Sister's in Plan

328 18 14
                                    


Part 1- Acquaintance Party 


Sierra Sanya POV


Maghapon lang kaming magkasama ni Calix pero walang sweetness na nagaganap saamin. Panay snobban at Talikuran lang kaming dalawa. Ang sweet namin no. Napapansin ko rin madalas sya sa Kitchen at busing busy sa ka text nya alam nyo naman kung sino yun. Napapatingin nalang ako sa kanya at napapailing. 

Ako naman busy rin sa panunuod nang walang ka buhay buhay na Cartoons sa Cable wala naman akong balak manuod talaga nag oobserve lang ako. Pasilip silip ako sa Kitchen para malaman ang gagawin ko kahit mag mukha akong tanga sa pang iistalk nang reaction nya binabalewala ko yun makita ko lang silang dalawa mamaya na magugulat masaya na ako.

Nakatingin ako sa Orasan at malapit na mag 5pm. Kailangan ko nang umisip nang paraan para makatakas dito. Kunwari wlaa akong alam sa Acquaintance Party na yun pero hindi nila alam pag plaplanuhan namin nang mga kaibigan ko ang araw na ito. 

Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. 

"Calix... "

Nagulat pa sya nung kinalabit ko sya masyado kasing sayang saya sa kausap nya hindi nya napapansin na nasa likod nya lang ako.

"Nagulat naman ako sayo... Bakit anong gusto mo????"

"Mag papaalam ako sayo.. gagala kami nang mga friends ko. Tutal walang pasok gusto ko sanang umalis at gumala."

Nakita kong sumilay ang magagandang ngiti sa labi nya eh. Alam ko naman ang reason nun.

"Oh sige.. Punta ka na.. Dalian mo baka gabihin ka pa sa pag alis. 4:30 na ohh."- Aba madaling madali..

"Pinapayagan mo ako kahit gabihin ako????"

"Oo naman.. kahit doon ka na matulog kasi baka may masamang magyari sayo pag umuwi ka pa dito nang madaling araw.. "- Ang bait nya saakin kunwari concern. 

"Ok.. Maliligo na ako..."

Naging permanente ang ngiti ni Calix. Napaka sama nya saakin. Pumayag talaga syang gabihin ako sa kalsada para lang maisagawa ang plano nila ni Villar. Sige dyan kayo masaya pag bibigyan kita pero ako parin ang mananalo. 

Nilublob ko nag sarili ko sa bathtub. Nakakaramdam ako nang labis na inis at yung puso parang sasabog. Napayakap ako sa sarili ko. Parang gusto kong umiyak pero ayoko dahil matapang ako hinding hindi ako iiyak at mag mamakaawa sa kanya. 

Nang matapos na ako pumili ako nang pinaka comportableng damit ko para isipin nya na gagala talaga ako with my friends para hindi nya isipin na pupunta ako sa Party. Para makampante sila si Lianne., Tinignan ko ang sarili ko sa Full Length Mirror para tignan kung kapanipaniwala na sa Lakwatsahan lang ang punta ko.


"Himala hindi ka ata naka croptop????"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Himala hindi ka ata naka croptop????"

"Girls Night out.. Baka bahain nanaman ako nang boys doon.. Lam mo na.. Wala kasi akong Knight In Shining Armor ehhh"- Parinig ko sa kanya para tubuan nang konsensya.

"Mag ingat ka text mo ako pag nasa Presinto ka na..."- Napaka galing talaga nya. Napaka futuristic punyeta kagigil.

 "Aalis na ako.." -  Padabog kong sara nang pintuan. Para naman alam nyang inis ako sa kanya.

Nag commute ako syempre pero nag taxi ako papunta sa Bahay nang mapagpanggap na best of friends ko na si Irene. Syempre doon namin isasagawa nang magagandang plano namin. 

Mayaman sila Irene pero mas mayaman kami ako pinaka mayaman sa mag kakaibigan eh. Kaso tinakwil ako pero saakin parin mapupunta ang mga yaman nila balang araw wait lang kayo mga kapatid. 

"Aba himala ang aga mo ngayon ahhh"- Bungad saakin ni Irene. 

"Syempre pag may planong malupit hindi nag sasayang nang panahon"

"Gaga wag kang maingay.. Tara pasok..."

Pinapasok nya ako sa Room nya at nakita kong hinanda nya ang mga Signatured Gown from different Designers na collection nya.

"Maaasahan ka talagang kaibigan... Napabilib mo ko ahh"

"Syempre ayokong mabuking nang nanay ko kaya ginagalingan ko rin nohh, Mamili ka na dyan mahal kong kaibigan..."

"Teka.. Girl may naisip ako... Ilabas mo nga yung pinaka mahaba at puting gown na yun."

Itinuro ko sa kanya yung gusto kong isuot sa Acquaintance Party ewan ko nalang kung hindi pa nila ako tignan sa suot ko..

"Nice one.. Mukhang mapapaparty nanaman tayo after Acquaintance ahh.. Alam mo best bilib na ako sa kalokohan mo.. Kaboggera.."

Pinatawag na ni Tita Irma ang pinaka magaling na make up artist para ayusan kaming dalawa. 

"Mam alam nyo kahit hindi na kayo mag make up sobrang ganda nyo na..."

"Alam ko naman yan... Wag mo nang sabihin..."- pa humble kong sabi.

Simpleng make up lang ang ginawa saakin yun bang parang hindi nadampian nang make up yung mukha ko. 

"Wow ayos pari nalang ang kulang best ahh"

"Syempre... "

Pinag masdan ko ang sarili ko sa Full Length Mirror at umikot ikot ako. Ibang iba ang itsura ko ngayon. 

Sumakay kami nang kaibigan ko sa Mercedes Benz at pumunta na kami sa Ateneo Ballroom Hall. 

"Mam saan po kayo pupunta???"- Harang saamin nang Guard nagulat kasi sya sa ayos ko.

"Saan pa ba Sa Acquaintance Party"- Sinungitan ni Irene ang Guard. 

Walang nagawa yung guard kundi papasukin kaming dalawa. Saka nilagay ni Irene saakin ang huling props na gagamitin ko.

"Goodluck Mrs. Marco"



Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon