Chapter 14 - Crazy For You

3.1K 87 2
                                    


WARNING:

Matured scenes. Be warned. 😉

-KweniiG👸

---------------------------------------------------------

Hindi na ako nagsampa pa ng kaso kay Elvis. Kahit galit at may takot pa rin ako sa kanya, nakipagkita ako nang makiusap siya sa akin. Pinili kong makipagkita sa lugar kung saan maraming tao. Sinama ko si Lisbeth.

Sasama sana si Gene, pero hindi na ako pumayag. Alam kong magkakagulo lang pag magkita ang dalawa. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin si Gene kay Elvis. Kung hindi nga lang mabubuking ang relasyon namin ni Gene, ako na mismo ang pupunta sa presinto para magsampa ng kaso laban kay Elvis.

"Sab, I'm sorry."

Hindi pa ako nakaupo sa table ay tumayo na agad si Elvis para sana hawakan ang kamay ko. Parang napapaso na mabilis kong iniiwas ang kamay mula rito. Napaismid naman si Lisbeth sa ginawa ni Elvis.

"Tell me what do you need. Now."

Seryuso at walang bakas ng ngiting sabi ko kay Elvis. Napasulyap ito kay Lisbeth na noo'y nakataas ang kilay dito.

"Sab, wala na ba talagang pag-asa? I love you. Please. Maybe what you feel right now is just temporary. Sab, I'm willing to take you back."

Napakuyom ng kamao ang babaeng katabi ko. Kahit ako din, tumalim ang tingin ko kay Elvis. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin iyon.

"Shut up, Elvis. Alam ko ang ginagawa ko. Paninindigan ko. Mahal ko si Gene, higit pa sa alam mo."

Umigting ang bagang nito sa galit. Tumalim ang tingin nito kay Lisbeth.

"Talagang nagpadala pa siya ng gwardya mo."

Tumawa ito ng mapakla sa sinabi ngunit nanatiling blangko ang aking ekspresyon.

"Babae si Gene, Sabrina. Sa tingin mo ba, matatanggap ito ng mga magulang mo? And how about Vannah? She's your bestfriend, but you betrayed her."

I can still feel the guilt everytime Vannah's name is mentioned. Alam kong malaki ang pagkakamali ko kay Vannah. Alam na alam ko iyon.

"Wala kang alam, Elvis. Don't think as if you know what's the best thing to do. Ako ang magsasabi ng dapat kong gawin. Lalo na pagdating kay Vannah. Kung may respeto ka sa akin at sa sarili mo, hayaan mo na ako. Please."

"I'm sorry."

Iyon lang at umalis na si Elvis. Hindi ko alam kung para saan ang sorry nito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nito. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lisbeth at nagkibit lang ito ng balikat.

"BES, gala tayo mamaya?"

Napaangat ako ng tingin kay Vannah. Isang oras nalang ay isasara na ang shop.

"San?"

"Sa bar ni Gene. Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng sinasabi nilang niluhuran ni Gene. Hindi pwede yun bes, dapat ako lang!"

Natahimik naman ako sa sinabi ni Vannah. Nakwento niya sa akin ang tungkol sa nangyari sa restaurant at galit na galit ito. Habang tumatagal, mas lalo kong nakikita how selfish Vannah's love is. Minsan naisip ko, kung ako kaya sa posisyon ni Vannah, magiging selfish din kaya ako?

I guess, we all have the tendencies and selfishness when we love. Gaano man kalaki o kaliit, darating tayo sa ganitong punto. Katulad ko, selfish ako kasi pinili ko ang kaligayahan ko kahit na alam kong may nasasaktan ako.

My Forbidden SentinelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon