Nicolly's POV
"Ms. Salvador?"
May nauulinigan akong tumatawag sa pangalan ko ngunit wala akong time sa kanya,natutulog yung tao dito ehhh..iniistorbo nya."MS.SALVADOR!!!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang sumigaw.linibot ko ang tingin ko sa buong paligid at halos gusto ko ng mag tago sa ilalim ng chair ko dahil nasa aking lahat ang tingin nila.habang ang prof namin ay halos umusok na ang Ilong."Sinong may sabing pwedi kang matulog sa klase ko?lalo pat ang aga aga pa?"
Taas kilay nitong sabi."Sorry po Mrs.prof"
Hinging tawad ko tapos ay umalis na sya sa harap ko at bumalik na sa pag lelecture.⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
"Oh yan kape,ng magising ka naman"
Iritang sabi ni Liza sabay lapag ng isang baso ng kapeng barako sa harap ko."Di ako umiinom nyan"
Sabay hamalumbaba ako."Bat kaba kasi laging puyat huh?"
Tanong naman sa akin ni Albert.Umiling iling lang ako dahil tamad akong mag salita.
"Mag absent kanalang muna kaya?"
Nag aalalang tanong ni Albert at tumango naman si Liza.Naghikab muna ako bago sumagot.
"Hindi,baka mahuli lang ako sa lecture""Ehh wala ka namang nakukuha sa lecture ehh..kasi Panay tulog mo"
Paninermon ni Liza.. Konting tiis lang naman na to.bukas lalabas na ng hospital si Jeyar kaya diko na sya kailangan bantayan pa.."Basta mag aaral ako mamaya"
Pag mamatigas ko kaya wala na silang nagawa.Jerome's POV
"Sir may dilevery po,unknown sender"
Sabi ng bago Kong assistant na si Ben.lalaki na ang kinuha ko..mahirap na,ayoko sa malandi baka diko matiis,,..masapak ko pa.Kunot nuo Kong binuksan yung box at agad na nangilabot ng makita ang laman nito.
Isang wedding gown na nababalutan ng dugo.tapos ay umaalingasaw na Amoy ng patay na daga.Hindi lang isa kundi maraming patay na daga.
Tiniis ko ang Amoy at pinilit kunin ang maliit na card na nakapatong duon.
Makuyom ko agad ang aking kamao ng mabasa ang nakasulat.
"You stole what supposed to be mine"
"Sh*t"
Sambit ko nalang.kung tama man ang iniisip ko sa taong pweding gumawa nito.pwes Mali sya ng taong kinakalaban.kailan man wala akong kinuha sa kanya.nuon pa man akin na kung ano man ang sinasabi nyang ninakaw ko."San po kayo pupunta sir?"
Tanong sa akin ni Ben."Ipatapun mo yang kahon nayan"
Walang lingon lingon Kong sabi⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
Panay ang pag iisip ko sa nangyari kanina.
At sa pag kakaalam koy isang tao lang ang gagawa non.Ngunit matagal na syang patay.nakita mismo ng dalawang mata ko kung pano sya namatay kaya imposible.
Pero kung di sa kanya?kanino.?kanino galing ang bagay na yun.
Napabuga nalang ako ng hangin dahil pakiramdam ko'y sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Malapit na ring mag alas 7 kaya malapit na ang time nila Nicolly..Agad akong nabuhayan ng dugo ng makita ang papalabas ng mga estudyante.at ng makita ko na ang aking asawa ay agad Kong napuna ang pagiging tamlay nito.
Hhaayyy kulang kasi sa tulog,halos wala na kasing inatupag kundi mag bantay ng hospital.."Ang tamlay tamlay mo na"
Seryoso Kong sabi na tanging tango lang ang sagot nya.napabuntong hininga nalang ako.
Buti nalang ngayon na namin iuuwi ng bahay si Jeyar.dahil kung hindi, tiyak na mag papatuloy pa tong pagiging matamlay nya.Pinaharurot ko na ang kotse papuntang hospital.. Diko na muna sya kukulitin o kahit ano man.para naman di na sya mapagod pa ng husto.
⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
Pag dating namin sa hospital, as usual. Masaya naman syang binati ni Jeyar."Malaki ba yong bahay nyo ate Nicolly?
