Nicolly's POV
Maliwanag,madilim,Malabo.
"Baby dapat mag pakabait ka lagi sa mama mo huh,"
Sabi ng lalaki sa isang batang babaeng katabi nya ngayon sa kama.pamilyar sa akin ang ginagawa nung lalaki sa bata.hinahaplos non ang ilong nya at gumagawa ng hugis bilig sa dulo ng ilong nito.Nakatayo ako sa tabi ng kama kung saan sila nakahiga ngunit di nila ako nakikita.alam ko yon dahil kung nakikita nila ako sana kanina pa nila ako sinita.
Nalilito ako,sobrang nalilito.Hindi ko alam kung bat ako nasa lugar nato,at ang mas nag papalito pa sa akin ay yung ginagawa ng lalaki sa bata,ganung ganon yong ginawa sa akin ni Jerome.
"Papa Leo,mahal mo ba talaga si mama"
Tanong nung bata,diko alam pero parang sumisikip ang dibdib ko.para akong nanunuod ng isang pelikula at sa sobrang handa nitoy gusto Kong umiyak.gusto kong umiyak sa diko malamang dahilan."Oo naman.mahal na mahal ko ang mama Nicole mo"
Sagot nung lalaki sa bata na nag dulot ng malapad na ngiti sa labi non."Mahal ka din ni mama"
Sabi nung bata at niyakap yung lalaki."Papa"
Para akong nakipag karera sa isang kabayo ng nagising ako.tumatagaktak ang pawis ko at habol habol ko ang hininga ko.Panaginip lang pala.pero bakit ganon yung panaginip ko?bakit parang kakaiba ang panaginip nayon?
"Baby?"
Nag aalalang sambit ni Jerome sabay punas ng pawis sa nuo ko."Panaginip lang yun baby."
Sabi nya ulit at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko.
Tumango tango ako habang hingal na hingal parin."OK lang yan baby,panaginip lang yun"
Sabi nya sabay yakap sa akin at gumanti nalang ako sa yakap nya,and suddenly I feel relief.I feel safe on his arms.⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
"Kuya dalian mo na"
Pag mamadali ni Jeyar Kay Jerome na dala dala yung mga dadalhin namin for our picnic kuno ni Jeyar.natatawa nga ako ehh.dahil nakakaya nyang utus utusan si Jerome."Tara na ate"
Baling naman sa akin ni Jeyar at hinila na ako papasok sa kotse ni Jerome."Paki lagay nalang lahat ng gamit sa likod"
Utos ni Jerome sa isang maid. Habang kami ni Jeyar ay nasa luob na ng kotse."Excited nako ate"
Sabi ni Jeyar na kinangiti ko.Mukhang handa na ang lahat dahil pumasok na ng kotse si Jerome.
"Ate dapat sa tabi ka ni Kuya Jerome, mag mumukha syang driver nyan ehh"
Sabi sa akin ni Jeyar at Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tinginan nilang makahulugan ni Jerome.At ano ba namang magagawa ko ehh halos ipag tulakan na nga ako ni Jeyar pababa ng kotse ehh.
"Ohh yan,happy"
Sabi ko pag katapos umupo sa tabi ni Jerome at ngumiti lang ang dalawa."Malayo ba yung pupuntahan natin Kuya?"
Tanong ni Jeyar habang nasa byahe kami."Mmhh malapit lang"
Sagot naman ni Jerome na ikinatuwa ni Jeyar.⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
After a period of a little bit long ride.sa wakas ay mukhang narating na namin ang lugar na sinasabi ni Jerome.
At halos lumuwa na ang mata ko sa ganda dito.
Isang napakalawak na field,at ang sahig nito ay kulay berde dahil sa nababalutan ito ng damo.
"Wooooww"
Manghang manghang sabi ni Jeyar pagkatapos ay tumakbo sa field.Napatawa nalang kami ni Jerome at Hindi na namain nagawang pigilan pa si Jeyar. Minabuti nalang naming mag hanap ng lugar kung saan magandang pumyesto.
"Duon tayo"
Tinuro ko ang lugar kung saan konti lang ang tao at nasa lilim ng isang malaking puno.
Binit bit nya ang mga gamit naming nakalagay sa 2 picnic basket.at ako naman yung nag dala sa isa.bale meron kaming tatlong picnic basket.Linatag namin duon ang floor mat.at sunod sunod na nilatag na ang mga pag kain.Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinanunuod si Jeyar na nakikipag laro na sa ibang mga bata.
Hindi na yon nakakagulat dahil sa napaka friendly naman talaga nyang bata.napaka dali nyang makagaanan ng luob.parang kahit isang beses mo lang syang makita ay mapapa amo kana nya.
