C H A P T E R 16

824 21 5
                                    


"For you, what is a precious moment?" tanong ko sa kanya habang nasa waiting shed kami at naghihintay ng masasakyan. Wala kaming dala-dalang sasakyan kaya magko-commute kaming dalawa ni Edison patungong Deterdiente Barista. This is very much new for us two. Hindi kami sumasakay ng mga public vehicles dahil may mga private kaming sasakyan. Bukod sa malayo na masyado ang natakbo namin para bumalik pa kami sa bahay niya, gusto rin namin masubukang sumakay ng jeep. For sure kapag nagbakasyon na kami, magko-commute talaga kami. We need to try this now. Nang hindi naman kami magmukhang ulol pagdating namin roon sa mga lugar na hindi na abot ng taxi.

"Every moment is precious," ika niya. Napangiti ako sa sagot niya. Nasa mainit na kalsadang nasa harap namin ang mga titig niya at medyo naniningkit din ang mga mata niya sa kadahilanang masyadong malakas ang sinag ng araw. Tanghaling tapat na rin kasi.

Pareho kaming nakaupo dito at halos magsasampung minuto na rin kaming namamalagi dito. Hindi rin namin alam kung tama na maghintay kami rito o ba kami dapat ang maghanap ng masasakyan. Thought, Edison is right. Every moment is precious. Kahit pa gaano kasakit o kapait ang nararamdaman mo sa sandaling ito, this moment still precious. Sa bawat segundong na-e-extend sa buhay natin, sobrang malaking bahay na iyon. Daan-daang tao ang namatay bawat segundo. At eto ikaw, buhay na buhay pa.

At isa pa, ganoon naman talaga e. There's no such day in a year or seconds in the 24 hours na hindi tayo masasaktan. It's inevitable. Like the time itself. Kahit anong gawin nating pagpigil ng paghinga ay tatakbo at tatakbo pa rin ang oras.

The good news is feeling those weird emotions is just normal. Natural lang na makaramdam ka ng embarrassment, sorrow, pain pati na qng iba pang nakaka-intimidate na pakiramdam. It's a part of being a human who's capable of feeling this kind of emotions. At iyong "pain", it's not the prerequisite of happiness. It's a part of it. So kung hindi ka nakakaramdam ng sakit, ano 'yun? Lumot ka ganun?

Walang umaalis sa mundong ito nang hindi nagkakasugat.

"Why?" natatawang tanong ni Edison nang makita niya akong nagtatakip ng bibig at nagpipigil ng pagtawa. Umiling-iling ako pero natatawa pa rin.

"Come on, tell me," paki-usap niya.

"Wala ka bang napapansin?" tanong ko sa kanya. Sumulyap siya akin, mula ulo hanggang paa at pagkatapos niya akong suriin ay doon lang siya natawa.

"No way," turan niya. Nag-umpisa na siyang matawa na sinundan ko.

"Ngayon ko rin lang napansin. Nakakahiya ka right?" sabi ko ulit at tumawa pa kami ng mas malakas.

"But it's alright. I think it's cool."

"You think so?" tanong ko and then we bursted in laughing again. Pagdating ng jeep ay tinitigan kami ng mga pasahero roon. Sa nangyari ay nakayuko lang kami ni Edison the whole ride. Tawang-tawa kami ulit noong bumaba kami.

"Sorry, kasalanan ko 'to na magkapareho tayo ng shirt. Hindi kasi ako namili ng maayos mula sa mga damit mo. Sorry," I told him. Babad kami sa araw. Nasa gilid kami ng kalsada at hindi pa tuluyang nakakapasok sa Deterdiente Barista. Mausok at maingay pero hindi namin iyon alintana.

Nang mapansin niyang nainitan ako ay ipinatong niya sa ulo ko ang malapad niyang mga kamay.

"I should be the one who must apologize. Pasensya na kung pare-pareho lang 'yung design ng mga damit ko sa closet ko. So ano pang magagawa natin 'di ba?" Tumawa siya. "Let's go."

Humalukipkip ako at sumunod na sa kanya. Hawak-hawak niya ako sa braso ko at binitawan niya lang ako nang makahanap na kami ng puwesto sa loob. Iyong malapit sa glass wall. Bago pa kami makapagbukas ng panibagong mapaguusapan ay may dumating ng waiter. Agad naman kaming um-order ng lunch.

