Albert's POV
"Diba uuwi kana?"
Tanong ko Kay Chelsie na nakatayo sa gilid ko habang ako naman ay nakabusangot habang kumakain.
"Naisip ko lang sir na dapat hinatyin ko muna kayo para pormal akong makapag paalam sa inyo"
Naiirita ako sa tono ng pananalita nya.
Para kasing ang tanda tanda ko kung kausapin nya..may po/ho na nga may sir pa..tsk..
"Bat kaba aalis?"
Tanong ko at tumigil muna sa pag subo.
"May sakit ang nanay ko sir Kaya mag re resign nalang ho ako..at isa pa mukhang ayaw nyo din naman po ng may kasama dito"
Napalingon akong bigla sa kanya dahil sa sinabi nya.
Nag papa konsensya ba sya dahil Hindi ko sya natrato ng maayos?
"May sakit lang naman ang nanay mo diba, mas kailangan mo ng pera ngayon Kaya bat ka mag reresign?papayagan naman kitang dalawin sya kung gusto mo"
Gusto Kong matawa sa mga pinag sasabi ko ngayon dahil nag mumukha akong desperado na hindi sya paalisin.
"Salamat nalang sir pero hindi na ho...sa katunayan ho kasi ikakasal narin ako"
Gulat akong napalingon sa kanya.
"Ika-kasal kana?"
Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
Bakit parang pakiramdam ko na cheat ako..
"Bakit dimo sinabing ikakasal kana"
Kalmado Kong tanong at umupo na.
Diko namalayang nakatayo NA pala ako...
Napapansin ko kanina pa ako weird...
Sh*t naman ohh..
"Di naman ho kasi kailangan yun sa trabaho ko"
Gusto ko syang sigawan sa diko malamang dahilan.
naiinis ako at Ewan ko kung bakit.
"Sige,ingat nalang sa byahe"
Simpleng sabi ko na nakatuon lang sa kinakain ko.
"Sige ho sir"
Sabi nya at umalis na sa tabi ko..
Napatingin nalang ako sa likod nya.
Bakit parang may Mali..
Bakit nararamdaman Kong may mawawala pag nawala sya.
Siguro dahil nasanay lang Ako sa presensya nya.
Pero hindi ehh..
Dahil Hindi lang sya ang naging housekeeper ko dito .
At sa lahat nila...
Sa kanya lang ako naging concern.. At sa kanya ko lang din naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ito.
Bakit parang nakakalungkot na ikakasal na sya.??
Bakit??
Nicolly's POV
Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko..
Si Jerome ba na matagal ko ng nakakasama.
Or si Dave na minsan lang ngunit tinulungan ako nung mga panahong nasasaktan ako.
Gusto kong malaman ang totoo..pero alam kong wala din naman akong makukuhang sagot kung mag tatanong ako Kay Jerome.
Mas mabuti siguro kung ako nalang ang mag hanap ng paraan para malaman ang buong katotohanan.
BINABASA MO ANG
The Perverted Husband
RomancePrincess Nicolly Salvador..isang babaeng wala ng mahihiling sa buhay kundi ang maging Malaya lang..bagay na Hindi nya makamtan kamtan.wala syang pag nanais sa mga luho ngunit syang meron naman sya.siya ang babaeng pinapahalagahan at pinoprotektahan...