Calix POV
Nakita ko si Sierra na nakaupo at naka tingin lang sa Cellphone nya. Siguro nagtataka parin sya sa mga nakalagay sa CP nya. Iniisip nya kung sino sino yung mga tao na naka lagay sa Gallery nya.
"Sierra.. Nandito ka lang pala,...Kanina pa kita hinahanap kakain na tayo"
Tumingin sya saakin waring may gustong sabihin pero alam kong hindi nya masabi saakin. Lumapit ako sa kanya at Tumabi sa bakanteng space.
"May gusto ka bang itanong??? "
"Calix.. Napapaisip ako kung paano mo ba ako pinakikitunguan nung wala apa akong amnesia. Kasi nakita ko sa Gallery natin na wala tayong kahit isang pictures..."
Napatitig ako sa kanya. Kung alam nya lang na para kaming aso at pusa nung panahong wala pa syang amnesia.
"Aaminin ko sayo ang lahat.. Hindi tayo close at hindi tayo magkaibigan.. Kaya ka nandito sa bahay ko dahil pinaubaya ka nang mga magulang mo saakin. Kasi pasaway kang bata at lagi kang sinesermunan nang Parents mo. Sabi nila napaka dami mong ex at hindi tumatagal nang isang linggo lahat. Hindi ko alam kung bakit sa Dami nang lalaki sa mundo ako pa ang napili nang parents mo para alagaan ka... "
"Hindi mo ba ako gustong tumira sayo??? "
"Well aaminin ko ulit na ayoko sayo ... Kasi palaging disaster yung buhay ko sayo muntik na nga akong mapresinto eh saka muntik na akong pinagalitan nnag Parents ko.
"Calix... Hanggang ngayon ba galit ka pa saakin??? "
"Wag mo nang isipin yun.., Hindi mo naman kasalanan na nag ka ganyan ka eh.... "
"Pero galit ka parin saakin... Ayaw mo parin saakin... Tama ba???"
Humarap ako sa kanya. Nakikita ko yung lungkot sa mukha nya. Hindi naman tama na ganunin ko sya wala syang maalala at in stage of confusion pa sya.
"Wag kang mag alala.,. Kaibigan na ang turing ko sayo simula ngayon... Hidni man maganda yung umpisa natin siguro ito na rin yung way para magkaayos tayo.."
"What do you mean Calix???"
"Sierra i will be your good friend from now on..."
"Magkaibigan na tayo????"
"Hmm Yes..."
Nagulat ako nang yumakap sya saakin. Napangiti ako dahil wala na yung bigat nang loob ko sa kanya. I hug her back para maramdaman nyang masaya rin akong maging tunay syang kaibigan.
"Hindi kana Galit saakin Calix???"
"Hindi na... "
"Promise??? Hindi na mag change yun????"
"Yeah.. I Promise..."
Itinaas nya yung kamay nya para sa Pinky Promise. kinonekta ko yung kamay ko para makipag pinky promise sa kanya.
"Calix.. Masaya si Sierra,.,,"
"Bakit masaya ka???"
"Kasi hindi ka na galit saakin.. Friends na tayo... "- napangiti ako sa pagiging cute ni Sierra sa paningin ko.
"Tara na nga kain na tayo.. Nagluto ako nang beef broccoli para sayo"- Hinawakan ko ang kamay nya para tumayo sya at sabay na kaming pumasok sa loob nang Bahay.
*******
Sierra Sanya POV
Seryoso akong nag tanong kay Calix kung ano ba talaga ako saka kanya tinetest ko lang kung anong klase nang sagot ang gagawin nya pero sinagot nga nya yun nang totoo. akala ko sasabihin nya saakin naging mabuti akong kaibigan sa kanya, ganun din sya gusto ko lang malaman kung anong klase nang tao si Calix pag kung sakaling totoo nga na nagka amnesia ako.
Pero maliwanag na maliwanag na nagsasabi sya nang totoo. narinig ko mismo sa bibig nya nag katotohanan. Mas lalo kong na prove sa sarili ko na kahit anong pag kakataon Honest si Calix. Kinakabahan ako sa mga binibitawan nyang salita akala ko pati nag mga masasamang nangyari saamin ioopen nya pero nag kamali ako.
He give me a chance na makapasok ako sa life nya.
As his Friend...
Yeah pumayag sya na maging magkaibigan kami. Masaya na ako doon kahit na more than pa doon ang gusto ko.
But sabi nga nang iba mas magiging maganda daw ang relationship nang couple pag nag start sa Friendship. Kahit papano gumaan ang loob ko. Nag sinungaling man ako sa kanya na prove ko naman sa sarili ko na tama ako nang lalaking pinili..
Since nandito na kami sa stage na ito. Bilang ganti sa mga kalokohan ko sa kanya. Susubukan kong mag bago. Pipilitin ko ang sarili kong magbago gaya nang pag papanggap ko. Gusto ko rin naman maranasan yung mahalin ako. Sawang sawa na rin kasi akong kainisan at isuka. Kung siguro naging mabait ako nung una hindi siguro pangit ang tingin saakin ni Calix.
Hinahandaan nya ako nang masasarap na pagkain. Gustong magwala nang puso ko dahil ngayon lang ako pinagsilbihan na parang prinsesa. Ngayon lang ako nakaramdam nang concern sa isang tao.
Naging ganito lang naman ako dahil sa mga pang bubully saakin nung bata pa ako. Palagi kong naririnig sa mga tao sa paligid ko na anak ako nang mangkukulam at ginayuma lang daw ni Mommy si Daddy. Natatakot akong malaman yung katotohanan kaya tinago ko sa kanila ang mga panlalait na naranasan ko.
Sa araw araw na pagpasok ko sa School palaging tawanan nila ang nakikita ko. Tuwing umuuwi ako nang school hindi ako tinmataong ni Mommy at Daddy kung masaya ba ako sa pag pasok sa umaga kung natutuwa ba ako. o kung may nang aaway ba saakin. Wala silang alam sa buhay ko. Tiwala sila na walang umaapi saakin dahil alam nila na wala
Dahil maganda ako. Dahil maputi ako. Dahil mayaman ako.. Akala nila walang nambubully saakin.
Nung nakilala ko ang mga kaibigan ko nung high school nagkaroon ako nang lakas nang loob na maging matapang na lahat nang mga bf nang mga nambubully saakin inaagaw ko at hinahantay kong masaktan sila bago ako makipag hiwalay sa kanila.
Ginamit ko ang ganda ko para maka ganti sa kanila. Sa pang lalait nila saakin. hanggang sa wala nang umapi saakin. Dahil takot na sila saakin. Naging masaya ako dahil hindi na ako umiiyak hindi na ako nasasaktan. Pero kapalit noon lumayo ang loob saakin nnag Parents ko. akala nila ako ang may kasalanan akala nila ako ang may mali.
Wala silang alam sa pag hihirap ko. Puro pagkakamali ko lang ang nakikita nila.
Gusto kong maging mabuti pero. ayoko nang maulit ang dati.
Takot akong maging mabait dahil sasaktan lang nila akong muli.
Takot akong mag bago dahil ayoko nang masaktan.
Pero dahil kay Calix. Pipilitin kong maging mabait muli.
Kasi Mahal ko sya.
Kasi Mahal na mahal ko na sya.
BINABASA MO ANG
Sierra Sanya Perez, The Campus Queen Bee (VKOOK)
Roman pour Adolescents"Ano bang gusto mo saakin??? Lahat na nang gwapo sa School naging boyfriend mo hindi ka pa ba nakukuntento???"- Calix "Anong gusto ko??? Ikaw"- Sierra Start: Dec 11,2017 End- Status: Ongoing All Rights Reserved 2017
