Chapter 35 : Reason

2.2K 68 1
                                        

Iginala ko ang paningin sa opisina ni Dad.

Sebastian Altamonte II
Chief Operating Officer

Alam kong masakit para sa kanya ang nangyayari. Dugo at pawis ang puhunan ni Dad para sa kompanya kaya hindi ko hahayaang mawala ito sa kanya.

Naalala ko ang nangyari kanina sa aming dalawa ni Gene. She smirked at me after the kiss and I was left speechless. I wasn't prepared for that.

"Call me anytime you need my help, Miss Altamonte."

And she just dismissed me like that. Dahil nagulat ako sa ginawa niya, lumabas ako ng kanyang opisina nang walang sinabing kahit ano.

Damn! I didn't see it coming!

I was back into reality when my phone rang. It was Mia.

"Mia?"

"Ma'am Sabrina! Andito na daw kayo ulit. Excited na sina Clara at Leslie na makita kayo!"

Dinig ko ang ingay nina Clara sa background. Bigla ko tuloy silang namiss. Napangiti ako nang maalala ko ulit silang tatlo.

"Okay. Magkikita tayo ngayon in one condition."

"Ano po yun, Ma'am?"

"Drop the 'po' and Ma'am, then we'll have lunch today."

Natawa naman sila sa kabilang linya. Ang tagal na simula nang magkasama kaming apat. I'm sure marami kaming pagkukwentuhan ngayon.

"Sige, Sab. We'll see you later. Dun pa rin sa dati."

Tumango ako kahit na hindi nakikita ni Mia. I bid my goodbye and hung up the phone. I glanced at the wristwatch. It's almost twelve.

Sinikop ko ang aking gamit saka naghanda na para umalis.

"Aurora, I'll be out for lunch. Will you be okay here?"

Ngumiti naman ang sekretarya ni Dad saka tumango sa akin. Aurora's five years older than me but she prefers to be called as Aurora alone.

"Enjoy your lunch, Miss Sabrina."

Ngumiti ako sa kanya and motioned towards the elevator. Walang ibang sakay kaya mabilis kong pinindot ang close button. It was about to close when a hand stopped the door from closing.

It was Gene.

"Not so fast, babe."

Pumasok siya sa loob at agad na sinarado ang pinto. We're on the 12th floor kaya alam kong matatagalan kaming dalawa sa elevator. Nangunot lalo ang noo ko nang pindutin niya ang lock button. Walang ibang sasakay ng elevator kapag naka-lock ito.

"Sabrina. Let's talk."

"We don't have anything to talk about."

Iniwasan kong mapatingin sa kanya. Ayokong ipagkanulo ako ng aking damdamin at makalimutan ko kung bakit ako nandito.

"We do have."

She intently looked at my eyes as she pressed the stop button. Damn, we're on the 11th floor and she stopped the elevator from moving!

"What do you want, Gene? You got my shop, the company. My Dad's in hospital right now. What else do you want?"

Kalmado lang ang boses ko pero binigyang-diin ko ang bawat salitang lumabas sa bibig ko. Marahan itong kumilos papunta sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Itinapat niya ang kanyang bibig sa aking tenga.

"I want you, Sab. I only want you. You alone."

I can feel the heat coming from her body and it just made my heart beat in an eratic way.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon