"Ano bang gusto mo saakin??? Lahat na nang gwapo sa School naging boyfriend mo hindi ka pa ba nakukuntento???"- Calix
"Anong gusto ko??? Ikaw"- Sierra
Start: Dec 11,2017
End-
Status: Ongoing
All Rights Reserved 2017
Masaya ako dahil finally napakilala ko na si Sierra sa family ko. At mas lalo akong natuwa dahil gustong gusto nila ang girlfriend ko at tanggap nila kung anong meron kaming dalawa.
Nag uusap si Lola Mami at Sierra at pinapakita yung mga pictures ko nung baby pa ako. Tuwang tuwa si Sierra habang nakikinig sa mga kwento ni Lola Mami.
"Ganyan na ganyan si Mama nung panahon na malapit na kaming ikasal nang Mommy mo noon..."- sabi ni Daddy na kanina pa pala naka tingin sa dalawa gaya ko.
"Sana si Mommy ang kausap ni Sierra at sya ang ka bonding nang gf ko.."
"Anak.. pag pasensyahan mo na ang Mommy mo. Masyado ka nyang na spoiled at ginagawang baby kaya yan hidni nya matanggap na may gf ka... "
"Wala naman mag babago saamin ni Mommy ehh sana lang tanggapin nya si Sierra.."
"Hayaan mo matatanggap din nang Mommy mo ang lahat nang ito. "
"Sana nga Daddy gustong gusto ko nang matanggap nya si Sierra."
"Anak may naisip akong paraan para maka pag bonding ang Mommy mo at Gf mo.,.."
"Ano yun Dad???"
"Pumunta tayo sa Farm. i tour natin ang gf mo.. Alam kong mag kukwento nang mag ku kwento ang mommy mo nang love story namin. Kung paano sya na inlove saakin..."
"Daddy parang di yan ang nakwento nya saakin.. Sabi nya patay na patay ka daw sa kanya.."
"Maniwala ka saakin anak.. Sya ang may gusto saakin..."
Nagtawanan kaming dalawa ni Daddy. namiss ko yung pagiging Anak nang Daddy ko. Pareho kaming trip sa buhay. Para kaming mag tropa na mag kuya. Kahit medyo formal si Daddy na realize kong napaka cool nga nyang Ama.
"Daddy Thank you sa lahat .. akala ko ikaw ang unang against sa pakikipag relasyon ko.. Akala ko magagalit ka at sasaktan mo ako nang nakita mo si Sierra noon sa kama ko."
"Anak wala akong karapatang pakialam ka sa mga bagay na gusto mo.. Hindi ako yung klase nang ama na against sa kaligayahan nang anak. "
"Tama nga sila napaka Cool mo Daddy"
"I Know.. ikaw lang naman hindi naniniwala ehh"- tinapik nya ang braso ko at nagtawanan kaming dalawa.
"Sorry Daddy..."
"Accepted Son..."
After namin mag lunch inaya ni Daddy si Mommy na pumunta sa Farm para makapag bonding kaming apat. Hinanda na ni Daddy yung picnic kit na gagamitin namin. Gusto kong maging close ang Mommy at si Sierra hindi ko kayang makita na walang pansinan ang dalawa.
"Raiden anong pag babalak nanaman ito??"
"Minsan lang nandito ang Unico Hijo natin pag bigyan mo na ang gusto nang anak mo.."
Nilapag ni Daddy ang mga dala nya at si Mommy nakatingin. Si Sierra naman tahimik lang.
Nag umpisa na kaming tumakbo ni Daddy at nag pa picture kay Sierra.
"Babes ngayon lang kami ulit ni Daddy mag papappitchur nang terno ang suot after 3 years..."
"Anak, Honey mc donalds pose dali"- pag chi cheer ni Mommy. "
"Ok.. 1,2,3 say cheese"- Sierra
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ang gwapo talaga nang 2 boys ko..."- cheer ni Mommy habang naka tingin sa kuha ni Sierra.
"Mommy good photographer po kasi si Sierra"- sabi ko.
"Halata nga.. "- nakangiting sabi ni Mommy.
Nagtinginan kami ni Daddy at alam na namin ang ibig sabihin nun. Success ang plan namin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sierra iha.. i send mo saakin yan mamaya ahh"
"Ok po Tita..."
Sabay sabay kaming nag lalakad sa buong farm area at nakita namin yung magagandang bulaklak sa gilid.,
"Eto yung garden area ko noon kung saakin inuubos nang Mommy mo ang mga bulaklak ko..."
"Grabe ka Hon ah..."
"Totoo naman eh.. sabi mo sayo ko iniialay ang garden na ito dahil ikaw ang fiancee ko.."
"Kapal mo.."- inisnaban ni Mommy si Daddy.
Natatawa kaming dalawa ni Sierra sa aso't pusang awayan nilang dalawa.
"Nakaktuwa ang parents mo para parin silang teenager kung mag sagutan"
"Nakikita ko yung sarili natin sa kanila noong una tayong nag kita.."
Nakita kong nag blush ang mukha ni Babes at feeling ko mas lalong nagka kulay ang mga bulaklak nung nandito kami.
Kumuha si Daddy nang malalambot na sanga at binilog nya ito at binalutan nang maggandang bulaklak ang paligid nang sanga kaya naging flower crown ito. . Inabot nya saakin yung isa para kay Sierra at yung isa nilagay nya sa ulo ni Mommy.
"Para sa Dyosa nang La Banana "- sabi nya kay Mommy.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Para sa Muse nang La Banana,... "- sabi ko kay Sierra.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagtinginan si Mommy at Sierra at nakangiti silang lumapit saamin dalawa ni Daddy.