chapter 53:My Rainbow

3.5K 84 49
                                    

Nicolly's POV

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko.

"Handa kana?"

Nakangiting tanong ni Jerome habang nakaibabaw sya sa akin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Gusto ko syang itulak ngunit wala akong lakas.

Ano ba ang dapat Kong gawin..dapat ko ba syang pigilan.?

Madiin akong pumikit ng mapansin Kong may hinuhugot sya.

Ilang beses akong huminga ng malalim.

Ito na ba..

Handa na ba talaga akong gawin to..?

Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang puso ko ngunit hindi ko talaga kaya.

Ilang sigundo na akong nakapikit..bakit parang ang tagal naman ata nya.

Dinilat ko ang kaliwang mata ko at nakita Kong Kunot nuo syang nakatingin sa akin.

Pinag takahan ko naman yon.

"Bat ka nakapikit?"

Tanong nya...natahimik nalang akong bigla..

"Ayaw mo bang mapanuod?"

Sabay inangat at pinakita sa akin ang cellphone nya..

Nahihiya ako sa sarili ko.

Dahil ang assuming ko.

"Ahhh ehhh"

Nahihiya Kong sabi dahil sa hiya..ngunit parang hindi naman nya yun napansin.

"Sige hindi nalang"

Aalis na sana sya kaya nag madali akong bumangon at hinila ang kamay nya.

"Sige na"

Sabi ko habang derektang nakatingin sa mga mata nya.

Nakangiti syang lumapit at binigay ang cellphone nya.

"Watch it"

Tukoy nya sa video.

Ngayon ay nakaupo na kami habang ako  na ang may hawak ng cellphone nya.

Pinindot ko ang play button at wala ni isang salita ang gustong kumawala sa labi ko.

"Hi ate"

Nakangiting bati ng nasa pinapanuod ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili Kong umiyak dahil sa Saya.

I missed this kid so much..at matagal ko yung tiniis.

Pero dahil sa pinapanuod ko parang  gusto ko ng pumunta kung nasan man sya ngayon at yakapin sya ng sobrang higpit.

"Ate I  missed you na,alam ko ate ok ka lang diyan dahil Hindi ka naman pababayaan ni Kuya Jerome ehh,alam ko lablab ka nyan ehhh"

Bahagya akong napangiti sa huling sinabi nya..at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin sa akin si Jerome.

"Ate hindi po ako galit sa inyo dahil binigay nyo ako Kay nanay,Naiintindihan ko rin naman po..sana ate mag kita na tayo kasi missed na missed na kita"

Natapos na ang video kaya inulit ko parin yun.

Ilang beses ko ng pinanuod at patuloy parin sa pag hagos ang luha sa mga mata ko.

Hanggat maaari ay pinipigilan ko ang maiyak dahil sa ayaw Kong makita ako ni Jerome sa ganitong kalagayan...

Siguro ay nag mumukha na akong gorang at mahina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Perverted HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon