Chapter 13:Being Dependent

2.8K 77 0
                                    

Jerome's POV

"Gusto mo bang bumalik?"
Tanong ko Kay Nicolly na naka sandal lang sa windshield ng kotse  habang nasa labas lang ang tingin.

Oo,gusto kong umuwi na sya pero sa twing nakikita ko ang malungkot nyang mukha ay di ako makatiis.

"No."
Sabi nya na wala man lang kabuhay buhay at di man lang ako liningon.

"Baby,sorry don sa ginawa ko,punishment mo yun dahil sa Hindi mo pag sunod sa akin."
Nagsusumamo kong sabi.

"Pwedi bang tumahimik ka nalang,mag maneho ka nalang kung ayaw mong madisgrasya tayo"
Napatahimik ako sa biglaan nyang pag sigaw sa akin.

Gusto ko man syang kausapin pa ay diko na muna ginawa,hihintayin ko nalang muna sigurong humupa yung galit nya kahit diko naman talaga alam kung Anong dahilan.

Humarap ako sa daan at biglang Napa preno ng may batang bigla nalang tumawid.

"Sh*t"
Sambit ko at napalo pa ang manibela.

Hindi ko mapigilan ang kaba ko,baka napuruhan ko yung bata at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangayari yon.

Nag madali akong bumaba at ganon din si Nicolly.

"Oh my god Jerome"
Halos maiyak na si Nicolly ng makita ang duguang bata na nakahandusay sa daan.

"Pumasok kana sa kotse,dadalhin natin sya sa hospital"
Sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko habang kargakarga yung bata..kaya ng maisakay ko na yon ora orada kong pinaharurot ang kotse at dinala sya sa pinaka malapit na Hospital.

⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
"Doc musta na ho sya?"
Tanong agad ni Nicolly sa doctor na kakalabas lang ng ER.
Hinaplos ko ang balikat nya ng sa ganon ay mabawasan man lang ang kabang nararamdaman nya.

"Stable na ang lagay ng pasyente,naialis na ang namuong dugo sa utak nya kaya no need to worry about,hihintayin nalang natin kung kailan sya gigising ,
Sabi ng doctor.

"I'll go ahead"
Paalam nito.

"Sige ho doc .maraming salamat ho"
Tugon naman ni Nicolly.

"Aray"
Daing ko at napahawak sa braso Kong sinapak nya.

"Kasalanan mo to eh,sabi ko ng tumingin ka sa dinadaanan mo ehh,pero dika nakinig,!!!!.
Pano kung Hindi sinwerte yung bata,pano kung makulong ka,pano nalang ako huh,pano nalang ako?"
Napatahimik nalang ako ng bigla syang humagulgul ng iyak habang nakatakip ang dalawang palad nya sa mukha nya.

"Umiiyak kaba dahil sa bata? O umiyak ka dahil iniisip mong baka makulong ako?"
Diko na napigilang itanong dahil sa koryosidad na namuo sa utak ko.

Humarap sya sa akin habang basang basa ng luha ang mata.

"Pa-pareho"
Hirap nyang sabi dahil sa patuloy parin nyang pagiyak.
Diko na napigilan ang sarili ko kaya agad ko syang hinila at niyakap ng mahigpit.

Napapikit ako habang yakap sya.at sobrang ang sarap sa pakiramdam na ramdam Kong mag aalala sya para sa akin..

"Sorry baby"
Narinig ko ang hikbi nya at napangiti nalang ako ng parang bata syang suminghot.

Nicolly's POV

Umupo ako sa gilid ng kama kung sana nakaratay yung batang nabunggo namin kanina.

Hanggang ngayon nanginginig parin ang tuhod ko,pakiramdam ko naubusan na ako ng inerhiya kakaiyak ko kanina.

Hindi ko lang talaga napigilan..bukod kasi sa naaawa at natatakot ako sa pweding sapitin ng bata ay natatakot din ako na baka makulong si Jerome,at Hindi ko yun kaya,ayokong mawala sya sa tabi ko.pakiramdam ko Hindi ko na kayang mabuhay ng wala sya.
Ganon ako kadipende sa kanya.

"Kumain ka muna"
Napatingin ako Kay Jerome na kakarating lang.
Nilapag nya ang dala nyang pag kain at lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko.napatulala ako sa ginawa nya ngunit agad ding bumawi.

Tatayo na sana ako ng makita ang bahagyang pag galaw ng daliri nung bata kasunod ay ang mahihina nitong ungol.

"Tatawag ako ng nurse"
Nag mamadaling lumabas si Jerome at pag balik nyay Hindi lang nurse ang kasama nya kundi pati Doctor.

"OK naba ang pakiramdam mo?"
Marahan Kong tanong duon sa bata,base sa sabi ng Doctor kanina,mga tatlong araw pa raw syang magse-stay dito sa hospital bago namin sya pweding iuwi .

"Medyo"
Tipid nyang sabi habang di man lang sa akin tumitingin.
Nag aalala akong napatingin nalang Kay Jerome na halata mong nag aalala rin.

" ano ang pangalan mo?"
Marahan ko ulit na tanong.

"Jeyar"
Tipid ulit nyang sabi at napatingin na naman ako Kay Jerome dahil sa pag hagod bigla ng kaba sa dibdib ko.nabawasan ng kaunti ang kaba sa dibdib ko.

"Alam mo ba kung saan ka nakatira?"
Ulit Kong tanong.

"Hindi"
Tipi ulit nyang sagot tapos ay bigla na namang hinaplos ng kaba ag dibdib ko.

"Wala ka bang palatandaan,o kahit Anong bagay na konektado sa kung saan ka nakatira,o kung bakit ka tumakbo sa kalsada?wala ka ba talagang natatandaan?"
Mahabang tanong ni Jerome sa bata,pinandilatan ko sya ng mata dahil sa tingin koy Mali ang way ng pag tatanong nya,hinila ko sya palayo sa bata at pinag sabihan.

"Mas mabuti kung Hindi na muna natin sya tanungin ng kung ano Anong mga bagay,baka ma pressure pa yung utak nya"
Suway ko Kay Jerome.

"Eh pano natin sya maiuuwi kung di natin alam ang bahay nya?"
Kunot nuo nitong tanong.

"There's so much ways to find it sa ngayon hayaan nalang muna nating maka recover yung bata bago natin itanong kung San sya nakatira"
Mahaba Kong litanya na kinakunot na naman ng nuo nya.

"So hahayaan nalang natin yan  dito sa hospital?"
Napabuga nalang ako ng hanging sa sinabi nya.

"Sa mansion muna sya habang nag papagaling ng sa ganon matutukan natin syang mabuti."
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko,ngunit wala akong pake sa kung ano pa mang reklamo nya,

Kung ano ang gusto ko yun ang gagawin ko.kaya Hindi ko na hinintay na makapag salita pa sya at agad ko na syang iniwan at bumalik na duon sa bata.

"Nagugutom kaba huh?"
Tanong ko sabay kinuha ang soup sa side table at umupo sa gilid ng kama.

"Susubuan kita huh,"
Sabi ko sa bata at napangiti ako ng kainin nya yung sinusubo ko sa kanya,

Mukha naman syang mabait ehh,kaya nga napaka gaan ng luob ko sa kanya.sana lang ay bumuti na ang kundisyon nya para maibalik na namin sya sa pamilya nya.

"Gusto mo pa?"
Nakangiti Kong tanong sa bata na tinanguan lang nya.

Ng masubuan ko sya ay di nakaligtas sa paningin ko ang makahulugang titig ni Jerome na animoy gusto na akong lapain ngayon.Hindi naman galit ang mukha nya ,basta parang may iniisip sya tungkol sa akin na mukhang di ko ata magugusto.

Ipinag walang bahala ko nalang yon at tinuon nalang ang atensyon ko sa bata na ngayon ay magana ng kumain.




To be continued...........



The Perverted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon