Humupa na ang init na kanina ay nangniningas sa pagitan naming dalawa. Nakaunan ako sa braso ni Gene at nakayakap naman siya sa akin.
"What happened, Gene?"
Gene let out a heavy sigh. Ramdam kong nag-aalinlangan sya kung sasabihin niya sa akin ang totoo.
"Gene..."
"I found her."
Napatingin ako sa kanya. Her?
"I found my Mom."
Mahina lang ang pagkakasabi Gene pero malakas ang dating sa aking mga tenga. Umalis ako sa pagkakaunan at umupo sa gilid niya.
"Really? Then you should be happy, Gene! Finally, nakita mo na ang mama mo."
Ngumiti lang ito ng mapait.
"I also found him. The one who killed my father."
Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko alam na magkasabay niyang mahahanap ang mga taong may malaking papel sa buhay niya.
Napatingin ako sa kamay niyang nakakuyom ng mahigpit. Kitang-kita ko kung paano gumuhit ang galit sa mga mata ni Gene.
"W-What are you planning to do, Gene?"
Umigting ang mga bagang nito sa galit. She just loved her father so much na hindi talaga siya natahimik hangga't hindi nalalaman kung sino ang pumatay dito.
"I want to get even. I want to destroy him. I want him to beg for my forgiveness. I want him down on his kness. I want to kill him, Sab."
Bigla akong nakaramdam ng takot sa nakikitang anyo ngayon ni Gene. She's fuming mad and I can clearly see it on her eyes.
"Gene.."
"That was before I met you. When you came, I forgot everything about him. Ilang taon ko siyang pinahanap, I didn't expect to find him ngayon. Ngayon pa na kasama na kita."
I held her right hand and intertwined it with mine.
"Wala ako sa sarili ko nang dumating si Monique. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siya kanina. I'm sorry, babe."
Tumango lang ako sabay halik sa labi niya.
"It's okay, babe. Kahit naman nasasaktan ako, bumabalik pa rin ako sayo. Sayo lang. Huwag mo nang uulitin iyon, please?"
She nodded and kissed me on my forehead. She hugged me and buried her face on my neck.
"Anong gagawin ko Sab? Anong gagawin ko sa taong pumatay sa ama ko?"
"I don't know, Gene. I know your father deserves justice. But please, kung anuman ang binabalak mo, huwag mong dudungisan ang mga kamay mo. Akin yan."
Sinadya kong magbiro para kahit papano ay maibsan ang galit na naghahari sa kanyang puso. It's quite effective because she smiled at my last words.
"Of course. They're yours alone, babe."
Umungol ako nang maramdaman ang panaka-naka nitong paghalik sa aking leeg.
"Good."
"WHERE were you last night, bes?"
Napatigil ako sa pagbibigay ng instruction sa tauhan ng engineering firm na in-charge sa ipapatayo naming shop. Nag-excuse ito at umalis para makapag-usap kami ni Vannah.
"Umuwi ako ng bahay. Biglang sumama ang pakiramdam ko kagabi. Sorry, I wasn't able to tell you I'm going."
Tumango lang si Vannah pero nanantya ang mga titig nito. Bigla akong kinabahan sa inaakto ngayon ng kaibigan ko. Damn, I should really tell her the truth!