Short Update for this Chapter hahaha ♥
Calix Raian POV
Nasa kainitan kami nang pag wawarm up nang biglang nag ring ang phone ko. Hindi ko yun pinansin dahil mas priority ko ang mapasama sa Basketball Team.
"Carlos, maniquiz bat wala pa si Mendoza??"- Tanong ni Coach saamin,
"Sir ma lelate lang si Railey.. may ginawa lang."- Sabi ni Kuya Ralph.
"Yan kasing Si Mendoza eh inuuna lagi ang love life nasisira ang career nya sya pa naman ang next MVP nang Ateneo Blue Eagles."
Naawa ako kay Kuya Railey. Minsan na nga lang sya nag mahal nasaktan pa.
Marami din kaming ginawa puspusan ang Warm up namin dahil medyo malapit na ang UAAP Champ.
"Buti nalang magaling si Calix Marco mukhang may pag asa tayo This Game may panalo na siguro tayo.."
"Medyo lumalakas ang La Salle last Game ehh.."
Dumating si Kuya Railey na medyo hindi ok ang auro nya. Napagalitan pa sya ni Coach dahil sa Pagiging Late nya.
Lumapit sya saakin parang gustong humingi nang kausap.
Break Time namin at nag si kanya kanyang Water Break ang kasama namin.
"Calix nakita ko si Sierra kanina.. Kinausap ko sya pero tinalikuran nya ako eh.. Wal na talaga syang pakialam saakin.. Hindi nya nga ako magawang matignan sa Mata.. Calix nasasaktan ako.. Kala ko kaya kong mag move on agad pero hindi pala... "
"Anong Balak mong gawin??? Anong Plano mo???"
"Calix.. Tulungan mo naman ako oh tulungan mo ko umisip nang paraan para magbalik si Sierra saakin.."
"Kuya alam mo naman wala akong alam sa Love life na yan.."
"Please kaibiganin mo sya para saakin alamin mo yung mga gusto nya. Gusto kong makipag usap syang muli saakin.. Tulungan mo ko Calix... Mahal na mahal ko si Sierra..."
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan tulungan si Sierra. Although saakin sya nakatira wala pang nakakaalam nung bagay na yun. Ayoko naman kaibiganin si Sierra pero wala akong Choice kundi ang kaibiganin sya. Tama para kay Kuya Railey.
Tapos na ang Warm Up Game namin at binisita ko na yung Phone ko. Nakita ko yung 2 Message from Sierra.
From: Miss Pasaway
Babe, Hantay kita sa labas nang Kotse mo... Love You :*
Napakunot ang noo ko sa tawag nya saakin. Hindi ako sanay nang may tumatawag na babe saakin. Nakita ko si Kuya Railey na nakaupo parin sa Bleacher Area nang Gym. 7pm na at ginabi na kami. nakita ko na 6:00 pa tinext ni Sierra ang Message nya.
Isang oras nya na pala ako hinahantay. Medyo na guilty ako dahil hindi ko pinansin ang message nya.
To: Miss Pasaway
Nasaan ka????
From: Miss Pasaway
Nasa Labas nang Parking Lot. :) Matagal ka pa??? Sige Wait lang ako dito... Take your Time Babe.. ♥
"Calix... Pwede ba tayong magusap ulit??? Punta tayo nang Condo ko..."
*********
Sierra Sanya POV
1 hour na akong naghahantay sa pag labas ni Calix. Medyo nilalamig narin ako napapayakap na ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang malamigan. Dumukot ako sa Bag ko nang Sigarilyo para mabawasan yung panlalamig na nararamdaman ko.
Hindi pa ako ni rereplyan ni Calix siguro Busy pa sya. Sisindihan ko na dapat yung dala ko nang maramdaman kong may tao sa gilid ko.
Tumayo ako para silipin yung kanina pa umaaligid saakin. Baka si railey nanaman yun.
"Hoy Lumabas ka dyan... Kung sino ka man..."
Nakita ko yung 3 lalaki na naka suot nang Itim na mask at Lumapit sila saakin.
"Sino kayo???? anong gagawin nyo saakin???"
Lumapit sila saakin at hindi ako maka palag. Binitbit nila ako at Sinakay sa Kotse nila.
BINABASA MO ANG
Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)
Roman pour Adolescents"Ano bang gusto mo saakin??? Lahat na nang gwapo sa School naging boyfriend mo hindi ka pa ba nakukuntento???"- Calix "Anong gusto ko??? Ikaw"- Sierra Start: Dec 11,2017 End- Status: Ongoing All Rights Reserved 2017