Chapter 38:Punishment

2.7K 47 3
                                    


Nicolly 's POV

"Liza ano bang nangyari sayo?"
Pamimilit ko Kay Liza.

"Ano ba kasing nangyari"
Tanong din ni Albert.

"Wala nga its confidential"
Sabi nya na kina busangot ko.

"Were friends right? Ang Unfair mo  naman ata kung Hindi mo ese share ehh"
Pangungunsensya naman ni Albert...

"Oohhh thank you sa concern nyong dalawa huh,I really appreciat it"
Sabi nya.

"Friend mo kami kaya kami ganito"
Sabi ko naman sa kanya.

"Kaya nga"
Dugtong naman ni Albert.

"Kaya nga thank you"
Napabuga nalang ako ng hangin.

Kung ayaw nyang mag share,sige lang choice Nya yun.
.
.
.
.
.
.
"Hoy kumain ka"
Sita ko Kay Jerome na tinititigan lang ako.

As usual nandito kami sa office nya.

"Ayoko,"
Simpleng sagot nya.

"kakagaling mo lang sa sakit kaya dapat kumain ka"
Dada ko sa kanya.

"Wala akong malasahan."
Nakabusangot nyang sabi.

"Normal lang yan pero dapat tiisin mo,gusto mo ba mag kasakit ka ulit huh?kasi ako ayoko ang hirap mo kayang alagaan, kung ano anong ginagawa at nasasabi mo"
Sabi ko na may dalang pag tatampo .

"Sige po,kakain na po baby ko slash nanay ko"
Inirapan ko lang sya feeling nya kasi nag bibiro ako.

"Ohh bakit ang suplada naman ng baby ko?kakain na nga ako ehhh"
Nakanguso nyang sabi sabay sumubo.

"Para kasing Biro lang sayo tong mga sinasabi ko ehh"
Tampo ko kuno.

"Sorry na baby ko,kakain napo ako "
Pa cute pa nyang sabi. sino ba naman ako para mag matigas diba.?

"Alam mo,Hindi siguro ako mag sasawang sabihing mahal kita"
It feels like may mainit na palad ang bigla nalang dumampi sa pisngi ko.

"May sakit kaba?"
Tanong nya na kina iwas tingin ko.
Hinawakan nya ang mag kabilang pisngi ko at pinaharap sa kanya.halos maduling ako ng nilapit nya ang mukha ko sa mukha nya.

"Namumula ang baby ko"
Parang gusto Kong matawa sa inaasta nya.daig pa nya ang bata.

"Babae parin ako"
Sabi ko sabay tapik sa kamay nya.

"Hahahahahahaha alam ko"
Tawa nya at niyakap ako.

Lihim nalang akong napangiti.

Pag katapos mag launch lumabas na ako sa office ni Jerome. Sumilip muna ako sa labas at siniguradong walang tao bago ako lumabas.

Ng malapit na ako sa Lacker area nagulat nalang ako ng bigla akong binangga ni Vivian.

"Sor----"
Tutulungan ko sana syang bumangon ng bigla syang tumayo at kinuha ang kamay ko tapos ay sadya nyang pinunit ang damit nya.

"Ahhh ouchhhh,tama na"
Napanganga nalang ako sa ginagawa nya,sinasadya nyang saktan ang sarili nya ngunit gusto nyang lumabas na ako ang nanakit sa kanya.pilit Kong hinihila ang kamay ko ngunit ang higpit ng hawak nya.

"Anong nangyayari dito?"
Sigaw ni Mrs.Havier na halos umusok na ang Ilong.

"What's happening?"
Nanlaki ang mata ko sa sunod na dumating.

"Ma'am si Salvador po ang nag simula. Nabangga ko po sya pero Hindi ko naman po sinasadya ehh pero nagalit parin sya hinila po nya Yung buhok at damit ko"
Nanlaki ang mata ko sa sobrang kasinungalingan nya.

The Perverted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon