C H A P T E R 1

1.9K 59 7
                                    


Looking at my phone from time to time has been my hobby. Itanggi ko man o hindi, I'm really waiting for Edison to text me. Wala kasi siyang Facebook at Messenger kaya sa text niya lang ako naghihintay. I know it's quite weird. Lahat ng mga tao ngayon ay may social media accounts na, si Edison na lang yata ang wala. Ano kayang akala niya sa sarili niya, cave man?

Well, guwapong cave man.

Pati 'yong phone niya, maka-luma rin. Nokia 3310? The blue one with the noisy keypad? Iyon ang phone niya. Gusto ko siyang tanungin kung bakit iyon pa rin ang ginagamit niya pero takot ako. Si Edison kasi iyong tipo na kapag tinanong mo, it's either tititigan ka lang or pagsasalitaan ka ng ikakaliit ng pagkatao mo.

"My gosh!" Bigla kong isinangga ang payong sa harap ng frying pan na may nagsitalsikan na kumukulong olive oils kung saan pini-prito ko ang dalawang goldfish.

Nawala kasi ako sa focus dahil sa kakatitig ko sa screen ng phone ko na nasa tabi lang ng sink ko. Nasa kitchen ako ng condo unit na ibinigay sa akin ng Mommy ko bago siya pumanaw years ago. The kitchen still look decent and classy. Pinapa-maintainance ko rin kasi ito isang beses sa isang month.

"Fishy, are you cooked already?" Sumilip ako sa frying pan. Dahil sa sa ingay ng pagkakulo, hindi ko namalayan na may nag-door bell na pala sa pinto ng unit ko. At habang inaayos ko nga iyong pag-flip ko ng mga fish sa frying pan, nagulat na lang ako nang biglang may lumapat sa likod ko na parang tao.

Paglingon ko, kamuntikan nang matanggal ang mga contact lenses ko nang makita ko si Edison. Nautal ako nang makita siyang naka-gray shirt at naka-sweat pants lang at tipong naka-akap lang sa likod ko. Maya-maya pa, hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng sandok.

Dahil nanghina ako, hindi ko namalayan na naibaba ko na pala iyong umbrella ko sa left hand ko. Edison guided my right hand on flipping the fishes. Nakatanaw lang siya sa frying pan habang ako ay nakatagilid ang leeg at nakatitg lang sa kanyang mukhang nasa tabi lang ng mukha ko.

He's face is emotionless pero maya-maya pa ay sumibol ang ngiti roon nang magsalita siya. "Focus your eyes on the frying pan, hindi ako ang pini-prito mo."

Kumurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Uminit ang pisngi ko at bago niya pa mahalata iyon ay umalis na ako sa posisyong iyon na parang nakayakap siya sa akin.

Dali-dali kong pinulot ang payong ko, umikot ako sa likod niya at nagpunta sa gilid. "Ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit ka ba basta-bastang pumapasok sa condo unit ko? Do you know that it's a form of trespassing?" Halos hikain ako nang sabihin ko iyon sa kanya. Tumawa lang siya habang umiling-iling.

"Mag-bra ka muna. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko," turan niya. Napatingin ako sa white shirt ko, manipis ang tela niyon kaya medyo kita iyong harapan ko. "Nakakainis ka, ang manyak mo!" sigaw ko sa kanya at pumunta na ako sa room ko at iniwan siya roon. I heared him chuckle noong nasa kuwarto na ako. Hindi rin naman kasi ganoon ka kalaki ang condo unit ko kaya kung may ingay sa kahit saang sulok, dinig ko agad.

"You're phone!" anas ni Edison habang nagsusuot ako ng bra ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw niya. Mabilis kong isinuot pabalik ang shirt ko at tumakbo na papunta sa kanya. My heart was racing so fast habang tumatakbo ako. Siya lang naman kasi ang wallpaper ng phone ko! Nainggit kasi ako kay Fear kasi si Heaven 'yong wallpaper ng phone niya, so ang ginawa ko, stolen shot ni Edison ang napag-tripan ko. Cropped picture pa iyon at may gilid pa ng uhuging tainga ni Niko sa ang nasali sa pag-crop. Nasa basketball gym sila ng mga time na iyon nang pinakuha ko 'yong stolen shot kay Xynick James Abbot na photographer at writer ng school publication namin.

"What the!" Napamura ako nang ipinakita niya sa akin ang phone ko. Tapos na siyang mag-prito at kumakain na rin siya habang naka-kamay lang. Kahit pulang-pula na ang pisngi ko, lumapit pa rin ako sa kanya at binawi ang phone ko.

"Bakit ka ba nandito?" Naitanong ko na ito kanina pero inulit ko pa rin. Tinignan niya ang harapan ko habang ngumunguya siya ng kanin. He's checking if naka-bra na ako. Paiyak na ako!

"Eat first." Lumapit siya sa akin at nang makarating siya sa harap ko ay nag-amba siyang subuan ako. Dahil ayaw ko namang mag-aksaya ng kanin at dahil gutom na rin naman ako, sinubo ko na iyong mga daliri niyang may kuyom-kuyom na kain ang fried fish.

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba pero he's trying to tighten the food between his fingers. Kaya ang nangyari, mas nalasahan ko ang mga daliri niya kaysa sa kanin at isda. Nag-init ang dibdib ko sa ginagawa ko. Edison, a part of his body is inside my mouth. Gosh! He's freaking my soul out.

Nang manguya ko na ng tuluyan ang kanin at ulam ay tumalikod na ako sa kanya at nagsandok na rin ng sarili kong dinner at ulam. Narinig ko siyang tumawa at maya-maya pa, habang kumakain ako ay sa wakas sinagot niya na ang tanong ko. "It's friday night and I know you're frying a fish for your dinner kaya pumunta ako rito pata tulungan kang mag-prito."

Nilingon ko siya at nirolyohan ng mga mata. Ngumisi siya at naghugas na ng pinggan. "Iniinsulto mo ba ako?" anas ko nang sa wakas ay natapos na rin ako sa pagkain. Kinuha niya iyong plato ko at hinugasan sa sink.

"Gusto ko lang na makapiling ka ngayong gabi," turan niya, nakangiti. Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Walong salita lang iyon pero nang dahil sa sinabi niyang iyon, lumayas ulit ang inis ko sa kanya.

Hindi na ako naka-alma pa. We ended watching a Netflix movie sa may sala kung saan medyo dim na ang ilaw. Naka-dekuwatro ang medyo balbon at mahaba niyang mga paa habang ang kanang braso niya naman ay nakadantay sa leanback ng sofa, almost touching my shoulder blades.

Kinibot-kibot ko ang katawan ko para mapalapit sa kanya. At noong napansin niya ang desperation kong dumampi man lang ang ulo ko sa balikat niya at bigla niya akong hinila sabay dantay ng bangs ko sa dibdib niya.

"Matulog ka na, alam kong inaantok ka na," marahang agap niya. Sinapak ko siya sa abdomen niya na naging dahilan nang pagbalikwas niya. Hinarap ko siya nang medyo magulo na ang buhok ko dahil sa ginawa niya. "Sa tingin mo makakatulog ako kung ipapa-dede mo ako sa dibdib mo!?" inis na inis na tili ko.

I admit na gustong-gusto ko si Edison pero may mga moments talaga na gusto ko siyang bugbugin dahil sa mga pinagggawa niya sa akin! Kainis!

"Dede? Ano 'yon?" tanong niya. Napatingin siya dibdib ko. Sinapak ko ulit siya. Bwesit.

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon