Siguro kung may isang lalaking hindi ko na kayang harapin bukas ay iyon na siguro si Edison. Kotang-kota na ako sa kanya. This day, hindi lang ako nagmukhang tanga sa harapan niya. Nagmukha pa akong desperada.Pareho kaming nasa loob ng comfort room. Estimatedly, the size of this area is just two meters by two meters. May maliit na window pane sa ibabaw ng shower ngunit hindi iyon sapat para pumasok ang maraming hangin. Mainit sa pakiramdam na nandito kami sa loob ng isang masikip na espasyo. Sa katunayan ay nakakaramdam na nga ako ng pagpapawis ng kili-kili ko. Mainit dito pero tila mas naging mas mainit pa ito dahil kasama ko si Edison sa pagkakakulong dito. Mabuti na nga lang talaga at maliwanag ang ilaw dito. Siguro ay kung nag-brown out ay mahihibang na ako.
"AY!" Napasigaw ako nang biglang namatay ang ilaw. What the! Kakasabi ko pa lang sa isipan ko na sana ay hindi mag-black out pero nangyari pa rin. Kainis.
Dahil ayaw kong magsayang ng energy, nanahimik na lang ako. Maliwanag pa rin naman kasi dahil tumatagos naman sa window pane ang liwanag ng buwan.
"Gosh!" Gamit ang mga kamay ko ay ipanaypay ko ito sa leeg kong nanlalagkit na. May kaonting naidulot naman ang ginawa ko pero hindi pa rin iyon naging sapat para mawala iyong alab na nararamdaman ko.
Pinakiramdaman ko si Edison na nasa likod ko. May salamin sa harap ko kaya kita ko siya roon. Nakasandal lang siya sa dingding, pinapaliguan ng liwanag ng buwan ang ilang parte ng katawan, naka-cross arms at tila inaantok na. Wala pa rin siyang damit pang-itaas. Kanina ay sinabi ko sa kanya na okay lang na ma-trap ako rito kasama siya. Nagulat siya ng kaonti ngunit nang hindi maglalon ay parang tinangay na lang ng ala-ala iyong sinabi ko sa kanya, like how the waves on the sea would try to elemenate some castaway on the shore.
Pinagmasdan ko lang siya sa ganoong puwesto niya, iyong parang inaantok na. Sa palagay ko ay mas mainam na ang ganitong sitwasyon na tahimik lang siya, kaysa naman tanungin niya ako ng tanungin patungkol doon sa sinabi ko sa kanya kanina.
"May nakalimutan ako."
"Ay bilat!" Napalundag ako sa kaba nang biglang magsalita si Edison. Tinititigan ko siyang medyo naiidlip na noong bigla siyang nagsalita kaya totoong napalundag talaga ako. Nakatakip din ang mga kamay ko sa bibig ko habang dilat na dilat ang mga mata ko. I was like a criminal caught stealing precious jewelry from a pawnshop.
Tinitigan ako ni Edison. Nilapitan niya ako ng kaonti, tipong isang doktor na may sinusuri. Kumunot ang pulidong kilay niya. Bumuka ng kaonti ang napakaguwapong bibig niya. Sa ginawa niya ay mas lalo kong nakita ang pagka-depina ng estruktura ng mukha niya. He's pretty damn a hot.
"Are you okay?" Iyon lang ang tanong niya. I was starstrucked on his question. Akala ko kasi ay kung ano na ang itatatanong niya. Mabuti na lang pala at iyon lang.
Ngumiti ako. "Uh, wala. Nagulat lang ako. Bigla ka kasing nagising."
Inilayo niya na ang sarili niya sa akin. Panandalian siyang tumitig sa sahig. Tila may iniisip na malalim.
"Ano nga pala 'yong nakalimutan mo?" tanong ko. Nainis ako sa sarili ko dahil masyadong mahinhin ang pagkakasabi ko niyon. I know right. I always sound bitchy pero ngayon ay para akong asong nabahag ang buntot.
Mahirap titigan si Edison. Kahit saan kasi siya anggulong tignan ay pagpapawisan ka pa rin. Ayaw ko rin namang yumuko o umiwas ng titig sa kanya. I will just look like very obvious, pero obvious naman talaga ako 'di ba? Marami na nga akong nasabi sa kanya.
"Uh, I will just ask you on what are the characteristics you like about me."
"Ha?" Bumagsak ang aking baba. Kahit kailan talaga ay palagi siyang nanggugulat. I did not expect him that question. Akala ko ay ang nakalimutan niyang sabihin ay ang patungkol sa paglabas namin dito. Hindi pala.
Kumalat ang mapupulang tinta sa aking pisngi, like how an innocent student would spill some ink on his uniform. Dahan-dahan ang pagkalat niyon. Nagdasal ako agad na hindi iyon makita ni Edison.
"Ang sabi mo kasi ay gusto mong ligawan kita. You know that I like you first, and as what I've said, I like you because I am seing potentials in you. Mas matalino ka kaysa sa ibang babae. You have those skills that some random girls don't posses."
Naramdaman ko ang paghaba ng aking buhok ng ilang pulgada. Lumipad din ang mga natutulog na paruo-paro sa aking tiyan. Kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko ay baka natumba na rin ako. Naramdaman ko kasi ang paghina ng mga binti ko.
"Well," Inayos ko ang nagkalat na buhok sa noo ko. Because of my sweat ay naging magulo na iyong bangs ko. Inayos ko pababa ang ibang buhok at ang iba naman ay inilagay ko sa gilid ng tainga ko.
"Bukod sa ang hot mo, matalino ka rin. Siguradong hindi ako gugutumin sa'yo at pati ang mga anak natin." Diretso ang pagkakasabi ko niyon sa kanya. Confident ako kasi totoo naman kasi ang sinabi ko. May kulang pa nga eh. Sobrang yaman niya at mabuti rin siyang tao. He acquired his wealth at the very young age at hanga rin ako sa kanya roon. May charity din siya sa mga batang walang pamilya.
Tumawa siya at kahit nakayuko siya noong ginawa niya iyon ay nakita ko pa rin ang paggalaw ng adams apple niya. I admit that that was just so sexy of him. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Baka maging illogical kasi ulit ako. Kotang-kota na kaya ako sa kanya.
"That's good. Gusto natin ang isa't-isa," he said after he recovered from his short momentum of bliss.
"Pero," may dinagdag siya. "It doesn't mean na gusto natin 'yung isa't-isa e tayo na agad. Gusto natin ang isa't-isa dahil nakikita natin iyong mga positibong bagay. Still, hindi pa natin gaano kakilala ang isa't-isa. You see goodness in me right now kasi may pinapakita akong maganda, at ganu'n ka rin sa akin. But how about our different sides? Baka mamaya, iyon pa ang maging dahilan pata kamuhian natin ang isa't-isa." He said it politely, may ngiti pa nga sa mukha niya, pero kahit ganoon ay kinabahan pa rin ako sa sinabi niya. It sounded like a threat to me pero may kung anong puwersang nagpapalaho sa negatibong pakiramdam na iyon. I want to back out but by just merely looking at Edison's eyes, running away will never become an option.
"Kaya sige, let's try. Liligawan kita. That's if it's okay it with you."
"Walang problema," turan ko. Ngumiti lamang siya at dahil sa ginawa niyang iyon ay sumingkit ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam kung ano 'tong pinasok ko pero natural na't nandito na, itotodo ko na. I've spent my whole life on studying, on leading school organizations, puwede naman sigurong lumandi kahit minsan.
* * *
BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...