"Ano bang gusto mo saakin??? Lahat na nang gwapo sa School naging boyfriend mo hindi ka pa ba nakukuntento???"- Calix
"Anong gusto ko??? Ikaw"- Sierra
Start: Dec 11,2017
End-
Status: Ongoing
All Rights Reserved 2017
A/N: Nabura kahapon tong Chapter na ito at ni retype kong muli... Hindi ka mag wawagi Watty ahhaha kabisado ko parin yung story ko.. Wag kang ano... Gigil mo si Ako...!!
****
Calix Raian POV
Natapos na ang klase ko at papalabas na ako nang School. Nakita ko si Lianne na naglalakad din papalabas.
"Lianne... Wait..."
Tumingin sya saakin at napangiti nang maganda.
"Hey Calix.. Yan hinihingal ka tuloy takbo pa more..."
"Ang bilis mo kasi maglakad.. Sabay na tayo..."
"Kakain pa ako sa Labas eh... "
"Sabay na tayo.. Libre ko.. "- alok ko kay Lianne at napapayag ko naman sya.
Pinasakay ko sya sa Kotse ko at Pinaupo sa Shotgun Seat. Inayos ko ang Seatbelt nya at nagtitigan kami.
"Ahh eehh Calix.. Masyado kang malapit..."
"Sorry..."- nakaramdam ako nang konting hiya. Pero deep inside medyo kinikilig ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang komportable akong kasama sya. Yun bang feeling na stress free walang threat basta ganun.
"Saan mo gusto?????"- Tanong ko sa kanya para hindi maging awkward ang paligid namin.
"Sa Sushi House..."
"Ok let's go..."- Enjoy na enjoy ako sa pag da drive nang mamalayan ko na nasa Sushi House na kaming dalawa.
Inalalayan ko sya sa pag baba at pumasok na kami sa loob. Buti nalang kami kami palang ang Tao sa Sushi House at wala pang masyadong Customer.
"Ako na lang oorder.. ano bang gusto mo????"
"Kahit ano Calix,... "
Buti pa si Lianne walang ka arte arte sa katawan. Ibang iba sya kay Sierra.
"Teka bakit ba sya ang iniisip ko. "- Napapainling ako at nag focus nalang sa oorderin ko.
"Isang Sushi Roll, Sushi with Veggie at Spicy Sushi Sesame Tuna."
Hawak ko na yung Order ko at naglalakad papunta sa pwesto namin ni Lianne. Nagawi ang mata ko sa isang kumpulan nang mga babae na nagtatawanan .
"Parang familiar ang mga pagmumukha nang mga ito."
Yung blonde ang buhok naka tingin saakin hanggang sa nakaupo na ako sa pwesto namin. Inaayos nya yung Sumbrero nya nung dumaan ako sa pwesto nila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Kilala mo ba yung mga yun.. Kanina pa kasi sila nakatingin saakin..."
Tumingin si Lianne sa pwesto nang mga babaeng nasa gawi lang namin.