Nicolly's POV
Mahimbing na ang tulog ko ngunit bigla akong naalimpungatan ng makarinig ng mga yabag ng paa.
Gumuhit ang kaba sa dibdib ko.dahil base sa imahe na nakita ko ay Hindi sya si Jerome.
Dali dali akong bumangon para sana sundan yung tao ngunit diko na sya naabutan..
Babalik na sana ako sa kwarto para tawagan ang gwardya para I check ang buong paligid ng may tumawag ng pangalan ko.
Parang nag pintig ang taenga ko.
"Jerome?"
Nag tataka Kong tanong habang nakatingin sa kanya na nakapang opisina parin."Kakarating mo lang?"
Dagdag Kong tanong dahil gusto Kong alamin kung sya ba yung taong nakita ko o kung ano man."Kakarating ko lang"
Sabi nya.may napansin akong kakaiba sa kanya..para bang may iba syang iniisip.
Na diko mahula hulaan.Pero pinagkibit balikat ko nalang yon..
May naisip lang ako.
Ganon ba kahimbing ang tulog ko at diko na naulinigan ang kotse nya?Matagal ko syang pinakatitigan at ganon din sya sa akin.
Sigundo ang binilang bago ko nagawang basagin ang katahimikan pumapagitan sa amin.
"Di kapa ba papasok?"
Naiilang Kong tanong.Di sya sumagot.bagkos ay nag lakad nalang papalapit sa akin.
"Nicolly?"
Tawag nya dahilan para matigilan ako sa balak ko sanag pag hakbang.Bat parang nakakapanlumong tinawag nya ako sa pangalan ko?
Bat parang sumikip bigla ang dibdib ko?
Bakit ganito?
Bat masakit?
"Bakit?"
Pinilit kong maging normal lang.Di na naman sya sumagot.
Para akong nalagutan ng hininga ng hinila nya ang kamay ko at niyakap ako ng sobrang higpit.
Niyakap nya lang ako na tila ba ayaw na nya akong bitawan.
Hinahaplos haplos nya ang likod ko habang nakabaon ang baba nya sa leeg ko.
Dulot narin siguro ng pag tataka ay diko na nagawang gumalaw pa.
And I admit.gusto Kong niyayakap nya ako.gustong gusto ko.
"Mapapatawad mo ba akong kung may magagawa akong kasalanan?"
Tanong nya habang nakayakap parin.Di ako nakasagot.
Dahil di ko alam kung ano ang isasagot.
Lalo pat dipa nya nagagawa ang kasalanang sinasabi nya.
Pano ko nga kasi malalaman kung mapapatawad ko ba sya o Hindi ehh Hindi pa nga nya nagagawa.
Mahirap ang tanong nya.ngunit siguro ay mapapatawad ko naman na din sya.
Sino ba naman ako para di mag patawad diba.?
Magagalit o mag tatampo ako pero mapapatawad ko naman sya ehhh .
"Mapapatawad kita"
Sinsero kong sabi.Sa sinagot kong iyon ay agad nyang kinalas ang yakap at humarap sa akin.
"Salamat"
Pilit ko mang basahin kung ano ang iniisip nya ay diko mabasa basa.Kiniskis nya ang ilong nya sa ilong ko bago muling binigkas ang "salamat"at di ko mapigilang mapapikit dahil sa pakiramdam na dulot non..
I love this feeling.
BINABASA MO ANG
The Perverted Husband
RomancePrincess Nicolly Salvador..isang babaeng wala ng mahihiling sa buhay kundi ang maging Malaya lang..bagay na Hindi nya makamtan kamtan.wala syang pag nanais sa mga luho ngunit syang meron naman sya.siya ang babaeng pinapahalagahan at pinoprotektahan...