"Gosh? Can I just disappear?" pabulong kong tanong sa sarili ko habang nakadapa ako sa aspalto at nakadungaw ang aking mukha sa imburnal. Tawang-tawa sa akin si Georgina. Si Edison ay ganoon din ang naging reaksyon nang makita ako sa ganoong posisyon. Malalim na ang gabi at ang makita niya ako sa ganitong oras ay tunay na nakakahiya.
"Hindi ko alam na mahilig ka palang dumapa sa aspalto para umamoy ng imburnal," pagbibiro Edison nang tinulungan niya akong makatayo. Napairap na lang ako kay Georgina nang makabalanse na ako. Ni hindi man lang ako tinulungan ng baklang 'to! Tili lang siya ng tili sa harap namin ni Edison.
Yumuko si Edison sa harap ko at pinagpagan ang tuhod ko. Mas lalo akong nahiya sa ginawa niya sa akin. Sa pagkakataong ito ay ninais ko na lang talagang sana ay nilamom na lang talaga ako ng imburnal kanina.
Pagkatayo niya ay kumuha siya ng itim panyo mula sa bulsa niya ay gamit iyon ay tinanggal niya ang iilang buhangin na dumampi sa labi ko. Tuloy, sa ginawa niya, naaalala ko ang sinabi niya sa akin pagkatapos niya akong halikan doon sa Deterdiente Barista. "I'm just talking care of this lips, I've kissed it, it's my responsibility now."
Napatingin ako sa labi ni Edison habang ginagawa niya iyon sa akin. Nakangiti siya habang pinupunasan ang labi ko. Halos maduling naman ako kakatitig sa kanya dahil sa sobrang lapit ng misteryosong mukha niya sa akin.
"Are you already fine?" tanong niya. Mabilis akong tumango sa kanya.
"Bakit ka nga pala napunta dito? Ang bilis mo naman yata? Kalahi mo ba si Pedro Penduko?" Eww! Ano ba 'yung tanong ko? Hindi ko na-imagine na matatanong ko ang tanong na iyon sa buong buhay ko! Nauulol na yata talaga ako!
"Well," tumitig siya sa gilid ko. "As what you've said on the phone, magwawalwal kayo ng kasama mo. . ." huminto siya at bumaling kay Georgina na nasa likod ko lang at wagas na wagas na nakangisi. Halos mangiysay na rin siya habang sinusundot ang tagiliran ko.
"Oo nga pala, nasabi ko nga pala iyon sa'yo sa phone kanina," napakamot ako sa buhok ko. Ang kati-kati!
"So, pa'no ba? Can I join on your walwal?" tanong ni Edison sa aming dalawa ni Georgina. Bago pa man ako makapagbigay ng sagot ko ay nauna nang tumili si Georgina. "Sure! Tara na! Go!"Dahil wala na rin naman akong magagawa, nagpaanod na lang ako sa kagagahan ni Georgina. Actually, idea ko naman talaga na magpunta rito, pero si Georgina kasi ang angas ng bibig, nadamay pa tuloy si Edison at mabilisan na napapunta rito.
"Edison, baka maging abala lang kami sa'yo. Okay lang ako rito," turan ko sa kanya noong napadpad na kami sa may counter.
"It's okay. I'm fine." Umupo na siya at um-order ng inumin.
Dahil sa kapandakan ko ay hindi ko abot 'yung nakapahabang upuan. Nang napansin ni Edison ang paghihirap ko ay nagmukha akong poon noong inangat niya ako para makaupo lang doon.
"Thanks!" awkward akong tumawa.
"You're so cute," aniya. Compliment iyon pero nainsulto ako.
May nagsasayawan na sa dancefloor. Walang DJ pero maraming sumabay sa naka-auto play tugtog. Locked Out in Heaven by Bruno Mars.
"Tsaka, I'm safe with Georgina. Bakla 'yun! Hindi rin naman niya ako aagawin mula sa'yo," sabi ko kay Edison matapos niya akong sabihang cute raw ako.
Natawa lang siya. "Hindi porket bakla si Georgina, e hindi ka niya kayang agawin sa akin. All if fair between love and war," aniya na ikinamula ko na mabuti na lang at hindi niya napansin dahil maya-maya pa ay dumating na iyong in-order niyang cocktail para sa akin at gin na para sa kanya. Hindi pa nga ako nakakainum ng alak ay parang nalasing na ako sa sinabi niya. Sexy are the words spoken by Edison. Gosh! Bakit ba ganyan siya? Nai-stress ang bangs ko, ano ba!
"Yes, I heard my name!" Lumapit na si Georgina sa amin mula sa panghaharot niya ng mga lalaki roon sa dancefloor. Padating niya ay agad siyang umakbay kay Edison.