Nakangiting tanong ni Jeyar Kay Nicolly. Mag kahawak kamay sila ngayon habang nag lalakad sa corridor ng hospital. Ako naman pinanununod lang sila habang dala dala ang gamit ni Jeyar..at sa totoo lang. Madami dami din to." mmhhh..sakto lang"
Sagot naman ni Jeyar."Kami kasi maliit lang"
Pansin ko ang bahagyang pag kahinto ni Nicolly sa pag lalakad.maski ako man ay napahinto."Natatandaan mo na kung saan ka nakatira?".
Nanlalaking mata ni Nicolly at si Jeyar namay umiiwas na ng tingin." alam ko na maliit ang bahay namin,pero diko alam kung saan yun "
Umiiwas tingin nitong sabi.Nag walang bahala nalang si Nicolly kaya hinayaan ko na.ngunit diko iaalis ang duda sa aking isipan dahil halata namang nag sisinungaling lang sya.Oo sa tingin ko'y 6 na taong gulang palang sya.ngunit nararapat din namang mag ingat lalo pat nag sisinungaling sya.
⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚
Nicolly's POV
Pag dating namin sa bahay agad Kong dinala si Jeyar sa kwarto nyang hinanda na namin.
At Hindi ko parin maaalis alis sa sistema ko ang nangyari kanina.ngunit Hindi naman pweding pigain namin sya ni Jerome dahil bata lang sya.dadahan dahanin ko nalang ang pag tatanong.
"Ito ang kwarto ko ate Nicolly?"
Mangha nyang tanong .ngumiti ako sabay tango."Ang laki laki naman.tas ang lambot pa ng kama"
Masaya nyang sabi na may palundag lundag pa sa malambot na kama."Jeyar?"
Tawag ko na nakapagpatigil sa kanya."Upu ka muna dito sandali"
UTOs ko sabay tap sa gilid ng kama at sinunod naman na nya ako."Jeyar.Hindi mo ba talaga natatandaan kung saan ka nakatira?"
Seryoso Kong tanong na nakapag payuko sa kanya."Jeyar,Hindi masamang mag sabi ng totoo.walang mawawala sayo,"
Marahan Kong sabi para Hindi ko sya matakot."Ate Nicolly, ayaw nila sa akin don.lagi akong sinasaktan ng tatay tatayan ko,lagi nya akong sinasabihang palamunin lang daw nya ako.ate ayoko na don."
Nakikiusap nyang sabi,pinag masdan ko sya ng mabuti sa mata at bakas na bakas mo ang takot duon."OK,OK.dito ka lang,di kita iuuwi"
Sabi ko at niyakap sya.Haayy..dikoaintindihan kung bakit may mga taong naaatim manakit ng batang tulad nya,ehh kahit naman na siguro pag sabihan mo lang to ehh bibigay na agad ,kung ako lang sana ang naging nanay nya..
"Kinausap ko si Jeyar.at sinabi nya sa akin ang totoo."
Pambungad ko Kay Jerome na nakasandal sa backboard ng kama habang may kinukulukat sa Cp nya."Na alam naman nya kung saan sya nakatira?"
Sabi nyang di man lang ako linilingon."Sinasaktan sya ng step father nya kaya ayaw nyang umuwi don, baka kung ibalik natin sya ehh saktan din naman ulit sya "
Mahaba Kong litanya sabay upo sa gilid ng kama."Pano ka nakakasigurong totoo yung sinasabi nya?"
Gusto ko syang sapakin sa mga oras nato.dahil pinapakita talaga nya kung gano sya katigas.kung gano katigas ang puso nya."Bata lang sya Jerome.Simula palang nabuko na natin sya kaya wala na syang dahilan pa para mag sinungaling."
Mukhang natauhan sya sa sinabi ko dahil sa biglaang pag katahimik nya."Jan ka na nga,ang labu mo,"
Irita Kong sabi at tumayo na para pumunta ng banyo.Nakaka stress ang araw nato. Dumadagdag pa tong si Jerome nato...hhuurggghh ..
A/N:plss vote😘
To be continued..........
BINABASA MO ANG
The Perverted Husband
RomancePrincess Nicolly Salvador..isang babaeng wala ng mahihiling sa buhay kundi ang maging Malaya lang..bagay na Hindi nya makamtan kamtan.wala syang pag nanais sa mga luho ngunit syang meron naman sya.siya ang babaeng pinapahalagahan at pinoprotektahan...