"Jerome?parang diko na kayang malayo sa kanya"
Out of nowhere kong sabi habang na'kay Jeyar lang ang tingin.
Napatingin nalang ako sa kanya ng bigla nya akong tinabihan at hinawakan ang kamay ko."Ate,Kuya"
Sigaw ni Jeyar habang patakbo syang lumalapit sa kinauupuan namin ni Jerome."Dahan dahan ka lang ,baka madapa ka"
Pag papaalala ko sa kanya."Yyieehh!! holding hands sila"
Panunuyo ni Jeyar na kina pula ng pisngi ko.hihilain ko na sana ang kamay ko ng hinigpitan pa ni Jerome ang hawak duon."Nagugutom kana ba?"
Tanong ko Kay Jeyar paraan para mabitawan ni Jerome ang kamay ko.at nag tagumpay naman ako ."Mamaya nalang ate.mag lalaro muna kami"
Sabi nya at tamakbo na duon sa mga kalaro nya."Wag kang masyadong tumakbo huh.baka madapa ka"
Paalala ko Kay Jeyar na tinanguan lang nya."Ay kabayo!!"
Naibulalas ko nalang ng bigla bigla nalang humiga si Jerome at ginawang unan ang hita ko.
Sabay kagat nong saging.."Gusto mo?"
Patungkol nya sa saging at diko maintindihan sa sarili ko kung bat ako ngumanga at kinain yung saging.Tahimik lang syang nakaunan sa hita ko habang ako pinanunuod lang ang pag lalaro ni Jeyar.
Napangiti nalang ako sa kawalan ng may bigla akong naisip.
Sa unang tingin aakalain mong buong pamilya kami.ako si Jeyar at si Jerome.
Para kaming isang masayang pamilya."Anong iniisip mo?"
Bigla akong napatingin kay Jerome at natataranta akong napaiwas nalang ng tingin."Wala"
Naiilang kong sabi."Ako? Iniisip ko"
Sabay Kuha sa kamay ko at binatong sa labi nya.tila gustong manginig nito dahil sa kiliting dulot ng pag Amoy nya dito at ang lamig ng labi nyang dumadampi sa palad ko."Para tayong isang buo at masayang pamilya"
Pag katapos nyang sabihin yon. Lumingon sya sa akin at nginitian ako,kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang nag babadyang ngiti dito."Bumangon kana kaya"
Kunwari ay naiirita Kong sabi.pero imbes na bumangon.tumagilid sya paharap sa akin at sinubsob ang mukha nya sa tiyan ko.
Yung feeling na parang may kung Anong babay ang nag rarambolan sa tiyan ko."Nagugutom kana ba?"
Tanong nya sabay yakap sa balakang ko."Kanina pa"
Di man nya nakikita umirap parin ako."Pwedi mo naman akong kainin ehh"
Sabi nya sabay ngisi."Jerome"
Suway ko na tinawanan lang nya."Ayaw mo ba akong kainin? Mas masarap ako sa kahit na Anong pag kain sa mundo"
Nakahinga ako ng maluwag ng bumangon na sya ngunit sobrang lapit Naman ng mukha nya sa mukha ko.umiwas nalang ako ng tingin ng sa ganon ay di nya mapuna ang oakum ups ng pisngi ko.ikaw ba naman ang kindat kindatan ng isang Jerome?Hindi ka kaya mamula?"Jeyar mamaya na ang laro kain na muna"
Tawag ko nalang Kay Jeyar ng sa ganon ay tigilan na ako ni Jerome."Baby ayaw mo ba akong kainin huh?"
Maktol nya sabay yakap sa tiyan ko at pinatong pa ang baba sa balikat ko."Tumigil ka nga Jerome, daig mo pa si Jeyar Ehh"
Irita Kong sabi sabay Iwas ng tingin."Sa kanya nag lalambing ka,sa akin Hindi, ang unfair"
Nakanguso nyang sabi sabay kuha na naman ng saging.Grabeeee para syang bata,kung mag maktol sya daig pa nya ang nag seselos sa nakababata nyang kapatid.
Taka ko lang syang pinag masdan at gusto Kong matawa dahil sa itsura nya.tiala labag sa luob nyang kumain ng saging.ehh wala namang namilit na kumain sya.Ang labu nya talaga minsan.
To be continued.........
BINABASA MO ANG
The Perverted Husband
RomancePrincess Nicolly Salvador..isang babaeng wala ng mahihiling sa buhay kundi ang maging Malaya lang..bagay na Hindi nya makamtan kamtan.wala syang pag nanais sa mga luho ngunit syang meron naman sya.siya ang babaeng pinapahalagahan at pinoprotektahan...