit ako. Mas lalo ko iyang dinamdam nang marinig at makita ko ang usapan at halikan nina Lisbeth noon.
But she makes me feel loved, always.
"Kung anuman ang nararamdaman niya sayo, hindi ko alam kung hanggang kailan yan magtatagal. Our family won't accept you, Sabrina. Araw-araw siyang susumbatan ng mga kamag-anak niya dahil sayo. Worst case, she might be removed from her position in Mijares Group of Companies. Or her shares might be freezed. I can do that, Sab. Trust me. Choose. Leave her. Or we will leave her."