"Fate is talking about you. She said na hindi mo naman daw siya aagawin mula sa akin. So she's safe with you," ani Edison. Nakangiti. May hawak-hawak na shotglass ng gin. Yumuko ako at uminum ng kaonti niyong cocktail. Kaonti lang iyong naimum ko noong una pero noong nasarapan ako ay napadami na. Ang sarap pala kasi.
"Ay hindi ko talaga siya aagawin sa'yo Fafa Edison kasi ikaw ang aagawin ko mula sa kanya." Tinangkang halikan ni Georgina si Edison pero natatawang umilag lang siya mula rito. Sa gulat ko naman mula sa mga binitawang mga salita ni Georgina ay naibuga ko bigla iyong kasalukuyan kong iniinum na cocktail sa isang lolang fashionista na sumasayaw sa gilid ko. Sa gulat niya dahil sa pagbuga ko ng inumin sa kanya ay naibuga niya rin ang kanyang postiso. Magso-sorry pa sana ako sa kanya pero hindi ko na nagawa nang lumabas na si Lola ng bar kakahabol sa tumatakbong postiso niya.
"I'm Georgina bro. Taga-Wilson din ako dati. Pero alam no na. Financial problem."
"That's cool," iyon lang ang sinabi ni Edison kay Georgina. Ganoon lang ka-ikli ang sinagot niya at hindi na rin siya nagpagkilala ng maayos. Dahil kating-kati na si Georginang sumayaw, hinila niya na kaming dalawa ni Edison mula sa kinauupuan namin. Kamuntikan pa akong masubsob sa sahig dahil ang taas ng inupuan ko.
"Sige na, sayaw na tayo guys!" pagpupumilit ni Georgina kay Edison habang ako ay parang papel lang na nagpapaanod sa hangin at walang karea-reaksyon.
"No, I can't really dance," natatawa at hiyang-hiyang sambit ni Edison pero wala rin naman siyang nagawa nang mapadpad na kaming tatlo sa gitna ng mga nagsasawang tao. Ang walang hiyang Georgina nanan ay parang tangang nag-breakdance sa gitna habang kitang-kita ang salawal niya. Pinalakpakan siya ng mga tao at noong humupa na ang energy niya ay mabilis siyang dumaing ng sakit. "Kinabag ako girl, diyan lang kayo. CR lang ako. Sayaw lang kayo. Enjoy lang ha?" bilin niya sa amin ni Edison at lumayas na siya habang hawak-hawak ang kumukulong tiyan niya.
"I really don't know how do dance, Fate," pag-amin niya. Natatawa siya habang ako naman ay pulang-pula. Kasing pula ng umiindap-indap na ilaw sa ibabaw. Pareho lang kaming parang tuod na nakatayo doon habang sobrang ingay at sobrang mausok ang paligid namin.
"Hindi ko rin kung paano sumayaw eh," sabi ko tapos noong nag-chorus na ang kanta ni Bruno Mars na Locked down in Heaven ay gumalaw na ako ng kaonti, "Ganito lang ang mga alam ko e," seryoso kong sabi sa kanya.
Nagtaka siya kasi tuod pa rin ang porma ko. Ngumuso ako sa ilalim at natawa siya namg makita niya ang hintuturo kong sumayaw. "Fishy dance," aniko, parang ulol.
"That's great," tawang-tawa niyang compliment sa sinabi ko pero maya-maya pa ay ginaya niya rin naman ang ginagawa ko. Tipong parang tuod lang ang katawan namin ay ang hintuturo lang sumasayaw.
"Fishy dance. Para sa mga mahiyain," aniko pero kahit ano pa yatang pagpigil ang gawin namin ni Edison ay napalundag pa rin kami kinalaunan nang mas lumakas pa ang pagtutog.
Together with the effect of the alcohol, naging amin bigla ang dance floor. Kagaya ng ginawa ni Georgina kanina ay nag-break dance din kaming pareho ni Edison. Pinalakpakan kami ng mga tao at noong nagtapos naman ang tugtugin ay sinalo ako ni Edison sa mga bisig niya.
"Fishy dance ulit? Hehehe?" shy kong sabi sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya at ginagalaw ang hintuturo sa gilid ng skirt ko.
"Fishy kiss," aniya at hinalikan niya ako. Mas mahaba kaysa sa paghalik niya sa akin kanina sa Deterdiente Barista. Nanigas ang hintuturo ko sa ginawa niya lalo na nang maramdaman ko ang dila niyang gustong makipagdigmaan sa dila ko. Muling umarangkada ang kanta ni Bruno Mars. Muling sumayaw at umidayog ang mga tao sa dancefloor. Maliban sa amin ni Edison.
* * *
BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...