Calix Raian POV
Hindi parin nag sasalita si Sierra simula nang inuwi ko sya sa bahay. Naaawa ako dahil mukhang na trauma sya sa mga nangyari.
"Sierra... Anong nararamdaman mo??? Ok ka lang ba??? May masakit ba sayo????"
Tinititigan nya lang ako at hindi sya nag sasalita. Blank ang expression nya kaya natatakot ako kung anong nasa isip nya.
"Are you hungry or thirsty??? Gusto mong matulog muna???"- Hindi parin sya umiimik sa tanong ko. Baka naman may amnesia sya????"
Nakipag titigan ako sa kanya at hindi man lang sya kumikibo. Nakakatakot na talaga sya. Baka nga may amnesia na sya. Kung mayroon man dapat ba akong matuwa????
"Kilala mo ba ako???"
Yumuko lang sya sa tanong ko mukhang tama nga ang hinala ko may amnesia sya. Dalawa lang naman ang isasagot nya kung sa tamang katinuan sya.
"Oo ikaw si Calix ang Babe ko."
o kaya
"Oo ikaw si Calix akin ka lang..."
Pero hindi ko ineexpect na makakalimutan nya ako. Siguro tama rin na nag ka amnesia sya para din tumahimik ang buhay ko at maibalik ko na sya sa parents nya.
Pero wait hindi ko sya pwedeng ibalik basta basta sa Parents nya nang ganyan ang kalagayan nya. Hindi pwedeng malaman nilang pinabayaan ko sya kaya sya nag ka ganun.
"Sierra,... Gusto mo mag palit ka muna nang damit??? Madumi na kasi yang gown mo..."
Tumayo sya at sinamahan ko sya sa Room ko. Naalala ko na nasa kotse ko pala lahat nang mga bagahe nya. Napatakbo ako sa kotse ko at inilabas muli ang gamit nya at ipinasok sa loob nang bahay.
"Tinabi ko kasi lahat tong gamit mo.. ano kasi medyo hindi na kasya. Saka lilipat ka na kasi dapat sa bago mong titirhan kaya inayos ko na rin.."- Palusot ko sa kanya. Para naman hindi sya mag isip nang kung ano ano kahit may amnesia sya.
Kinuha nya ang gamit nya at binuksan isa isa. Oo nga pala hindi nya alam kung saan nya nilagay ang mga damit nya. May amnesia nga pala sya.
"Wala akong kinuha dyan kahit isa. Kahit bilangin mo pa,,, "- Inunahan ko na sya baka isipin nya binawasan ko under wear nya eh..
Kumuha sya nang damit at nagulat ako dahil yung longsleeve ang kinuha nyang medyo conservative type.
"Yan bagay sayo yan mas comportable.. Sakto malamig ang panahon"
Isinara nya ang gamit nya at tinuro sa kanya ang CR. Para doon sya mag palit.
Nabuo na ang desisyon kong pag stayin muna syang muli ako rin naman ang reason kung bakit sya nag ka amnesia. Dahil nagalit ako sa kanya at hindi sya umuwi napag tripan sya nang mga masasamang loob sa kalye baka nga may possibilities nga na ginahasa pa sya. Kaya inumpog ang ulo nya sya kung saan saan kaya sya nagka amnesia.
Lumabas na sya nang Kwarto ko at umupo sa sala. Tahimik lang sya at mukhang hindi talaga nya alam kung ano ang ginagawa nya.
Kumuha ako nang makakain nya at inalalayan sya para kumain. Kailangan ko syang alagaan kahit sandali bilang pambawi sa pag kukulang ko sa kanya. Saka hidni naman sya nakaka alala kaya in good terms kami.
"Kain ka na.. Niluto ko yan..."
Ngumiti sya saakin kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Ngayon lang ako natuwa sa ngiti nya. Mas gusto ko yung ganito sya, hindi sumasakit ang ulo ko. Tahimik ang mundo.
"Masarap yan promise.. Favorite mo yan ehh Chicken Noodle Soup..."
Tumango sya saakin. Napaka Pure nya at feeling ko ibang ibang tao ang kasama ko.
"Sierra.. Ako nga pala si Calix.. Kaibigan mo."- inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Pinagmasadan nya muna ang kamay ko saka nya ito tinanggap.."
"Ikaw si Sierra Sanya... "
********
Sierra Sanya POV
Bakit kaya ang bait ni Calix saakin. Siguro na guiguilty sya sa pang aaway nya saakin. Aba dapat lang. Para hindi na sya didikit dikit sa Villar na yun.
Naging maasikaso saakin si Calix. Hindi ako nag sasalita ayokong may masabihing kunga ano mabuking pa akong ok ako. Mas ok na ito Silent.
Paulit ulit nya akong tinatanong kung ok ako ang sarap pakiramdam yung inaalala ka tapos pinag sisilbihan ka. Nalulungkot ako konti dahil binibigyan nya lang ako nang importansya pag may sakita ko.
"Kilala mo ba ako???" - nagulat ako sa tanong nya saakin iniisip nya ba na may amnesia ako kaya nya ako pinag sisilbihan??? Na guiguilty talaga sya sa nangyari saakin.
Kahit ayokong mag sinungaling na may amnesia ako parang mas gusto ko nalang alam nyang may ganun ako. Dahil nabibigyan nya ako nang special treatment kapag may nangyari saakin.
"Tama may amnesia ako..."- bulong ko sa isip ko.
Ang dami nyang sinasabi kesehodang wala syang ginalaw sa gamit ko pero nilagay nya sa kotse.
Pinipigilan kong mag react kahit na naiiinis na ako sa mga ginawa nya. Sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako titigil hanggat di sya napapasaakin.
Mas lalong nabuo nag plano sa isip kong mag panggap nalang na may amnesia gusto kong makita ang concern nya saakin hanggang sa makalimutan nyang may gusto sya kay Villar. Hinding hindi magiging sila nang babaeng yun. Dahil saakin lang si Calix, kahit mag mukha akong desperada sa pag acting ko. Wala akong pakialam.
"Your mine Calix.. Walang ibang babaeng mamahalin mo ako lang.."
BINABASA MO ANG
Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)
Teen Fiction"Ano bang gusto mo saakin??? Lahat na nang gwapo sa School naging boyfriend mo hindi ka pa ba nakukuntento???"- Calix "Anong gusto ko??? Ikaw"- Sierra Start: Dec 11,2017 End- Status: Ongoing All Rights Reserved 2017