Nginitian niya ako. Ganoon din ako sa kanya. Magkaharap kami. Nagtawanan kami ulit.

"Huwag mo na akong tignan please," paki-usap ko sa kanya. Ibinaling ko ang aking tingin sa glass wall kung saan kita ko ang malawak na padestrian lane sa labas kung saan may matandang babae ang tumatawid.

"Hey, look at me Fate." I heared him chuckled.

"Ayoko sabi e," nahihiya kong sabi at dahil alam kong nakatitig pa rin siya sa akin ay itinakip ko na 'yung kamay ko sa gilid ng mata ko.

"Don't hide your blushing cheeks Fate, I can still see it."

Pakshet talaga. Nakalimutan kong kita rin pala niya ang reflection ko sa glasswall kaya humarap na ako sa kanya.

"Okay, I gave up. Kinikilig ako sa'yo," pag-amin ko. I felt so brave when I said that it pero para saan pa ang pagdede-deny kung mamamatay din lang naman tayong lahat sa mundo ng ito right? Better say what you feel kesa mahuli pa ang lahat.

After I said that, siya naman iyong hindi makatitig sa akin. Yumuko siya, nagkagat ng ibabang labi at tinatago sa akin ang kanyang pangngiti.

"I'm not prepared on what you've said Fate. Masyado kang vocal," said he. Tumatawa. Namumula. Pinagpapawisan.

"Lumapit ka nga sa akin," mataray kong sabi sa kanya. Mabilis na nawala ang ngiti niya. Para siyang batang maliit na biglang nagulat. Kahit na-cute-tan ako sa kanya ay pinigilan ko pa ring pagkahumaling ko sa naging reaksyon niya.

"Closer," utos ko.

Ngumuso siya at ginawa niya naman ang sinabi ko. Bago pa siya makapagsalita ay gumalaw na ako. Gamit ang aking kanang kamay ay pinunasan ko ang pawis ni Edison sa noo niya. Kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya ay naramdaman ko ang pagkagulat niya. There was wild silence after that. Ni ako ay hindi rin makapagsalita.

Nang matapos ako sa ginawa ko sa kanya ay tumitig siya sa akin. Dumating na rin iyong in-order namin pero hindi niyon naputol ang pagtitinginan namin.

Pinakinggan ko ang puso ko. It was beating loudly. "Malakas ang tibok ng puso ko kapag tinititigan mo ako ng ganito," I told him.

Nakita ko bigla ang pamumula ng tainga niya.

"I hope how I express my self doesn't offend you. Ayun kasi sa mga classic novels na nabasa ko, kapag daw sinabi ng babae ang kung ano man ang nararamdaman niya sa isang lalaki, the guy will tend to feel offended, and worse, might walk away. Pero sige lang," tumingin ako sa pagkain, "Kung ayaw mo na sa akin, puwede ka ng umalis. Gusto ko pa kasing kumain." In-extend ko ang aking braso para ituro sa kanya ang labasan. Sinundan niya ito ng tanaw.

Pagbalik ng tingin ni Edison sa akin ay nagsalita siya, "Lumapit ka sa akin."

Kanina lang ay linya ko iyon. Nagkaroon ng paru-paro sa aking tiyan dahil sa sinabi niya. His words that are my words previously are now in his mouth.

Nabigla ako ngunit kahit ganoon ay sinunod ko pa rin ang utos niya.

"Closer." Mababa ang boses niya. Lalaking-lalaki.

"Oh!" Biglang dumilat ang aking mata nang bigla akong hinalikan ni Edison sa aking mga labi. It was a very fast smack ngunit parang tumigil ang aking mundo sa pagkakataong nangyari iyon. I know it sounds illogical dahil kung tumigil man ang pag-ikot ng mundo, kahit isang segundo lang, ay magkakaroon ng malalakas ang bagyo, magkakaroon ng lindol, magkakanda biya-biyak ang mga continents at malulunod ang bawat tao dahil sa mga biglang tsunamis. Though that's exactly how I felt. My first kiss. It was out of this world. Para akong uminum ng napakatamis na peroxide.

"Whatever you do or say, it will never change the fact that I see the potential in you Fate of becoming my wife," said he. Everytime that Edison is saying sweet and fuzzy things like this, he always sounds like he's negotiating a business proposal with me. Pero kahit ganoon, whatever he offers, I will make sure that I will always close the deal. All in. Akin na lang si Edison. Ayoko ng may kahati.

* * *

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon