Nag-abang ako kay Edison sa ilalim canopy ng building sa may labasan. I was looking at the very lonely long roads for some momentum. Simply lang 'yong outfit ko, floral blouse with blue skirt and also a blue cardigan. Medyo umaambon pero hinintay ko pa rin si Edison. Ang sabi niya kasi, in ten minutes dadating na siya at nine minutes na and forty five seconds ang lumipas bago niya sinabi iyon. Nagbilang ako. Five, four, three, two...
Napanganga ako nang nakita kong huminto sa tapat ko ang sasakyan niya. Maya-maya pa, bumaba siya at pinayungan ako. "Let's go," he said tapos pinagbuksan niya na ako ng pinto. Pumasok na ako.
Along the way, nagkaroon ng traffic sa daan at doon ko pa lang siya kinausap. "Napaka-on time mo naman," I told him. Pa'no ba kasi, 'pag nagsabi kasi siya ng oras kung kailan siya dadating, dadating talaga sita sa oras na 'yon.
Habang abala ang wiper ng kotse niya sa pagpawi ng ulan, nagsalita siya. "It's because time is precious for me," then he smiled at me.
Umiwas ako ng tingin. Nakaka-intimidate kasi talaga siya. Kagaya ko, simple lang din ang outfit niya. Plain blue shirt, shorts at espadrilles. Tapos nilagyan niya ng black na relos ang wrist niya, ang guwapo niya ng tignan. Nakakainis.
"You said, your time is precious to you," turan ko habang nakalatag ang mini shoulder bag ko sa lap ko. Nahiya kasi ako bigla sa legs ko.
"Precisely," pagkumpira niya.
"Right now, you're spending you're time on me, so what does it mean? Mahalaga rin ba ako sa'yo?" tanong ko. Hindi siya kumibo hanggang sa iyong hindi niya pagkibo ay inabutan na ng pag-usad ng traffic at hindi niya na tuluyang nasagot ang tanong ko.
Iyon 'yun e. 'Yon ang kinakatakutan ko kay Edison. Hindi ko marinig-rinig sa kanya kung ano ba talaga kami. Kung ano ba talaga ako sa kanya. Ako, sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya pero siya ba? I don't know. Gosh! Ang sarap manapak.
Kung tutuusin, sa July, mag-iisang taon na kaming ganito. Tipong parang may namamagitan sa amin pero hindi ko alam kung ano. Nakakatanga.
"Ibaba mo na nga lang ako," turan ko. Okay. Napahiya na ako. Tapos ano pa ang susunod na mangyayari? Magmumukha akong desperate?
"Sure. But take a look at the road sign," banggit niya at ako namang itong very gullible ay napatingin sa road sign na nasa bawat kanto ng kalsada: "No loading and unloading of passengers."
Nanggigil bigla ang dalawang third molar ko. Nagsalita naman si Edison. "Just like the road signs, minsan may mga bagay na hindi na kailangan sabihin. Signs are already enough," aniya.
Umirap ako. Naging pulido bigla ang eyelashes ko dahil sa pag-irap na ginawa ko. Kamuntikan na ring hindi bumalik 'yong itim na bilog ng mga mata ko dahil sa pag-irap ko. "Signs. I don't need signs. I need words."
Tinapon ko ang mga tingin ko sa window ng sasakyan niya na nasa gilid ko. Akala ko, magiging okay ang gabing ito. Mauuwi lang pala ang lahat sa misunderstanding. Wow! What a Friday night!
"Eh pa'no 'yun? I'm a type of person na hindi masalita. I'm more on actions, you know that Fate."
"Bakit?" tanong ko. "Ikakamatay mo ba kung sasabihin mong gusto mo ako? Na may nararamdaman ka sa akin? Alangan naman ako ang unang magsabi nu'n? Pa'no na lang kung mali pala 'yong iniisip ko?" Wala na. Naiyak na ako.
"Bakit? Ano bang iniisip mo?" tanong niya. Natawa siya. Hinarap ko siya. Sasampalin ko sana siya sa nota niya kaso pinigilan niya ako. "Easy! Easy!"
"Nakakainis ka talaga! Ibaba mo na nga ako!" Ang taas na ng init ng ulo ko sa kanya pero siya natatawa lang talaga. Maya-maya pa, pinindot niya 'yong auto-drive ng sasakyan niya, humilig siya palapit sa akin tapos kumurap-kurap naman ang mga eyelashes ko nang makita kong pinagmasdan niya ang mga labi ko. Mabilis kong tinikom ang bibig ko nang sagayon ay hindi niya na makita o pagnasaan 'yong lips ko.
"T-teka? Are you going to kiss me?" tanong ko. Napapikit naman siya ng mga mata dahil sa inis yata? I don't know. Bumalik na siya sa pagda-drive.
"Huh!" Napabuga ako ng hininga sabay ayos sa bangs ko na medyo nagulo dahil sa pag-iwas ko sa akmang paghalik niya.
"Hindi mo pa nga sinasabing gusto mo ako tapos hahalikan mo na ako? Ano 'yun? Parang gusto mo lang mag-group message nang hindi mo pa nire-register ang load mo sa promo? Huh!" Kunwari natawa ako pero nanggigigil na talaga ang mga gilagid ko.
"Magtiyaga ka Edison! Kung gusto mo ako, sabihin mo sa akin! Kung gusto mong maging tayo, ligawan mo ako! Ganu'n na lang ba ka-cheap ang tingin mo sa'kin? Wow ha!" Gosh ang dami ko ng sinasabi. Pero nabigla lang talaga ako sa ginawa niya kanina. 'Yong akmang hahalikan niya sana ako kaso binara ko siya?
Nainis ko yata talaga siya kasi binilisan niya 'yong takbo ng sasakyan niya. "Wow! So ikaw pa 'tong galit? Grabe lang ha! Ako 'yong babae dito tapos ikaw 'yong nagkakaganyan! Wow! As in wow! Magpakalalaki ka Edison! Come on!"
Alam kong kung saan-saan na lang napupunta 'yong sinasabi ko sa kanya. Pero may point naman ako 'di ba? Alam kong silent type talaga siya. Hindi masyadong masalita pero hindi naman yata puwede 'yong dini-date-date niya lang ako, hahalikan niya lang ako, tapos 'yun na 'yun! Kahit guwapo pa siya, kahit pa ang daming ang daming babae ang gustong mag-volunter na bumukaka na agad sa harap niya, kailangan niya pa rin talagang dumaan sa proseso. Baka akala niya, easy to get ako. Jusko! Kung alam niya lang kung gaano kamahal 'tong cardigan na suot ko. Well, parang mas mahal 'yong espadrilles na suot niya pero basta! I will live base on my principle!
Inihinto niya ang sasakyan niya nang may dumaan na Lola sa isang pedestrian lane. Binuksan niya iyong pintuan na nasa gilid niya. Lumabas siya at tinulungan niya 'yong Lola na makatawid. Nang makita ko siya sa ginagawa niya, parang nagsisisi ako bigla na hindi ako nagpahalik sa kanya. Sobrang nag-melt kasi ang puso ko sa nakita kong ginawa niya. Goodbye principles!
Pagbalik niya sa kotse, hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. "I like you Fate. Gusto kita kaya kahit ang hirap sabihin, gusto kong sabihin na gusto kita."
Pina-andar niya na ang kotse. Bigla kong nakagat ang dila ko sa sobrang kilig na naramdaman ko. Gosh! Ang delikadesa ko! Inayos ko ang facial expression ko.
"Ano ba! Huwag mo nga akong tignan!" Sinapak ko siya ng shoulder bag ko sa braso niya nang nakita kong nakatitig siya sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko noong humarap ako sa kanya.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Namumula rin siya.
Maya-maya pa, hinarap ko siya. Umiyak ako. "Nakakainis ka! Ba't mo sinabing gusto mo ako ha? May sinabi ba akong sabihin mo na agad? Na ngayon na?"
"Ang hirap mong spell-lingin," turan niya. Sinapak ko ulit siya. Gosh! Mabubugbog ko yata siya. Iyak lang ako ng iyak sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil yata sa pagkabigla ko?
Gabi na at wala na masyadong kotse 'yong dinadaanan namin. Maya-maya pa, nag-auto drive ulit siya. Humilig siya sa akin tapos gamit 'yong laylayan ng cardigan ko, pinahiran niya iyong mga luha ko. Ngumawa ako lalo.
"F*ck! Ganyan ba talaga kayong mga babae?" bwesit na bwesit niya ng turan. Tipong may inaway siyang bata na inagawan niya ng stick-o tapos hindi niya na mapatahan. I'm just happy. Wala lang. Ang tagal kong gustong marinig 'yon e.
Umiyak pa ako lalo. Mas tinindihan ko pa 'yong pag-iyak ko para mas lalo ko pa siyang mainis.
"Teka nga!" Inalis ko 'yong kamay niya habang nasa kalagitnaan ako ng paghagulgol ko. "Gusto mo ako, bilang ano?" tanong ko.
Natulala siya.
Nag-isip saglit tapos nu'ng nakapag-isip na, nagsalita na siya. "As your friend..."
Nasampal ko siya bigla. Dumugo ang ilong niya sa lakas ng pagkakasampal ko. "O my gosh! I'm sorry."
Nang makita niya 'yong dugo sa ilong niya, nahimatay siya bigla.
"Edison! My gosh!"
Nag-panic ako. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Edison ba na nahimatay o 'yong kotse na kusang tumatakbo. Gosh! Sa pag-iyak ko at sa mga emposyong naramdaman ko, nawalan na yata ako ng logic sa utak ko.
* * *

BINABASA MO ANG
Crucify Me
Romance"Crucify me," he begs. Metrosexual Edison Bermundo-Chavez is a masochist on his own self. He is one of the most successful investment magnate throughout the country holding large shares on different real estate and banking companies. Scarred by his...