C H A P T E R 37

670 16 3
                                    

Never pa akong nakulong sa tanang buhay ko but on this sunny day of the last week of April, I broke the record. Nakulong ako dahil sa pambubugbog ko ng dalawang babae last night. Nagpiyansa na si Edison para sa akin yet I still need to be jailed for to hours and have community service for three hours.

Habang nasa loob ako ng selda, panay lang ang pagkuha ng kuto at pagbi-braid ng mga babaeng preso roon sa buhok ko. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng kuto pero ang dami talaga nilang nakukuha. Minsan ay kinakain pa nga nila at minsan ay pinapakain din nila sa akin. Ang sarap. Lasang oyster.

"Humanda ka talaga sa akin," bulong ko habang nakahawak ako sa rehas at nakatingin kay Edison na nasa may labasan ng presinto na nilalandi na naman ng dalawang babaeng nabugbog ko kagabi.

"Ouch! Ano ba!?" Napadaing ako nang sumobra iyong paghila ng isang babae sa buhok ko habang nagbi-braid siya roon at kumukuha ng kuto at the same time.

AFTER TWO HOURS, nakalabas na ako. Hindi ko kinausap si Edison habang sinusundan niya ako sa paghahanap ng sako na mapapaglagyan ko ng mga basura for my community extension service.

"Congrats, you're free," aniya.

"Don't talk to me."

"Ano na naman ba ang problema? You're free."

"Wala."

"Wala?"

Hinarap ko siya at binagsak ang sako sa sahig ng labasan ng police station. "BAKIT BA ANG HILIG-HILIG MONG NILALANDI KAAA!?" Napasigaw na ako.

May dalawang vegetable truck ang nagkabanggaan sa daan na nasa gilid namin dahil nakuha ko ang atensiyon ng drivers dahil sa pagsigaw ko.

Lumapit sa akin si Edison at tinakpan ang bibig ko gamit ang daliri niya.

"They don't like noisy people here," aniya tipong halos pabulong na.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa ginawa niya.

Noong kumalma ako, tinanggal niya na iyong daliri niya.

"Nagpalandi ako para hindi na nila dagdagan ang kaso mo."

"Arrg!" Nasabunot ko na lang ang bangs ko.

Gamit ang motorbike na nirentahan niya, dinala ako ni Edison sa iba't-ibang lugar sa Batan habang nagko-community service ako at may dala-dalang sako.

We've gone and travel along the winding and cliff-hugging roads of the city limits. Nagpunta rin kami sa Ruins of the Long Range Navigation Station, isang former US facility sa Uyugan na nasira dahil sa digmaan.

Isa pang city ruin ang pinuntahan namin, ang Ruins of Songsong. Mga roofless old stone houses ang natagpuan namin doon. Ang sabi ng mga guides, the place was abandoned in the 1950 when a tidal wave hit Batan. The feeling of watching those houses is euphoric. You can really feel the warm memories of the previous people living there.

Noong napagod kami ni Edison, tumigil kami sa isang Honesty Coffee Shop sa Ivana. It was a very unique coffee shop dahil walang nagbabantay. May box lang doon na lalagyan ng bayad tapos magtitimpla ka lang ng kape pagkatapos. If your money is 500 pesos, puwede ka ring kumuha ng sukli. Amazing!

"Sana lahat," komento ni Edison noong inuubos namin ang kape. Kahit galit ako sa kanya ay natawa ako. Nasamid pa nga ako. Sobrang sakit din ng naramdaman ko kasi napunta sa ilong ko iyong kape noong tumawa ako. Tinawanan niya lang ako.

Pagkatapos naming magkape ay nagpunta kami sa Dipnaysupuan Japanese Tunnel sa Basco. Nagpunta rin kami sa mga stone houses na tinatawag nilang 'vahay' kung saan ang mga bubong ay yari sa cogon. Pinapasok nila kami sa isa sa mga vahay at sobrang lamig doon kahit ang init sa labas! Bago kami umalis ni Edison, binigyan nila kami ng souvenir. Isang 'vakul' para sa akin at isang 'talugong' para sa kanya Headgear iyon na yari sa makakapal na cogon. Symbolic iyon para sa kanila at ang bilin ng mga lola sa amin roon ay suotin daw namin iyon palagi para talagang magkatuluyan kami ni Edison.

Crucify MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon