Her Answer

332 20 15
                                    


Calix Raian POV


Tinititigan lang ako ni Sierra, ako hinahantay ang matamis nyang oo sa mga katanungan kong bila nalang din lumabas sa mga labi ko.

"Sierra Can You Be My Girlfriend for real???"- Ulit kong tanong sa kanya. 

Ngayon lang ako kinabahan nang ganito sa buong buhay ko ngayon lang din naman ako nag tanong sa babae nang ganito. Muntik lang nung kay Villar pero hindi ko pa naman mahal si Lianne. 

Iba yung feelings nang si Sierra na yung tinanong ko magkahalong kaba at takot.

Kaba na hindi nya ako seryosohin sa tanong ko.

At Takot na baka hindi sya pumayag na maging gf ko sya. 

Pero sabi nya mahal nya ako. Hindi naman ako nabingi nang sinabi nya yun saakin, 

Hanggang ngayon naka titig parin saakin ang namumugto nyang mata. 

"Calix pwedeng mag CR sandali???? "

"Ano???"

"Sandaling sandali lang bago ako sumagot"- This time ako naman yung napanganga sa kanya. Bakit kelangan mag CR anong meron sa CR????

Pumasok sya nang nag mamadali sa CR hindi ko alam ang dahilan kung bakit ganun. 

Naiihi ba sya sa tanong ko sa kanya. o baka naman nabigla sya? O baka naman dahil sa amnesia nya nabasawan yung mutual feelings namin sa isat isa. 

Napaupo ako sa kama at nag iisip kung ano yung mga possible na dahilan kung bakit hindi sya agad umoo at kailangan pa nyang mag isip. 

Ganito ba yung nararamdaman nya nung panahong patay na patay pa sya saakin nun at nag hahabol??? 

Ganito ba sya ka desperadong makuha ako noon??? 

Mahirap din palang mag isip pag sobrang gulo nang isip mo. Parang coller coaster yung feelings ko. 

Gusto ko na syang katukin sa CR at malaman kung ok lang ba sya. Pero natatakot ako. 

Parang gusto ko nalang bawiin yung tanong ko mukhang hidni pa nya gusto o baka hindi pa sya handang maging boyfriend ako.

Dahil hindi naman sya ang Dating Sierra na habol nang habol kung nasaan ako. 

Ilang minuto ang naka lipas nakita ko syang basang basa nang tubig sa katawan hindi ko alam kung bakit sya ganun. 

"Calix..."

"Sierra why??? "

****

Sierra Sanya POV


Lahat nang pag hihirap ko dati biglang nag feedback saakin. Yung pagiging desperada ko, yung pagiging malikhain ko sa pag paplano, sa pag iisip nang mga way para mapansin ako ni Calix. 

Lahat yun isa isang nag sisipasok sa isip ko. 

Lahat nang mga kagaguhan na ginawa ko mapansin lang nya ako, Na kahit ang pagiging choosy ko nawala dahil finally nahanap ko na yung dream guy ko. 

Tumulo yung Luha ko sa harap ni Calix nung tinanong nya ako na kung pwede ko daw ba syang maging boyfriend. 

Sobrang saya ko. Dahil finally yung aim, goals, mission at vision ko bigla nalang eto na nag bubunga na.. 

Pero dahil sa sitwasyon ko na ayaw ako nang Sarili nyang ina. Doon ako nag da doubt na sumagot nang ora mismo. 

Ayokong magkamali ako this time dahil alam kong napaka raming Challenges na kakaharapin ko pag naging totoo na ito. 

Kailangan kong bakuran si Calix kahit kanino. 

Kailangan maging mabuting girlfriend.. Yung salitang girlfriend palang ang kaya ko yung pagiging mabuti malabo pa. 

Hindi kasi sya kung sino lang na lalaki gaya nang past ko..

 Like Hello Calix Raian Marco to.. Yung guy na inasam mo, pinagpantasyahan mo.. Yung Guy na reason kung bakit ka nag papaka bait kahit labag sa loob mo.. 

Pumasok ako sa CR para mailabas yung mga mix emotion na nararamdaman ko . 

Hindi ko alam kung hihiyaw ako, Tatalon, mag eegg roll, Sasayaw nang Twerk, iiyak, malulumbay, magpapaparty. basta

Pinag masdan ko ang maganda kong mukha sa salamin. Na parang sasagutin nya ako na mas maganda ako sa kanya. 

"Oh No... This is it,...."

Hawak ko yung phone na naka tago sa garter nang panty ko at tinawagan si Irene na alam kong gising pa nang ganitong oras dahil malandi sya at kausap nya pa ang kanyang koreanong boyfriend na si Bogum. 

Naka 3 ring din bago nya ako sinagot.

Me: Beshhh

Irene: Madaling araw na nambubulabog ka pa...

Me: Alam mo hindi naman kita tatawagan nang walang dahilan. May kailangan lang akong malaman. 

Irene: Ano nanaman yun ha Sierra?? Nabuking ka na ba??

Me: Stop it.. Never yun mangyayari unless binuking nyo ko..

Irene: Ewan ko sayo .. Ano ba yang problema mo ha???

Me: Besh... Si Calix kasi ehh... ( Napa sob ako hidni ko masabi kasi lam mo na mga besh tears of joy)

Irene: ano ba?? Isa papatayan kita...

Me: Tinanong ako ni Calix kung pwede ko daw ba syang maging bf... 

Irene: Ano?? ohemgi... Ano ba bang tinatangga ko umoo ka na.. 

Me: Pero ayaw ako nang Mommy nya..

Irene: Yun lang.. Kayanin mo.. Makapal naman mukha mo susuko din yan sayo matigas bunbunan mo eh.

Me: Ang kapal mo rin eh no.. Pero alam mo naka tulong ka,. Yeah masyado lang siguro akong nadadala sa acting kong nag babait baitan kaya na ti triggered ako sa Mommy nya. Well Thank You sa payo kahit medyo harsh nakatulong oh sya sasagutin ko pa yung tanong ni Calix saakin.. Babush,,

Inend ko yung call at Naghilamos ako para naman may nagawa ako sa CR na ito. 

"Calix..."

"Sierra Why???"

KItang kita ko ang pag ka worry ni Calix nung nakita nya akong basang sisiw.

Pinunasan nya ako bago nya ako humarap sa kanya. 

Tama hindi ko pwedeng sayangin ang great opportunity na ito. 

Once in a blue moon lang ako nainlove nang ganito at naniniwala ako sa kasabihan na When the opportunity comes grab it.

"Calix.. pinag isipan ko ito nang nasa CR ako.. alam kong maraming mag babago saatin after nito.. Gusto kong isipin kung makakabuti ba ito para saating dalawa."

"Sierra,..."

"Calix.. Sinasagot na kita..."

"Sinasagot mo na ak---"- hindi ko na pinatapos pa ang pag sasalita nya. alam ko nama sa halikan din ito hahantong kaya inangkin ko na yung lips nya habang naka lagay ang kamay ko sa leeg nya. 

"Thank You Sierra..."

"No Calix.. may amnesia ako pero yung puso ko.. alam nito kung sino ang mahal nya.."


Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon